{HACE’S POV}
“Shit!!”
Nagising ako na sobrang sakit ang ulo due to hang over.
Sa sala pala ako nakatulog. Saglit akong napasandal sa sofa at pumikit ng kunti pagkuwa’y tumayo na at pumanhik sa taas upang maligo.
Pasado alas otso na ng umaga.
After ko maligo ay dali-dali akong nagbihis dahil nakaramdam ako ng gutom.
But what the hell?
Pagbaba ko ng kitchen ay walang kahit na anong pagkain na nakahain.
“Shit, Yna!”
Sigaw ko na nag echo sa buong bahay.
“Kung kailan pa nagugutom na ako oh! Nasan ba ‘yung b’wesit na babaeng ‘yun?”
Tumungo ako sa sala.
Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan nito pero walang sumasagot.
Like, wtf? Sinasagad talaga ako ng babaeng ‘yun.
Tinungo ko ‘yung bodega kung ‘san siya natutulog.
Hmn!
Alam ko kasi na takot siya sa ipis at daga.
Kaya sinadya kong sa bodega s’ya patulugin.
She deserves it.
Kinalabog ko ‘yung pintoan ng bodega nang ilang beses.
“Yna! Anong oras na hindi kapa nakapagluto?!”
Nanggagalaiti na ako sa galit.
Humanda talaga sa’kin ang babaeng ‘yan oras na buksan niya ‘yung pinto.
‘Bug!bug!bug!
Halos gibain ko na ang pintoan pero wala parin.
Hanggang sa nakarinig ako ng isang ungol at pagkatapos ay isang malakas na kalabog na para bang may isang malaking bagay na nahulog o natumba.
Napatigil ako sa pagkatok at pinakinggan ang kung anumang ingay sa loob.
Bahagya akong napalunok.
Salubong ang kilay na kumatok ulit.
I don’t know but I felt something bad na hindi ko ma explain sa loob ko.
“Yna!”
Sabay ng huling katok ko ay ang pagbukas ng pinto.
Ang kaninang galit na naramdaman ko ay hindi ko na makapa.
Para akong istatwa na nakatingin lang sa mukha niya.
She looked pale.
Pero anong pakialam ko?
She’s mine.
She’s all mine.
And I can do whatever I want to do with her.
I can also kill her if I want to.
But this is not the right time.
Kaya hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kan’ya.
Not even a little bit.
“Hace pa-pasensya kana. Masama kasi ang pakiramdam ko.”
I smiled.
Gusto ko ‘yan.
Ang mahirapan siya.
“So anu ngayon? Sino ang magluluto? Ako?”
“Hindi, s’yempre ako ‘yung magluluto”
Saad nito at nagpatiyuna na papuntang kusina.
Sinundan ko siya ng tingin.
Para nga siyang nangangapa habang naglalakad.
Sumunod ako sa likod niya.
Its payback time.
“Wala na palang laman ang ref. Ma-malengke ka muna.”
Utos ko sa kan’ya.
Napatigil naman siya sa ginagawa pagkuwa’y napatingin sa gawi ko.
“May reklamo ka?”
Nakangiting hamon ko dito.
“Wa-wala. Ah si-sige. Magbibihis lang ako.”
{YNA’S POV}
God kayo na po ang bahala sa’kin.
Nandito ako ngayon sa palengke.
Pakiramdam ko anumang oras ay matutumba ako dahil sa hilo.
Dag-dag pa ang ingay sa paligid.
Sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.
Hanggang sa tuluyan nang umikot ang paligid ko.
Napatumba ako pero hindi ko naramdaman ‘yung semento.
Then everything went black.
NAGISI’NG ako na may mga taong nakapaligid sa’kin.
“Ha-hace?”
Napabangon ako nang mahagip ng mga mata ko si Hace,
Pero dahil sa mga taong nagkumpulan ay bigla na lamang nawala ito.
Siguro ay na malik-mata lamang ako.
Bahagya akong napalingon at ‘nun ko napagtanto na nakahilig pala ako sa isang lalake.
Pagkuwa’y tumayo ito at inilahad ang kanang kamay upang tulungan akong tumayo.
Medyo masama parin ang pakiramdam ko.
Pero kailangan kong tumayo dahil masyado na akong naka-tawag pansin sa mga taong nan’dun.
Tinanggap ko ‘yung kamay niya at dahan-dahang tumayo.
Unti-unti nadin nagsi-alisan ang mga tao na kanina’y nakapalibot sa’min.
“Are you okay?”
Kunot ang noong tanong ng estranghero na ngayon ay bahagyang nakayuko sa mukha ko.
“Pa-pasensya kana, masama kasi ang pakiramdam ko.”
Bahagya akong napahawak sa sentido ko nang maka-ramdam na naman nang kaunting hilo.
Agad naman akong hinawakan ng lalake sa braso at inakay.
Napatigil kami sa harap ng itim na sasakyan.
“Uhm, if you want p’wede kitang ihatid sa inyo.”
Hindi ako nakaimik.
After all, he is still a stranger.
“Look, kung iniisip mo na masamang tao ako, then you’re wrong. I just wanna help you. Sa gan’yan kasing kalagayan mo mukhang hindi mo kakayanin umuwi mag isa.”
Tama nga s’ya. Talagang ‘diko kakayanin.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay pumayag akong ihatid ng estranghero sa bahay ni Hace.
Binigay ko sa kan’ya ang exact address ng bahay at ilang minuto lang ay narating namin ‘yun.
Agad siyang bumaba at binuksan ang bintana ng kotse sa frontseat kung ‘san ako naka-upo.
Pakiramdam ko anu’mang oras ay babagsak na naman ako.
Then he asked me,
“May kasama kaba dito sa bahay?”
Isang tango lamang ang naging sagot ko dito.
Then lumapit ito sa gate at nag door bell.
Bumukas ‘yun at ini-luwa si Hace.
Seryuso ang mukha at mukhang manunuklaw anu’mang oras.
Walang anu-anong lumapit si Hace sa sasakyan at binuksan ito at hablutin ako sa braso.
Nakita kong kumunot ang noo ‘nung lalake dahil sa inakto ni Hace.
“Excuse me pare ah, pero p’wede bang dahan-dahan naman? Masama kasi ang pakiramdam ng...