STRAIGHT FROM THE HEART Chapter 46


Kinaumagahan ay sinubukan niyang puntahan ang lalaki sa opisina nito ngunit di daw ito papasok.Si Lea ang nakausap ni Tiana.Napabuntong hininga ito bago umalis.Sinundan pa siya ng tingin ni Lea tila ba kinikilatis niya ang babae.
~Tiana~
“I tried to call him but he didn’t answer.” Talaga bang galit siya sa akin?pero alam kong di niya ako matitiis.Mula sa opisina niya ay dumiritso ako sa condo nito nagbabasakaling andun siya pero wala akong naabutang tao.”Nasaan ka na ba Terrence? “Hinampas ko ang manibila ng sasakyan dahil sa inis na nararamdaman ko.” Saan ko ba siya hahanapin?”naihilamos ko ang akin kamay sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung paano ko siya makakausap nang sa ganun ay makapagpaliwanag ako sa kaniya.Ilang minuto pa akong nanatili doon hanggang sa naalala kong puntahan siya sa bahay nila.Tama!baka nandun nga siya sa bahay nila.Pinatakbo ko na ang aking sasakyan patungo sa dati nilang bahay.Pagkarating ko dun ay ang...


laki na ng pinagbago bumaba ako sa sasakyan,nag exhale inhale muna ako bago nag doorbell. “Ding dong!!.
Maya maya ay may nagbukas na ng gate.” Ah–sino hu sila?tanong ng babae,medyo may edad na ito.”Dito po ba si Mr.Terrence Sandoval,magalang na tanong ko dito.”Ahh si sir Terrence po?nasa loob po siya,halika iha pasok ka.Hindi ko kilala ang babaing ito siguro bago lang siya matagal tagal na din na hindi ako nakapunta dito.Sa swimming pool kami nagtungo at sa di kalayuan natanaw ko si Terrence at ang isang batang lalaki.Masaya silang nagtatawanan at nagkukulitan kasing saya kapag kasama niya si Ternia.Nakaramdam ako ng kirot saking dibdib.Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.”Okay lang po kayo ma’am?,tanong ng babaing kasama ko.”Oho ayos lang ako at pilit na ngumiti.Nagpatuloy kami sa kinaroroonan ni Terrence. Nang malapit na kami ay napatingin ito sa akin.Kumunot pa ang noo nito tila ayaw niya akong makita.”Uhhmm..Terrence can we talk?”mahinahong sabi ko dito.Sana magkaayos na kayo..😥






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top