STOLEN
#05
“Narinig kong may ka-transaction si Sir Haje mamayang gabi. At iyon ang tamang pagkakataon para makaalis ka,” Sabi ni Carlotta.
Threia asked for her name at ngayo’y nagpa-plano sila kung paano siya makakatakas sa kamay ni Haje Defuente.
Nang may napagtanto siya, tumingin siya kay Carlotta. “Paano ang mga tauhan niya? Marami sila.”
“Kagaya ng dati ‘pag umaalis si Sir Haje. Apat ang magbabantay sa’yo rito mamaya, at may dalawang guard sa gate. Bibigyan ko sila ng gamot pampatulog at ihahalo ko sa kanilang inumin.” sabi ni Carlotta, tila na-plano na nito ng maayos ang pagtulong sa kanya.
Huminga ng malalim si Threia. “Thank you, Carlotta. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.”
Carlotta just smiled at her.
Mabagal ang takbo ng orasan. Animo’y ‘yun na ata ang pinakamatagal na takbo ng kamay ng orasan nang sandaling ‘yon para sa kay Threia. Hindi siya makapali. Ang buong nasa isip ay ang gagawin niyang pagtakas.
Galing sa bintana, nakikita niya ang kalangitan na paunti-unti nang sakupin ng dilim.
Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso habang naghihintay kay Carlotta. Nanatili lang siyang nakatingin sa pinto. She’s hoping Carlotta will be fine. Sana maisagawa nito ang plano.
Pagsapit ng pinakahihintay niyang takdang oras, hindi niya magawang alisin ang tingin sa pinto, waiting for Carlotta’s presence.
Hindi nga siya nagkakamali dahil ilang minuto lang ang lumipas, humahangos na lumapit sa kanya si Carlotta.
“Carlotta!” tawag niya sa babae.
“Lalagyan ko ng gamot pampatulog ang inumin nila mamaya, at ilang sandali, siguradong sasakupin ng gamot ang kanilang sistema. Bago mag-alas dyes tatakas ka at ako na ang bahala rito.” sabay abot sa kanya ng susi.
Tinanggap naman ni Threia ang bagay na ‘yon. “Paano ka? Sasaktan ka niya kapag nalaman niyang ikaw ang tumulong sa akin.”
Umiling si Carlotta. “Ako na ang bahala sa sarili ko. Ang mahalaga makatakas ka sa lugar na ‘to.”
“Carlotta… thank you…” walang sawang aniya.
“Walang anuman…” tugon ni Carlotta. Umalis na rin ito pagkatapos siyang dalhan ng pagkain at bago pa makahalata ang isang lalaking nagbabantay sa labas ng silid na ‘yon.
She patiently waited for an hour again. Inilapit niya ang kanyang tainga sa may pintuan. Pinakiramdaman niya ang labas.
Unti-unti niyang isinuksok ang susi sa keyhole. Mabuti nalang at ganitong klase ng doorknob ang nasa silid na pinagdalhan sa kanya. Maingat ang kanyang bawat kilos sa pagbukas ng pinto. Natatakot siyang baka nandoon pa rin ang lalaking dumukot sa kanya.
And, she trust Carlotta. Matagal na rin bago...