SLEEP OVER TURNING INTO CONFESSION


SLEEP OVER TURNING INTO CONFESSION
|Short Story|
Nandito kami ngayon sa school kasama ko si nathan the epal napaka papansin niya tsk
“Kian Tara sleep over sa bahay” Pagaaya sakin ni Nathan
“Paalam mo ako kay mama alam mo naman yon eh” Tumango tango lang ito
“Sige ako na lagi naman oh baka pagsundo sayo ako pa rin” ngumiti naman ako ng matamis sa kaniya
“Sige na nath ayaw mo edi don’t mag sleep over ka mag isa tch” sabi ko at naunang naglakad sa kaniya palabas ng school
“Oo na Master ki kingina” dahil sa sinabi niya ay napatigil ako dahil sa inis tyka humarap sa kaniya bago siya kurotin
“Arayyyyy fvck masakit kian ayoko na stop it” pagsuko niya ng pinagkukurot ko siya napatawa naman ako dahil ang cute niya kaya siguro naging crush ko siya
“Nandito na sundo ko mauna na ako” paalam ko tyka kumaway grabe kinikilig nanaman ako
Pero ok na rin siguro na ganito atleast nakakalapit at nakausap ko siya araw araw isang lihim na pagtingin ang nabuo ko nong maging magkaibigan kami dito sa school alam kong mali kase lalaki siya at lalaki ako kaya hindi ko rin makayanan sabihin ang nararamdam ko para sa kaniya
Mabait si nathan at ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kaniya
Sobrang sakit man isiping hanggang dito lang ako pero dapat kong tanggapin dahil alam kong hindi talaga kami pwede
Nandito na ako sa kwarto ko kumuha ako ng damit upang makapagbihis na ng sunod sunod na tumunog yung phone ko kaya dali dali akong lumapit tyka kinuha ito para tignan
Pagbukas ko ay bumongad sakin ang messages ni nathan psh hindi makapaghintay
Kumuha na ako ng damit kong pantulog tyka nilagay sa bag pati charger ko tyka yung notes ko ipapakopya ko sa kaniya napakatamad kase magsulat sa school
Pababa na ako ng marinig kong sigaw ni mama
“Ikaw talaga kian bakit hindi mo sinabi aalis ka nagpasundo ka pa talagang bata ka” psh napangiti naman ako sa sinabi ni mama tsk alam kong kapag nagpaalam ako hindi akonpapayagan
“Sige po tita thankyou mauuna na kami” sabi niya naman bago kumaway tch bakit pag siya ang lakas kay mama samantalang akong anak tae amputcha
“Hoy ikaw wag ka ngang masyadong sipsip kay mama tsk nakakairita ka” sabi ko habang bag susuot ng seatbealt
“Kasalanan ko bang mas gusto ako ng mama mo i think ampon ka siguro “sabi niya kaya wala sa oras ko siya nahampas
“pinagsasabi mo ha hindi mo ba nakitang magkahawig kami tanga ka talaga” sabi ko pa
“Oo nga kase parehas kayong maganda” sabi niya kaya nagulohan ako gutom ba siya ano ano nanaman lumalabas sa bibig niya
“Pinagsasabi mo nga pala dala ko yung notes ko kompyahin mo tamad, Tyka nasa bahay ba si tita?” Tanong ko pero umiling iling siya
“Wala umalis kanina sabi ni manang may meeting daw ” sabi niya
“Pwede makiligo ang aga mo kase akong sinundo kakabihis ko lang eh tapos nasa bahay ka agad ” sabi ko pero tumango lang siya
•FASTFORWARD•
Nandito kami sa kwarto niya kumain muna kami
“I have something to tell you ki but maligo ka muna ang baho mo” tawa niyang sabi kaya inirapan ko siya
“Dapat pangmarites yang sasabihin mo and hindi ako yung mabaho no baka sarili mo naamoy mo cheeee tumabi ka nga” sabi ko pa kaya napatawa siya nakakatawa yon monggoloid ata toh eh
Nakiligo ako grabe buti pa sila deshower sa bahay kase namin detabo lang eh hahaha may bathtub pa o san ka pa ganto pala kapag may kaibigan kang big time noh
Nangmatapos akong magbihis agad akong lumabas ngayon ko lang napansin na pareho ang kulay ng suot namin
“Hoy Nath Tapos ka na ba komopya movie marathon tayo bilis ” sabi ko pa nagulat naman ako ng iligpit nito yung gamit sa kama
“Sige kukuha lang ako pagkain mamili ka na ng papanoorin natin” sabi nya sabay abot ng remote sakin
Lumabas naman ito tyka ako namili ng palabas enjoy ka talaga pag dito ka nanood ang laki ng tv nila siguro kalahati lang nito yung samin
“Ohh...


