Jonathan sighed.”Ako nalang ang kukuha. After all, he’s my father. He’s dead, guys. Let’s give the man some respect.”
Sabay na tumaas ang mga kilay nila ni Cresta. Coming from the boy their father used to beat up, that was ridiculous.
“I know,” wika ni Jonathan na tila nabasa ang nag lalaro sa kanilang mga isip. “But he’s my father, too. I owe him my miserable life.”
“At saan naman siya ilalagay,aber?” tanong ni Laila.
“Sa fishpond,” tugon ni Jonathan, which made her and Cresta giggle.
“Ano?” angal ni Laila. “Magmulto pa ‘yan doon.”
“What do you want me to do? Flush him down the toilet?” tanong ni Jonathan.
“Not in my toilet,” wika ng kanyang mama.
“Okay, I’ll think of something,” sabi ni Jonathan.
“Tara let’s, gutom na ako.”
Naghiwa-hiwalay sila patungo sa kanya-kanyang sasakyan. Sina Luchie at Cresta ay Innova ang dala. Sina Jonathan at Laila ay Fortuner. Silang mag-ina ay lumang Pajero. Ang mga bagung-bagong Innova at Fortuner ay hindi regalo ng kanyang papa sa dalawa pang pamilya nito. Galing iyon sa sariling pawis nina Luchie at Laila.
“Saan ba tayo kakain?” tanong ng kanyang mama pagkasakay nila sa backseat. Ang matandang driver nilang si Mang Piko ang nag mamaneho.
“Sundan mu nalang sina Tita Luchie, Mang Piko,” utos niya sa matandang tsuper.
Sa isang Chinese restaurant sa Banawe sila humantong.
“Manlilibre ba si Luchie?” tanong ng kanyang mama bago sila umibis ng sasakyan.
“Siguro, nag yaya siya, ehh.”
“Dapat lang. Wala akong pera.”
Sa tatlong asawa ng kanyang papa, ang kanyang mama lamang ang naka depende nang husto sa asawa. Kaya kahit sandamakmak na sama...