SELLina CHAPTER 1


🌺SELLina🌺
🌺CHAPTER 1🌺
————
“Mga inutil!!isang babae lang natakasan kayo?anung mga silbi ninyo kong tatanga tanga kayo?”bulyaw ni Demon habang nasa sala ng mansyon nito..
Kaharap ang mga guards na dapat ay nagbabantay sa kanyang asawa..
“Ipatawag si Eding!ngayon din!”muling bulyaw nito
“Yes boss!”agad tumakbo ang tatlo sa kanyang mga tauhan..
‘”mga gago!ilan ba si Eding ha?'”galit na galit ang mukha nito
“I-sa lang boss!”
“Mga tanga!isa lang,tapos tatlo kayo!!!???”halos mabingi ang mga naroon dahil sa lakas ng boses nito..
Ngayon lang nila nakitang galit nagalit ito..ang nakasanayan kasi nilang boss ay tahimik at laging seryuso ang mukha..hindi maipagkakaila na isa itong mapia boss dahil sa klase ng katawan nitong mala adonis at gwapong nitong mukha..may tumutubong maliliit na begute na hindi nya napapansin dahil sa laging abala sa mga gawain at paghahanap sa asawa…
Hindi pwedeng makawala ang babaeng iyon sakanyang mga kamay..
“Akin lang sya!ako ang nagmamay ari sakanya at hindi sya pwedeng mapunta kahit kanino…”kuyom na mga kamao,at nanlilisik na mga mata,walang sino man ng nais magtanong dahil takot sila sa lalaking nasa harapan ..
“Boss narito na si manang Eding!”saad ng isa sa mga guards..
“Sir!pi-na-pa-ta-wag nyo raw po ako?”yukong tanong ng matanda,takot na takot ito sa klase ng titig ng amo..
“Manang?alam nyo bang tumakas nanaman si Sellina?”mahinahong tanong nito.kahit kasambahay nya ito.ginagalang nya ang matanda dahil ito ang tumayong ina nya at pangalawang magulang..
Wala na syang mga magulang,dahil noong 15years old pa lamang ang edad nya.
Pinatay ng mga kalaban sa mapia world ang ama at ina nito,maging ang nag iisa nitong kapatid na babae na 5years old,ay hindi rin nila pinalampas.
Alam iyon ni manang Eding dahil naninilbihan na sya sa mga Mcgregor ng mga panahong iyon.
Kaya ganito na lamang ang alaga nya dahil nakaranas ito ng matinding deppression at lungkot,pagkamuhi at paghihigante.
Hindi nya maaaring husgahan ang amo dahil sa dami ng pinagdaanan nito hanggang sa nagbinata at nagkaisip…
“Hin-di po sir!”mahina nitong sagot
“Manang!alam kong alam mo,sabihin mo..
Nasaan ang asawa ko!!!???”ang kaninang kalmadong boses ay napalitan ng malakas at nakakatakot na sigaw..halos magimbal ang lahat,ngayon lang talaga ito nangyari.may mga panahong tumakas ang asawa ..ngunit naibabalik nya naman ito dito sa mansyon…
Ngunit ngayon,ilang araw na ngunit hindi nila makita ang babae..
“Wala po a-kong a-lam sir!”
‘manang!sabihin mo sakin,dahil mababaliw ako kapag nawala ang asawa ko sakin!”hindi alam ni manang eding kong kunyari o totoo ba ang sinasabi nito..isa lang ang alam nya,
Hindi pwedeng makita ng amo nya ang dalaga !
“Blag!”
“blag!”
“Blag!”
sinipa nito ang lamesa ang mga mwebles at kung anu anu pang desplay sa sala..ng mansyong iyon..
“Hanapin nyo ang asawa ko ngayon din!!!!!”sigaw nito sa galit at muling nagwala..na animo’y kaya nyang wasakin ang sino mang lalapit..
