SECOND CHANCE AT MARRIAGE CHAPTER ONE


TITTLE:SECOND CHANCE AT MARRIAGE
AUTHOR:BINIBINING CHLOE
GENRE:ROMANCE
CHAPTER ONE
“FLASHBACK”
Pag pasok palang nya sa apartment ay naamoy na niya ang masarap na adobo na niluluto ni Donna.
Ipinatong niya lang sa upuan ang white coat at ibinaba sa sahig ang bag na naglalaman ng mga gamit niya para puntahan sa kusina ang abalang asawa.Alam niyang nageksperimento na naman ito at sa amoy pa lang ay masasabi na niyang mabubusog ulit siya sa hapunan na inihahanda nito.
Nag tungo sya sa kusina kung saan nag mumula ang masarap na amoy ng nilulutong ulam.Sumandal siya sa hamba ng pinto at tiningnan ang asawa sa abala sa ginagawa.
Habang pinagmamasdan ito ay naisip niyang wala na siyang mahihiling pa . Nasa kanya na ang babae na pinapangarap ng sinumang lalaki -responsable,simple at maganda
Pinagsawa niya ang mga mata sa kabuuan ni Donna.
Natural lamang ang ganda ng misteryosa niyang asawa .ang hugis-pusong mukha nito ay maamo,ilang hibla ng lampas balikat na buhok nito ay natanggal nasa pagkakatali,may maliit na chocolate icing sa kanang pisngi nito at hindi naitago ng oversized shirt nito na pinatungan ng apron ang balingkinitan nitong katawan.
Napansin ng ng abalang misis niya na dumating na siya .
“Doc,baka man mauna akong maubos niyang kaysa niluluto ko.”
Tumingin ito sa direksyon niya.And a clearer view of his wife’s face made him wonder how she was able to make him fall in love with her more everytime he looked at her.
Yes,she was able to make his heart beat faster and make his body ache...


for her.
Ipinilog niya ang ulo.Inabala nito ang sarili sa pagbe-bake at pagluluto.Mukhang masarap ang cake na nasa mesa.l,pero may iba nang nakatawag sa pansin niya.
“Hmm…Malamang na ganoon na nga ang mangyayari dahil sa tingin ko ay mas masarap yata ang icing na nasa pisngi mo babe.”
Napataas ang kamay ang asawa sa pisngi nito.gamit ang likod ng kamay nito ay sinubukan nitong tanggalin ang icing
“Okay na?” Tanong nito.
Tumango lang siya.
Kahit na mapuno pa ng icing ang mukha ni Donna ay hindi pa rin magbabago ang epekto nito sa kanya.pinipigilan niya lang ang sarili na lapitan ang asawa dahil kung gagawin niya iyon ay walang hapunan na mangyayari.They would end up having a dinner in bed gaya ng nagdaang mga araw.
Siguro sa pagkakataong ito ay sa kusina na ,pero hindi pa rin pagkain ang ihahapunan mga araw.
“You are staring again,Mister,and the intensity of your gaze is making me uncomfortable.”
Napakamut siya sa ulo.Nahuli siya nitong sa ginagawang pagmamasid dito.Naiiling na tinalikuran siya ng babae para harapin ang niluluto. Whew! Seryoso ito sa cooking session dahil hindi man lang siya nito sinalubong ng yakap.
“Hmm…” Nagkunwaring nag iisip siya para ma-distract ang sarili mula kay Donna.
“Babe,why don’t you change first?Promise,pagkatapos mong magbihis ay handa na ang mesa at kakain na tayo,” hindi tumitingin na suhestyon nito sa kanya.
Hindi niya sinunod ang sinabi nito. Nanatili siya sa kinatatayuan.
“I’m expecting a wife who would hang herself in me the moment I arrive,” kunwari ay nagtatampo na sabi nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top