STOLEN #04


STOLEN
#04
“Or… you can fill my bed every night, Threia.” He said in a hoarse whisper.
“Bitiwan mo ako!” sa mababang boses ngunit matigas ang mga salitang binitawan ni Threia. She put her hands against his iron clad chest, atsaka buong lakas niyang tinulak si Haje.
Haje smirked. He straightened his back, nanatili pa rin ang tingin kay Threia.
“Are you still a virgin?”
Suminghap si Threia sa tanong na ‘yon ni Haje. Masyadong bulgar. Ito pa lang ang unang taong tinanong siyang ganoon. Even her best friend, Catya, didn’t ask her that kind of question. Na kung tutuusin ay bulgar din magsalita ang kaibigan niyang iyon.
Lumawak ang ngisi ni Haje nang makita ang reaksyon ni Threia. Tila alam na nito ang sagot sa sariling tanong.
“Poor Chivo. Mauunahan ko pa ata siya.” he said evilly.
“You pervert! Pakawalan mo ako dito! Magkano ba ang kailangan mo? Just name it. Pakawalan mo lang ako!”
“I already told you. I don’t want your damn money.” ani Haje.
“Hindi ako magsusumbong sa mga pulis… pakawalan mo lang ako ngayon.” desperadong ani Threia.
“Shut up!” He hissed. “Dito ka lang hanggang gusto ko. Don’t try to escape, Threia, at baka totohanin kong dalhin kita sa kama ko.”
“Hayop ka! Ano ba ang kasalanan ko sa’yo? I don’t even know you.”
“Hindi mo nga ako kilala pero kilalang-kilala kita.” Ang huling salitang natanggap niya kay Haje bago siya iniwan.
Kanina pa siya iniwan ni Haje ngunit ang tumatakbo sa isip niya ay nasa pinag-usapan nila kanina.
Then, her mind went to her father.
Maraming katanungan sa isip niya kung bakit ganoon nalang ang galit ng dumukot sa kanya sa kanyang ama. Ni hindi niya ito kilala. Ngayon niya palang ito nakita. Kaya malaking palaisipan sa kanya kung ano ang connection ng ama sa lalaking iyon.
She can’t lose her father.
Namatay ang ina niya pagkapanganak sa kanya pero kahit kailan hindi niya naranasan ang pangungulila sa ina dahil tinugunan ng ama lahat ng responsibilidad bilang dalawang magulang. Kahit busy sa negosyo ang ama. Henderson has always time to her.
Her father was her breath. Hindi niya kayang mawala ang ama.
Kinabukasan, nagising siya dahil sa tumatamang sinag ng araw sa kanyang mukha. Maya-maya’y bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang babae, may dala siyang tray na naglalaman ng pagkain.
“Ma’am, sabi po ni Sir Haje kumain na kayo.” nakayukong sabi ng kararating lang.
Something caught her attention. “What?”
“A-ang alin po, Ma’am?” Nagtatakang tanong ng babae na halos kasing edad niya lang.
“Ano’ng sabi mong pangalan niya?”
“Si Sir Haje po. Haje Defuente.”
Defuente? Hindi siya nagkakamali Haje Defuente known as arrogant businessman magnate….. iyon ang naririnig niya ngunit hindi niya nakikita ang larawan sa TV o internet.
Tumingin siya sa babae. Hindi ito tamang panahon para isipin pa niya kung saan o kailan niya narinig ang pangalan na iyon. Importante kung paano siya makakatakas sa pugad ni Haje Defuente. “Help me, please.”
Binalingan siya ng babae pagkatapos nitong ilapag ang tray sa mesa. “M-ma’am pasensya na po, hindi pwede e,”
Lumapit siya rito at hinawakan sa braso. “Can I borrow your phone? Please, tulungan mo akong makalabas dito.”
Pangungulit niya. Hindi siya titigil magmakaawa para sa kalayaan niya, tila hindi siya makahinga sa apat na sulok ng silid na ‘yon.