‘Sellina??bakit narito ka?saan ka galing?”pagtatakang tanong ng bestfriend at kababata nitong si analiza,nagtakaka ito dahil gabi na..at malakas pa ang ulan nilakihan nito ang bukas ng pintuan at agad na pinapasok ang basang basa na kaibigan..
‘salamat liz..”
“Maupo ka muna sa sala,kukuha lang ako ng towel sa kwarto!”naupo nga ang dalaga ..
Hindi sya makapaniwalang nakatakas sya sa kamay ni demon,hindi sya makapinawalang sa wakas ay nakawala na sya sa lalaki..
Habang nakaupo hindi nya maiwasang maiyak dahil sa mga ala alang hindi nya alam kong paano nya kinaya
FLASHBACK A MONTH AGO
“Sellina,magbihis ka at ayusin mo ang iyong mga gamit,lilipat kana ng tirahan!”bulalas ng tiyahing si carina,
Kapatid ito ng kanyang amang yumao noong nakaraang taon.may kaya sila sa buhay ngunit ng mamatay ang nag iisa niyang magulang.kinamkam ng kanyang tiyahin ang lahat ng meron si sellina,may dalawang anak ang tiya nyang si carina.
ngunit wala itong asawa dahil namatay sa aksedente..nag aaral ang dalaga ng mga panahong iyon maging ang kanyang mga pinsang sina carmona at carlita..
Si carmona ang panganay at si carlita ang bunso isang taon lamang ang agwat ng kanilang edad..
Si sellina ay mas matanda sa dalawa..
Ngunit kahit na ganun,sila parin ang sinusunod ng kawawang babae..
Mala cinderilla kong ikukumpara ang kanyang buhay..yun ngalang wala syang palasyo at prince charming ..
Walang magic at fairygod mother.
“Saan po ako titira tiya?”
“Wag kanang magtatanong at magbihis kana dahil ilang minuto nalang at may susundo sayo rito!”para syang witch sa snow...


white dahil sa mataray nitong kilay at nanlilisik na mga mata.nasa tabi nito ang dalawang anak..
“Momita im so excited na talaga,gusto konang mabili ang damit na gusto ko sa mamahaling boutique sa sm!”
“Shot’up!carlita”bulyaw ng ina
“Goodluck sayo sellina,!”sabay ngise ni carmona
“Saan po ba ako pupunta tiya?”
“Wag kanang magtanong,diba nga sabi mo ayaw mona kaming makasama pa?ngayon matutupad na iyan dahil ipambanayad kita sa mga utang ko!”walang pakundangan nyang banggit..gayon nalang ang gulat ni sellina dahil sa narinig,
Mabilis na tumulo ang kanyang mga luha habang nag eempake ng mga gamit
“Tsssk!isipin mo nalang na magiging alipin ka doon,magiging slave at kapag nagsawa na ang demon mcgregor itatapon kana lang nya sa ilog”at tumawa ng mahina
“Tumahimik ka carmona!”
“Fine?!”
“Tiya!maawa na kayo,gagawin ko ng lahat wag nyo lang akong ibigay sakanya.ang alam ng mga tao sa lugar na iyon.Si Demond Mcgregor ay isang walang pusong tao.napakapangit ..
at matandang mayaman na hindi nakapag asawa dahil sa katandaan nito.. bali balita rin na isa syang mamamatay tao.
Ngunit sa kabila ng lahat isa syang napakayamang tao dahil sa mga negosyo nito at isa nga ang casino kung saan nagka utang ang kanyang tiya na higit sa 10million.at wala ng ibang mahihiraman ang ginang dahil wala ng nagtitiwala pa dito..
Maging ang negosyo nila sellina ay nabankrupt dahil sa tiya nyang sogarol
“Mamita?mukhang nariyan na ang susundo kay sellina!”
“Sige tara na,!”
