Hello ! Im angel 23 yrs old with 2 kids now.
at the age of 17 maaga akong namulat sa reyalidad ng mundo. Ako kase yung tipo ng babae na puro barkada lang , inom , bisyo hindi inaayos ang pag aaral. Kaya ito maaga nagkaroon ng responsibilidad bilang isang magulang. At first hindi ko masabi sa parents ko , syempre nag aaral ako 1st yr college and kakabayad ko lang ng tuition nun. Nung nalaman kong buntis ako, sinabe ko agad sa boyfriend ko, wala kaming magawa . Nasa isip namin ipalaglag dahil sa takot. Pero nung nalaman na ng parents ko hindi ko na natuloy ang pagpapalaglag dahil narin sa takot at konsensya. Nag away kami ng boyfriend ko dahil hindi nya pa daw sya ready maging ama. Sobrang sakit sakin dahil miski ako di rin naman handa pero papanagutan ko. Hanggang sa nagkalabuan na kami , sobrang depress ako , umabot sa point na gusto ko ng mamatay kasama ang pinagbubuntis ko, pero thanks god at nandyan ang mga kaibigan, kapatid at parents ko na inaalalayan ako . Dun ko na realize na grabe pala ang pagmamahal ng mga nakapaligid sakin lalo na ng mga magulang ko. Lahat ng gastusin parents ko ang sumagot , sa pagkain gatas diaper vitamins at iba pa. Wala eh! Wala naman akong trabaho , palamunin din ako ng parents ko at hndi na ako sinosoportahan ng ex boyfriend ko. Ilang months nakalipas nag work ako kase gusto ko na din kumita ng pera , gusto ko ako na yung bibili ng needs ng anak ko. Nag work ako as janitress , kaso oncall kung saan saan ako inassign. Sobrang pagod nakakaiyak. Magtratrabaho ka yung breast mo sumasakit dahil hndi ka nakakapag pump ng milk . Then 1 time nagkasakit ako sobrang taas ng lagnat ko dahil siguro nabinat ang katawan ko , ilang araw akong walang trabaho hanggang sa nag awol nalang . Hindi na ako pinag trabaho ng parents ko dahil pinapabalik njla ako sa pag aaral. So year 2016 nag aral ulit ako 1styr college , focus nalang sa study 3pm to 10pm ang klase ko. Sa umaga bantay sa anak ko na 1 taon palang nun , salitan kami ng kapatid ko, papasok sya sa umaga then hihintayin ko sya makauwi at ako naman ang papasok sa school. Everyday ganun palagi ang routine namin .Every time na malelate ako sa school hndi na ako pumapasok sa 1st class ko , nahihiya kase ako na mapagalitan sa harap ng mga kaklase ko. Then ilang months ang lumipas napabarkada nanaman ako , alak cutting bisyo at late na pag uwi , minsan pa nga hndi na umuuwi . 2nd year college 2ndsem ng may manligaw sakin, kaklse ko sya pero hndi kami close dahil ibat ibang grupo kami. Ako kase yung tipo na sobrang kalog pero pag oras na ng klase napaka tahimik haha. May group of boys sa mga kaklase ko nanligaw yung 1 sa mga tropa nila at alam na nilang may anak nako dahil inistalk daw nila ang facebook ko , matagal na din daw nila ako kilala dahil nakikita nila ako sa corridor pag nadaan ako , Naging okay naman ang panliligaw nung guy kaso teh may pagka chikboy , ilang araw hndi nag paramdam , ayun pala may nililigawan ng iba . Nalaman ko nung nagtext yung girl sakin na...