SELLina CHAPTER 28


“Pa!bakit mo ba ako pinipigilan ha?gusto kong saktan ang babaeng ‘yon dahil sya ang dahilan kong bakit,nadisgrasya si Demon!”nasa kotse sila ng kanyang papa at patungo ang mag ama sa kumpanya..tahimik lang si enrico ng mga uras nayon habang nakamasid sa bintana ng kotse
Ng malaman nyang dadalaw ang anak sa hospital,sumama ito kahit nagtataka si mira,ayaw nya munang magsalita tungkol sa babae dahil hindi pa sya sigurado ..
“Pa?bakit di ka nasagot???”
“Mira anak,alam mo namang may kakambal ka hindi ba?”
“Uho,alam ko..hindi mo inisip na mahahanap pa natin sya?”
Nagtataka sya sa ikinikilos ng papa nito,dahil matagal ng panahon na hindi nito binabanggit ang tungkol sa kakambal.
Pero tuwing birthday nya kada taon ay dalawang cake ang laging nasa hapag..
Noong bata pa sya..bawat birthday din..may dalawang cake at dalawa ang laging regalo..hindi lingid sa kaalaman ng dalaga na may kakambal sya,dahil mula noong nagka isip sya ay lagi itong sinasabi ng papa nya sakanya.mas matanda daw ng 15mnts.ang kakambal nya..
“Bakit naman ninyo naisip yan?nahanap nyo na ho ba si Almira?”takang tanong
nito..
Nasa bintana parin ang tanaw ng ama nito habang patuloy sa pagsagot
“Kapag ba nahanap natin sya?tatanggapin mo ang ate mo?”iyon na ang tanong na humarap sya sa anak na nagtataka ang mukha
“Oo naman pa,kapatid ko sya at kakambal pa,matagal na panahong hindi natin sya nakita kaya bakit hindi ko tatanggapin?”
“Sana naman anak,hindi mo sya kamuhian?sana mahalin mo sya?”
“Pa?anu ba kasi ang nangyayari??”tumigil ang kotse kaya,inayos ni enreco ang sarili at binuksan ang pinto na nasa tabi nya..
Hindi na sya nag atubiling sumagot pa dahil,tumalikod na ito..naiwan si mira sa kotse,na nagtatanong ang mukha….
Isa
Dalawa
Tatlong linggo na ang nakalipas ngunit tulog parin si Demon,
Araw araw at si sellina ang naroon..
Sya ang lahat lahat ang gumagawa,nagpupunas sa asawa at binabasahan nya ng kung anu anu.
.minsan nga pinapahawak nya ang tiyan nitong may umbok na,dahil mag aapat na buwan na ito..
Kahapon nagpatingin sya sa OB at ang sabi naman ng doctor malusog daw ang baby nya..malakas ang kapit nito..naisip ni sellina na mana ang baby nila sa kanyang ama,
Nasa tabi nanaman sya ngayon ng asawa habang nagkukwento ng nangyari sa buong araw…
Araw araw nya kong gawin iyon..nagbabakasakaling marinig ng asawa..
Paminsan minsan tumutulo ang kanyang mga luha..hindi nya kasi iyon mapigilan talaga..
Noong nakaraan nagpahanap sya ng duhat
kay drake…at isinawsaw nya sa nutela
Kahapon kalamansi naman na may asukal..hindi nya alam pero takam na takam sya sa mga wierd na mga pagkain..
Siguro parte parin iyon ng paglilihi..tuwing tanghali rin kung pumunta si manang Eding..
Lagi ngang sinasabi ng matanda na umuwe naman daw sya at ng makapag pahinga kahit sandali..
Ang sagot nya,nagiging panatag lamang daw sya kapag nasa tabi ng asawa..
Ang sabi ni drake,grabe rin daw ang pinsala ni alejandro.50/50din katulad ni Demon…
Nasa comma din ito at hindi parin nagigising..
Sana hindi na sya magising!
“Honey hanggang kelan ka dyan?
Namimiss na kasi kita..pwede bang gumising kana?alam mo bang gumagalaw ang baby natin?
Ang saya saya ko dahil gumagalaw na sya..
Gusto mo bang hawakan?”para syang baliw na nagsasalita kahit walang sumasagot…
Nakatitig ito sa asawang nakaawang ang bibig dahil sa oxygen ..
Hinawakan nya ang kamay nito at inilapat sakanyang tiyan…
Ilang sigundo lang…
at bigla na lamang nitong naramdaman na gumalaw ang baby nya..
“Honey?narandaman mo ba yon?miss kana raw ng baby mo!”mangiyak ngiyak ito habang nagsasalita nangingite sya kahit may bahid ng luha ang mata…
Narinig siguro at naramdaman iyon ni Demon..
Kaya biglang pumitik ang kanyang hinliliit..
At nakita iyon ni Sellina..
“Demon?honey??gising kana..?please gumalaw ka ulit,gusto kong makita please gumalaw ka maawa ka!”halos sumigaw ito…
“Drake,drew ..Anthon!!!!!”tawag nya sa...