She need to call her father or...


Chivo tungkol sa kinalalagyan niya.
“Magkano ang binabayad niya. Kaya kong higitan, tulungan mo lang ako.” She said desperately.
“P-pasensya na po talaga. Malaki po ang utang na loob ng pamilya ko kay Sir Haje, at hindi iyon matatapatan ng pera.”
Laglag ang balikat niya sa narinig. She watched her as she leave.
Kailangan niyang makatakas dito bago pa siya gawan ng masama. She checked the door, naka-lock iyon. Huminga siya ng malalim. Hindi naman sila tanga para iwan nilang nakabukas iyon.
She looked around. There’s a big window in that room pero naka-lock din iyon. Habang palakad-lakad ay hindi siya mapakali ng tunay. She need to think.
Napako ang tingin niya sa pagkain nang kumalam ang kanyang sikmura. Lumapit siya rito. She needs to eat. Kailangan may lakas siya para makatakas.
Habang kumakain siya. Nakaramdam siya ng awa sa sarili, dapat ang ama niya ang kasama niya ngayon sa breakfast gaya ng nakaugalian nilang mag-ama. And she already miss that moment with her father. Simpleng kaganapan lang sa kanilang mag-ama but she really treasure it in her heart.
Ang akala niya wala na siyang maiiluha pa pero nagkakamali siya dahil nag-uunahan na naman sa pagpatak ang luha sa magkabila niyang pisngi.
Hinahanap na siguro siya ng kanyang ama ngayon. Kaya dapat kailangan niya rin gumalaw para makaalis dito. Kailangan niya rin tulungan ang kanyang sarili makaalis lang dito.
Buong araw, ganoon pa rin dinadalhan siya ng pagkain at tubig ng babae. Again, she refused her offer.
Nagmakaawa na naman siya the next day. Walang tigil sa pagmamakaawa. Parang walang narinig ang babae sa lahat ng sinabi niya ngunit nahahabag din siya sa kalagayan ni Threia.
After three days of being in that room. Threia felt so hopeless. Makakalaya pa kaya siya?
Nagpapasalamat rin siya dahil hindi siya pinuntahan ni Haje sa silid na ‘yon. She really didn’t like the presence of that man. Nakakatakot. Kaya niyang sunugin ang kaluluwa mo sa paraan ng titig lang niya.
Napaginipan na naman niya. She could hear the deafening sound of gunshots that night. Sariwa pa sa alaala niya ang pagdukot sa kanya. The memory she experienced after being kidnapped, haunted her like a monster under her bed for the past two nights. At hindi na muli siya makatulog pagkatapos mapaginipan ‘yon.
The door widely open, at inaasahan na niyang ‘yung babae muli ‘yon, dahil ito lang ang pumapasok sa silid niya, bukod kay Haje. May dala itong damit.
“Ma’am pasensya na po ito lang ang kaya kong ipahiram sa inyo. Ito lang po kasi ang maayos sa lahat ng damit ko.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng huli.
“Nagmamakaawa ako sa iyo. Tulungan mo ako. Alam kong may kabaitan kang itinatago. Ikaw lang ang makakatulong sa akin.”
The girl sighed deeply. Matagal muna siyang nag-isip at tinitigan siya.
“Naaawa rin po ako sa inyo. Baka ano ang gawin sa inyo ni Sir Haje. Mabait po siyang tao pero kakaiba po siya ‘pag magalit. At sa pagkakaalam ko, galit na galit siya sa ama mo at baka sa’yo mabaling ang galit na iyon…” then, she paused for a second. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
“Mamayang gabi, ako ulit ang magdadala ng pagkain niyo rito at ibibigay ko sa’yo ang susi ng kwartong ‘to.”
Nakaramdam siya ng pag-asang makalaya. Sa wakas may tutulong na rin sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top