mahal na prinsipe” sabay hagis ng snacks na naka pack putcha ang dami haha lord parang gusto ko na lang magsleep over araw araw kung ganto
Agad akong tumayo sa pagkakahiga sa kama tyka tinimpla yung dala niyang juice habang siya nakaupo sa kama
“Nakikita mo pa ba yung pinapanood natin?” Tanong ko
“Yeah why” tanong nya ng makalapit ako inilapag ko muna sa side table ng kama yung juice tyka tumayo sa harap niya
Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa mata niya bakit kase hindi pa siya magpagupit
“Yan better” ngiti kong sabi ng mahawi ko sa magkabilang gilid ang buhok niya
“I like you” Natawa ako ng mag sabay sila nung bida sa tv ng sinabi kaya napatawa rin siya
“Napanood mo na ba toh huh at pati ang line ng bida alam mo hahaha” tanong ko pa pero umiling ito tyka umubo para maayus ang boses
“Ki i like you ” paguulit niya kaya kumunot ang noo ko
“I think its enough for being friends and hide this feeling for you for almost 3years” sabi niya tangina pakiramdam ko namumula na ako wahhh ano toh lord
“Panget ng prank mo tanga urong manonood na ako” sabi ko pero hindi ito nagpatinag totoo ba tangina yung puso ko
“Hindi to prank ano ba ki nakakapagod na din magtago ng nararamdaman sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob sorry kung dahil dito masisira yung pagka-kaibigan natin sorry kase ginusto kita ng patago siguro ngayon na alam mo na nandidiri ka na sakin dahil pareho tayong lalaki pero nagkagusto ako sayo matagal ko ng tinatago to kian gusto ko lang na malaman mo na gusto kita” hindi ako makapag salita tangina we felt the same arghhh help lord pano ko ba sasabihin nahihiya rin ako
“What if i say i felt the same?” Tanong ko habang nakatingin sa kaniya
“Then good”sabi niya habang kukuha na sana ng snack pero na patingin ito sakin ng marealize niya yung sinabi ko agad ito napatingin saking muli
“Did you feel the same??”Utal na tanong niya kaya ngumiti ako
“I said Whaf if” Sabi ko nakita ko naman ang lungkot sa mata nito did he like me that much
“To be honest simula day1 until now i like you hahaha natatawa ako crush mo rin pala ako para pala tayong tangang nagtataguan ng nararamdaman” Sabi ko naman habang nakatingin sa kaniya
“So anong nagtulak sayo ako kase hindi ko kayang umamin kase ayokong layuan mo ako” sabi ko pa habang nakatingin sa kaniya
“Wala hindi ko na kase talaga kayang pigilan at itago pa so now that we felt the same can i court you?” Tanong nito habang namumula ang pisnge at tenga matamis akong ngumiti bago sumagot
“Sure, i thought you will say tayo na ? i didn’t expect this sleep over turning into confession” Sabi ko pa nagulat ako ng hapitin nito ang bewang ko habang nakaupo sa kama sigya sa kama
“Akala ko pagtapos ko sabihin mag wawalk-out ka at iiwasan mo na ako but thanks god hindi mo ginawa and you confess too im so happy that we felt the same kahit na pareho tayong lalaki” Sabi niya habang nakayakap sa bewang ko
“Iloveyou nath” hindi ko alam pero ayun ang lumabas sa labi ko wala na kase akong alam na pwedeng isagot sa sinabi niya kaya sinusuklay ng daliri ko ang buhok niya habang nakayakap siya sakin
Bigla itong bumitaw ng pagkakayakap sakin tyka dumapa sa kama hala ano nangyari
“Woiii problema mo?” Tanong ko at dumapa rin sabay kuha ng snack na dala niya kita kong pagiwas tingin nito habang kagat kagat ang labi namunula rin ang tenga niya kinikilig ba siya?
“Iloveyoutoo” sabi nito habang naka subsob ang mukha sa unan haha nahihiya nga I pat his head kaya napatingin ito sakin
Agad akong lumapit sa kaniya tyka siya niyakap kahit nakahiga kami i’m sleepy please if this a dream wag niyo na akong gisingin sambit ko sa isip bago ipikit ang mata naramdaman ko ang pagdampi ng labi saking nuo
“Today is the start of our Lovestory”Rinig kong sambit niya bago ako hilain ng kadiliman
|End?|






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top