STOLEN #07


STOLEN
#07
Her tears flow endlessly. Sumiksik siya sa headboard ng kama, at mahigpit ang kapit niya sa laylayan ng kanyang damit. Hanggang ngayon nanginginig pa rin siya sa takot.
Ramdam niya pa rin ang bakas ng labi ni Haje sa kanyang katawan. Marahas niyang pinunasan ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad. Then, down to her neck na animo’y matatanggal ang bakas ng mga halik ni Haje sa balat niya.
She’s always been a good daughter to her father. Kaya bakit nangyayari sa kanya ito? Hindi naman siya nagkaroon ng amnesia para makalimutan kung may nagawa ba siyang mali o ano. And, that goes to her father, too.
Mabait na ama si Henderson, hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng taong nakapaligid sa kanilang mag-ama. Kaya malaking palaisipan kung bakit malaki ang galit ni Haje sa ama.
Pero hindi pa rin iyon rason para gawin sa kanya ang ginawa nito kanina. She felt violated and dirty at the same time.
Bumukas ang pintuan sa gitna ng kanyang hikbi. Matalim ang mata niyang nilingon ang papasok. Nang makita si Haje, hinablot niya ang katabing unan at malakas niyang binato kay Haje.
Pagod na sinalo iyon ni Haje atsaka lumapit sa kinaroroonan niya.
Mabilis siyang tumayo at patakbong lumayo kay Haje. “Huwag kang lalapit!”
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Haje, lumapit siya rito hanggang maramdaman niya ang lamig ng pader sa kanyang likod.
“Ano pa ang inutos mo kay Carlotta?” Haje put his hands beside her, cornering her to escape.
Threia’s heart pounding loudly. Kinakabahan siya sa anumang kayang gawin ni Haje sa pobreng babae ngayo’y nalaman niyang siya ang tumulong sa kanya.
“Ano ang ginawa mo kay Carlotta?” Sinuntok niya ito sa dibdib pero dahil sa nipis ng kanyang braso hindi siya nagtagumpay na saktan ang binata.
Haje held her both wrist. Pilit niya man lumaban ay hindi niya talaga kaya ang lakas ng katawan ni Haje kumpara sa katawan niya.
“Bukod sa utusan mo siyang tawagan ang ama mo. What else, Threia?”
“Pakawalan mo siya!”
“Just answer my damn question!”
“W-wala na… Pinakiusapan ko lang siyang tulungan ako.” ani Threia, nanginginig sa takot.
“Why are you so stubborn, huh? Dahil sa’yo nilagay mo sa kapahamakan ang buhay ni Carlotta.”
She swallowed the...


imaginary lump in her throat. Tila nasagi ng binata ang damdamin niya para sa kalayaan niya. Kasalanan niya. Kung hindi sana siya nagpumilit na magpatulong kay Carlotta, hindi sana mangyayari sa kanya ito.
Parang siya na rin ang pumatay kay Carlotta. Maraming tao ang nawalan ng buhay para protektahan siya. Ano pa ang silbi ng pagtakas niya kung kapalit naman nito ay buhay ng iba?
Nanlulumo siyang umiwas ng tingin kay Haje. Here is the man who want justice. Habang siya’y nangangati ang paa niyang makatakas.
Pareho silang natahimik nang makarinig sila ng putok ng baril. Nakitaan ni Haje ng takot ang rumehistro sa mukha ni Threia.
“Shit!” Malutong na mura ni Haje.
Pagkatapos hinila siya palabas ng silid. Sinalubong sila ni Vin, may hawak itong dalawang baril. Ang isa ay inabot niya kay Haje. Kinuha naman ito ng huli.
“Napalibutan ang mansyon ng mga tauhan nila Henderson at Chivo, Boss.” anunsyo ni Vin kay Haje.
Umigting ang panga ni Haje nang balingan siya nito. Mahigpit ang kapit ni Haje sa braso ni Threia.
“Let me go,” Nasa labas ang kanyang ama at si Chivo, kailangan niyang makatakas ngayon din.
“Change of plan, Vin. Meet us at the port in 20 minutes.” sabi ni Haje.
Hinila siya muli ni Haje papasok sa isang silid. Nagpupumiglas siya sa hawak niya sa kanyang braso.
“Stay still, Threia, if you want your father alive.”
Napasunod siya ni Haje. Tahimik siyang umiiyak. Pumasok sila sa patagong pintuan ng silid na iyon, that leads to the garage.
Halos itapon siya ni Haje sa passenger seat. Then, something caught Threia’s attention.
“Chivo!” tawag niyang pansin nang makita ang kasintahan papalapit sa kanila.
Sinundan ni Haje ang tingin niya, at nakita si Chivo. Agad nagpaulan ng bala si Haje sa banda ni Chivo. Ganoon din si Chivo.
Haje pointed his gun again, ginawa niyang panangga ang pintuan ng sasakyan.
“Oh my God.” bulalas ni Threia habang tinatakpan ang magkabila niyang tainga.
Kailan ba ito ititigil? She just wants to have a simple life. Hindi iyong ganito kagulo.
Nawalan ng bala si Haje, itinapon niya ito sa gilid. Binuksan nito ang compartment ng sasakyan at kinuha doon ang isang baril.
But before he pointed his gun at Chivo’s direction, someone shot Haje’s shoulder.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Please delete my stories here! Magnanakaw ka!
    STOLEN. TWO HEARTS BENEATH THE MOON. SAINT DEFUENTE.
    LAHAT ‘YAN, I-DELETE MO KASI HINDI SA’YO ‘YAN! MAGNANAKAW KA!

Leave a Reply


top