“Tiya,maawa kana po,maawa kana sakin,hindi na ako magrereklamo.susundin kuna ang lahat ng ipag uutos nyo..”ngunit parang hindi sya naririnig ng kausap
“Bilisan mo,at baka magalit ang susundo sayo
Wag kanang mag enarte dahil kahit anung gawin mo,aalis ka at sasama ka parin dahil naibigay na ng secretary ni mr.Mcgregor ang kabuuan ng halaga mo!”
Napaiyak muli si sellina, hindi sya makapaniwa na ganito lang kadali para sa mga pinsan at tiya ang ipagbile sya,para lang pambayad utang at mabili nila ang mga nais…
Pagbaba nila,
“Sige na,sumama kana sakanila!”
Turo nito sa apat na kalalakihan na nakatayo sa labas ng kanilang gate.pare pareho ang kanilang mga suot.sila siguro ang mga bodyguards dahil sa klase ng mga suot nito.ni hindi manlang sila ngumingite.mga seryuso ang mukha ng bawat isa..
“Dalhin nyo nayan!”saad ng kanyang tiya carmila
“Lets go maam!”ngunit hindi manlang humakbang ang dalaga..pinagmamasdan lamang nya ang lugar..
“Tatakas ako,kailangang makatakbo!”isip nito
Nagkunyari syang naglakad upang tumungo sa sasakyang nasa tapat lamang ng kanilang gate..
Ng makalabas ng gate at nasa kalsada na…
Inilapag nito ang bag nadala at
Mabiliiiiisssss na tumakbo paalis doon..
“Maam!bumalik ka!”
“Habulin nyo bilis!”bulalas ng isa sa mga guards agad namang tumakbo ang tatlo..
‘”maam bumalik ka!”sigaw ng mga ito ngunit tuloy lang ang takbo ng dalaga..
Hanggang makarating ito sa palikong daanan patungo sa palengke..
“Siguro hindi na nila ako masusundan dito!”bulong nito nawala narin kasi ang mga sumusunod sakanya…
Ngunit..
Biglang may humawak sa kanyang bewang at may kung anu itong inilagay sakanyang ilong at bigla nalang nahilo at nahimatay ang dalaga….
Nagising si Sellina na masakit ang ulo at mahilo hilo pa ito dahil sa kung anung gamot ang inilagay upang ipantakip sa kanyang ilong kanina…
Teka!nasaan nga pala sya??
Mabilis itong bumalikwas ng bangon..
“Wow!’hindi nya maiwasang mamangha dahil sa nakikitang ayos ng lugar na iyon.napakaganda ng kwarto dahil sa kulay ng nito,paborito nya ang kulay na purple..maging ang mga kurtina ay ganun din..
Ngunit hindi pwedeng magsaya..
Hindi nya alam kong saan sya ngayon o kung anu ang gagawin sakanya kaya kailangan nyang makatakas bago pa sya magawan ng masama ng kung sino mang demonyo nayan…
Ngunit tatayo na sana sya ng bumukas ang pinto ng kwarto kong nasaan sya ngayon..
“Magandang gabi maam sellina,ako si manang eding ang isa sa mga kasambahay sa mansyong ito.!”ngumite ito sakanya kaya balik ngite rin ito..
“Hello po manang eding,!”
“Uras na para kumain maam,pinapatawag na kayo ni sir demon!”
“Ha?kasi manang..
“Alam ko kung bakit ka narito maam kaya sana,wag kanalang manlaban dahil sa uras na gawin mo iyon at kapag nagalit si sir,baka kung anu ang gawin nya sayo..
Sundin mo nalang ang lahat ng kanyang sasabihin,upang hindi ka nya saktan.sinasabi ko ito sayo dahil natatakot akong masaktan ang isang napakagandang dalaga na kagaya mo!”
“Si-ge po ma-nang!”mautal utal sya dahil hindi nya alam kong anu nga ba ang mukha ng lalaking sinasabi nitong sir,ang naremagine kasi nya,isa itong matanda at nakakatakot ang mukha….
TO BE CONTINUE…..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nice story sana sunod sunod ang chapter ep 1 plng maganda na

Leave a Reply


top