Splattered Teardrops CHAPTER 3


Napaupo nalang si Rain sa sakit na kanyang nararamdaman. Habang siya’y nakaupo bumalik uli sa isip niya ang lahat na pangyayari na bumago sa buhay niya…
[Flashback]
Katatapos lang noon ng birthday party ng Papa ni Matt. Nagpaalam na si Rain na maunang umuwi sa kanyang magulang at magulang ni Matt. Pero sa halip na pauwiin siya nila na mag-isa, nag representa ang ama ni Matt na ihahatid siya nito ng anak. Labag man sa loob ni Rain na magpahatid hindi na rin siya nakatanggi dahil mapilit ang ama ng isa. Habang nasa loob sila ng sasakyan ni Matt, bigla siya nitong inanyayahan na uminom sa bar na kanilang nakita. Kahit sabihin pang medyo nakainom na rin siya ay hindi niya natanggihan ang paanyaya nito.
Naging masaya naman ang pagkukuwentuhan nila habang umiinom sila, aaminin niyang matagal na niyang gusto si Matt simula noong nakita niya ito na kausap ang kanyang ama. Hindi nila namalayang marami na ang naiinom nila. At dahil hindi naman talaga siya malakas uminom, nalasing siya nang gabing ‘yon.
Ngunit nang magising siya kinabukasan ay magkatabi na sila ni Matt sa kama at kapwa walang suot na mga damit. Gigisingin na sana niya si Matt nang may naramdaman siyang kirot sa pang-upo niya, ganoon na lamang ang panlulumo niya nang mapagtanto na may nangyari sa kanila. Umiyak lang siya nang mapagtanto ‘yon.
Nang makita niyang gising na si Matt bigla siyang nataranta. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki. Inipon niya ang natitirang lakas at tinawag ang lalaki.
“M-att” putol-putol niyang sabi
Nilingon siya ng lalaki na may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha, “A-nong nangyari? Bakit tayo parehong nakahubad?” Tanong ng lalaki na may bahid nang pagkagalit ang kanyang boses.
“H-indi k-o alam. Pagkagising ko ito na ang nadatnan ko” mangiyak ngiyak na wika ni Rain.
“No! I don’t believe you. You probably take advantage on me while I’m sleeping!” Sigaw ni Matt sa kaniya.
“No, hindi ko magagawa yan Matt. Yes, aaminin kong may gusto ako sayo pero hindi ko magagawang pag samantalahan ka habang wala kang malay” wika ni Rain habang umiiyak
“Oh kita mo? Galing na sayo mismo na gusto mo ako! Kaya wala kang karapatan na sabihin wala kang ginawa sakin!” Galit na saad ni Matteo
“Matt, pakingan mo ak—” naputol ang sasabihin ni Rain ng biglang pumasok sa kwarto niya ang daddy niya
“Rain anak what’s happening, bakit parang sumisigaw k-” naputol sa pagsasalita ang daddy niya ng makita nitong hubo’t hubad ang anak at si Matteo
“Rain! Matteo! Anong ibig sabihin nito?” Takang tanong ng ama
“D-ad, let me explain” wika ni Rain
Sa halip na sagutin niya ng daddy niya, ay minata lang siya nito.
“D-ad, ang tanging naaalala ko lang po is nagtungo ako sa dito sa kwarto at natulog. Hindi ko alam ano pa ang nangyari, pero pagkagising ko kanina wala na akong damit” saad ni Rain na nanginginig...


ang boses.
“Sa katunayan po tito, nang sumayad ang likod ko sa kama nakatulog kaagad ako” biglang sabi ni Matteo
“Kaya imposibleng may nangyari sa’min ng anak niyo. Hindi ko alam kung bakit kami kapwat hubad, siguro gawa ito ng anak niyo dahil may gusto niya sakin!” Dagdag pa ni Matteo.
Biglang sumakit ang puso ni Rain sa sinabi ni Matteo. Hindi niya inaasahan na ganoon ang tingin sa kanya ni Matteo.
Pero kahit anong paliwanag ang sabihin nila sa matanda, hindi sila nito pinaniwalaan. Nagulat nalang silang dalawa ni Matteo ng biglang ideklara ng ama na ipakasal silang dalawa. Aamin ni Rain na nagustuhan niya ang sinabi ng ama, noon pa lamang naiimagine na niya ang sarili na maikasal kay Matteo. Alam niyang may kasintahan na si Matteo pero hindi ‘yon naging hadlang sa pagkagusto niyang maitali ang lalaki sa kanya. Nabalik na lamang siya sa ulirat ng biglang sumigaw si Matteo.
“What?! no Tito hindi pwede. May napangakuan na akong pakasalan! hindi niyo ito pwedeng gawin!” Sigaw ni Matteo
“No, dapat mong panindigan ang ginawa mo sa anak ko. Kung ayaw mo siyang pakasalan, wala akong magagawa kundi sabihin sa ama mo ito” pagmamatigas ng ama ni Rain
Natigilan si Matteo sa sinabi ng matanda. Alam niyang wala siyang magagawa kapag ang daddy na niya ang nagdesisyon. Hinanap ng mata niya si Rain para pakiusapan na pigilan ang ama sa binabalak.
Nang umalis na ang ama ni Rain sa kwarto, doon lang nilapitan ni Matteo si Rain para kausapin sa plano ng matanda.
“Rain, ano ganito nalang?! May napangakuan na akong pakasalan Rain. Please lang pakiusapan mo ang ama mo” wika ni Matteo
“Wala na akong magagawa, Matt. Si daddy na mismo ang nagdesisyon” walang ka emosyong wika ni Rain
“Ikaw may kasalanan nito eh! Ikaw! Ikaw! Ikaw dapat ang sisihin sa lahat lahat! Tandaan mo kahit ikasal man tayo, hindi kita mamahalin. Hindi ako magmamahal ng isang katulad mong bakla na naninira ng relasyon!” Sigaw ni Matteo sakanya kasabay nun ang pagsuot niya ng damit at alis sa loob ng kwarto ni Rain
Walang nagawa ni Rain kundi ang umiyak.
Pagkaraan ng isang buwan ay ikinasal sila ni Matteo. Labag man sa loob ni Matteo wala siyang nagawa dahil kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong wala na siyang pamilyang mababalikan. Hindi niyq maaatim ‘yon kaya pumayag nalang siyang ikasal kay Rain.
Pagkatapos ng kanilang kasal ay doon na nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Rain. Pero kahit na ganun umaasa pa rin siyang hindi pa huli ang lahat.

Napailing at napabuntong-hininga nalang si Rain sa kanyang naalala. Gusto niyang yakapin at aluin ang sarili sa sakit na naramdaman. Napadako ang kanyang mata sa maliit na kahon.
Pangkaraniwang kahon lang iyon pero nakapaloob doon ang divorce paper na may pirma ng asawa niya na ibinigay sa kanya. Sandali siyang napaisip kung handa naba siya, handa naba siyang iwan ang asawa niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top