Tantan Dating Apps


May ex akong Lesbian tumagal din kami ng halos 3years pero dumating sa point na halos araw-araw na kaming nag aaway na parang nauwi na sa toxic relationship at tuluyan na nga akong nakipaghiwalay.

Lumipas ng Isang taon naisipan kong mag download ng mga dating apps tulad ng Tinder, meetme at iba pa. Mas tumagal ako sa apps na Tantan syempre single naghahanap ng bagong makikilala, friends at syempre jowa. Ang dami ko ding nakilala sa apps na yon yung iba mga friends ko na sa fb yung iba naman mga ka M.U don ko din naranasan sa buong buhay ko ang maghost yung sabing maliligo lng tapos umabot na ng 5months wala pa din chat kaya inisip ko baka nalunod na yata sa cr yon (hahaha).

Para kasing desperado talaga akong magka boyfriend ng lalaki e haha ikaw ba naman umabot ng 3years sa lesbian hindi kaba maninibago, feeling ko kasi wala ng magkakagusto sakin na lalaki kasi halos lahat ghinost ako. Halos araw araw akong nasa tantan nun pero nung naranasan ko maghost siguro 2 beses sa isang linggo nalang ako mag tantan para kasing nawalan na ko bigla ng gana.

Dumating sa point na e uninstall ko na sana yung tantan apps ko kasi halos 1year na din ako don wala pa din matinong kausap kaya ng decide na ko mag uninstall. Yung last day ko na sana sa tantan nag open ako nung gabing yon pa log out na sana ako nung may humabol na nagchat (Hi daw) so syempre ako na si...


(Hello din) hanggang sa nagkatanungan ng fb acct e kasi sabi ko sa kanya mag uninstall na ko kasi wala ngang matinong kausap so sya nanghingi ng number tapos fb acct so syempre ako naman si mapagbigay.

Hanggang sa nawala na nga ng tuluyan yung Tantan dating apps ko at syempre nagkakausap na kami nun thru messenger. 1 week pa lang kami magkachat nun natatandaan ko pa sept 18, 2020 gusto nya raw makipag meet sakin so kinabahan ako kasi di naman ako mahilig sa makipag meet up. Hanggang sa pumayag ako makipag meet

So eto na nga nag meet na kami malapit lang din samin bumyahe talaga sya papunta sa lugar ko. Unang meet nagkahiyaan syempre ganon naman talaga. Yung meet up namin parang 1st date na din para sakin eh. Ayon tamang usap lang habang nagmi milktea. Wala nga kaming picture nun eh kasi naman ang panget ng camera ng phone ko malabo haha tapos ganon din yung sa kanya hahahah.

Tapos September 29,2020 pinasyalan nya nanaman ako samin pero hindi sa mismong bahay hanggang Guard house nalang muna sya hehe kasi nanliligaw pa lang sya nun and hindi pa alam ng parents ko. Naghatid lang naman sya ng gift nya sakin at Gco donut at nung araw na yon don ko na din sya sinagot pumayag na kong maging Girlfriend nya.

Ngayong darating na September 29,2021 1st Anniversary namin as a couple ☺️.

Thankyou po sa mga nakabasa nitong love story ko Im Jona Liza Dumali
Gcash number: 09217365199
Goodluck to all ☺️☺️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top