tatlo kaya mabilis na pumanhik ang mga kalalakihang nasa labas ng kwarto ..
“,Maam?anung nangyari…”
Bumaling ito sa pasyenteng nakahiga at nakita nila na unti unting dumidilat ang mga mata ng amo..
“Tumawag ka ng doctooor ngayon bilissss!!!!”tarantang utos ni sellina kaya tumakbo si anthon palabas ng silid upang tawagin ang doctor..
Nakita ng dalaga na nagmulat ito ng mata,
“Honey??”habang nagsasalita halos umagos ang mga luha nito dahil sa subrang kasiyahan…
Nakangite pa ang lalaki kahit mamatay matay na kakaiyak ang nasa gilid nito..
“Ssssh stop crying!”
Mahinang sabi nito.dahil siguro sa ilang linggong pagkakatulog wala na syang lakas upang magsalita..
Halata ang pamumutla sa balat ng binata..ngunit kahit ganun paman..hindi parin nawala ang kagwapuhang taglay..
Magsasalita pa sana si sellina ng bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang doctor..
“Sasusunod,wag mo akong tututukan ng baril!”bulyaw nito sa lalaking nasa likod..
“Ang tagal mo naman hu kasi,sinabi konangang emergency!”anthon
Bumaling ang doctor sa lalaking nakahiga..
Tiningnan ng kasama nitong nurse ang vital sign at ang heartbeat,maging ang paghinga..
Habang abala ang doctor..panay lang ang titig ni sellina sa asawa na nakatingin din sa dako nito,maging sa maumbok nyang tiyan ay nadako rin ang mata ng binata..
Ng makita iyon napangite si Demon .na animoy ngayon lang nakakita ng buntis..
“I love you!”bulong nito sa hangin walang tunog iyon ngunit alam ni sellina kung anu ang kanyang sinabi..
“I love you too!”,bulong sa hangin sabay senyas ng two sakamay..halos umapaw ang ligayang nararamdaman ng asawang babae dahil sa nagising na ang kabiyak…
Maya-maya;
“Mrs.Mcgregor,sasabihin kong napakabuti ng panginoon,..
Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil nabaling ang atensyon nito sa mga kalalakihang naroon sa loob na may mga dalang armas..natatakot siguro..
“Ahhmf pwede bang palabasin mo muna sila?”..ng marinig nila iyon kusa namang lumabas ang tatlong aalalay ni Demon..
“,Okay na doc!”
“Good thank you!,
Gusto ko lang sabihin na mabilis na nakarecover ang katawan nya,sa ibang mga case ng comma at sa ulo ang tama ay halos taon ang binibilang bago magising,ang isang pasyente..
May pagkakataon din na hindi na nagigising pa..sa kaso ng asawa mo.malakas ang kanyang katawan at nagising sya agad..
Nacheck na namin ang katawan nya at maayos na ito,sa ngayon kailangan nalamang maghilom ang kanyang sugat..
Kukunin narin namin ang oxygen dahil hindi na ito kailangan..
Iyon lamang sa ngayon at have a good day!”
“Salamat po doc!”akmang tatalikod ang doctor
“,At isa pa pala,wag naman sanang manutok ng baril ang mga tauhan nyo.dahil baka ako’y mamatay ng wala sa uras!”
“Uho,pasensya na pagsasabihan ko po sorry!”tumalikod na ito at ang kasamang nurse kaya lumapit si sellina na nangingite dahil sa baliw na si anthon..
“Can i get a kiss?”nagulat pa si sellina dahil sa sinabing iyon ng binata imbis na nagugutom kasi o humingi ng tubig kiss ang hinihingi nito..
,”Pervert!”bulong nya..
“Sayo lang ..”kaya na kurot nya ito sa tagiliran..
“Ouch!ouch!”at nagkunyaring sumakit ang ulo..
“Honey??,okay kalang!!;sandali tatawagin ko ang doctor huh?sandali lang..tumayo ito at akmang tatalikod ng hawakan ni demon ang kamay nito at sabay hila pabalik..dahilan upang mapunta sya sa bisig ng asawa..
“Im just joking,chinicheck ko lang kong totoo nga bang may pake alam ka sakin!”ngesing turan nito
“Kainis kanaman eeeh!”garalgal na boses mukhang maiiyak na dahil sa pagkabigla,
ng hawakan ng binata ang panga nito at inilapit sa mukha upang halikan….
Napakasarap malaman na may nag aalala at naghihintay sa pag gising mo.lalo na kung ang taong iyon ay ang asawa mo….
Namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong iyon..
Dahil sa dalawang nilalang na tahimik na dinadama ang init ng kanilang pagmamahal…
“I love you..naririnig kita kahit sa pagtulog ko..!”bulong nito sa asawang nakadantay ang kalahating katawan sakanyang malapad na dibdib..❤️






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. hat sa wakas nagising narin

  2. teka creator kambal ba ni sellina si mira

  3. ahhh ang sweet naman sana all

Leave a Reply


top