SOLD TO A HEARTLESS DEMON CHAPTER ONE


“Damn it!”
Napasinghap ako ng tumilapon sa harap ko yung pagkain na iniluto ko para Kay Hace.
“How many times do I have to remind you na ayaw ko ng ma-alat?!”
“Sakto Lang naman yung–”
Naputol ang anu mang sasabihin ko nang tumayo ito sa harap ko at ibinuhos sa’kin ang isang basong tubig.
Natigagal ako.
Parang pinipiga ang puso ko.
Pero Ayaw Kong umiyak.
Magtataka pa ba ako?
Hindi.
Nasanay na ako na lagi siyang nag hahanap nang dahilan para magalit sa’kin.
Para masaktan ako.
Hobby na yata n’ya ang saktan ako ng pa-ulit-ulit.
Pero wala akong magawa kun’di tanggapin ang anumang pasakit na ibibigay niya.
Ang mahalaga ay makasama ko s’ya.
“Kahit kailan napakatanga mo!”
“I’m sorry”
Nakayukong turan ko.
“Sorry? Hoy tanga, hindi na mababago ng sorry mo ang nangyare!”


/> Tiim bagang na bulyaw niya sa’kin.
“Ano pa ang gusto mong gawin ko?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang magsalita nang ga’nun.
“Halos inalipin mo na ako hace, buong buhay ko nasayo na, lahat ng gusto mo ginagawa ko, Wala na akong itinira sa sarili ko!!”
Dugtong ko pa.
Ayaw Kong umiyak pero this time sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga Mata ko.
Nakakapagod na.
Pagod na ako.
Hindi ko namalayan na napa-upo na ako sa sahig.
Yug-yog ang balikat sa pag iyak.
“Pagod kana? Pwes magdusa ka! Nagsisimula palang ang kalbaryo mo yna. Dudurugin kita hanggat nararamdaman mo yung sakit, tandaan mo yan.”
Iyon Lamang at tinalikuran na niya ako.
A/n: I decided na individual post nalang ito kasi marami di sumusunod sa RBP. sayang..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top