SA PULA SA PUTI Part 1


SA PULA SA PUTI”
Part 1
Isang karaniwang tahanan sa lalawigan ang pintuan. Sa likuran at patungo sa labas ang sa kanan at patungo sa kusina. Matatambad sina Seling at kulas. Mag asawa kapwa sila may kagulangan na at nakasuot ng barong karaniwang Nasa lalawigan. Nag susulat so seling samantalang si kulas ay nanghihimas ng tinali. Dudukot so kulas ng sigarilyo sa bulsa. Hahatiin ang sigarilyo sisindihan ang kalahati at ibabalik ang kalahati sa bulsa. Pauusukan ang tinali titignan ang hahangaan ang kaliskis nito.
KULAS: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga Seling?
SELING: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
KULAS: Si Seling naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
SELING: Sa pagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasi kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang iyong tinali kaysa sa akin.
KULAS: Ano ka ba...


naman, Seling , wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa. (Ilalagay ang kamay sa balikat ni Seling)
SELING: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita Kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at mag selos.
KULAS: Ngunit Seling, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
SELING: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
KULAS: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako ngay napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay Hindi pa ako bihasa sa pagpili at pag himas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
SELING: At noong nakaraang linggo, noong matalo ang iyong talisain, Hindi mo pa ba Alan ang mga sistema.
(Kain Lng ako)
* comment for part 2*






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top