SUGAR DADDY


SUGAR DADDY
“ahh gipit na gipit na ako ngayon, kailangan ko ng pera.” Saad ko at napatingin na lamang sa wallet kong isang daan nalang laman.
“Alam mo bhie mag hanap ka nalang ng sugar daddy, like me diba? Look oh ang galante ko ngayon diba.” Saad ng best ko na si Mira na mukhang galanteng-galante na ngayon.
“Hoy bigyan mo naman ako.”
“Ay oo bhie may kakilala ako. Half pinoy pero mayaman siya bhie, perfect ‘to sayo.” She excitedly said at lumapit sa ‘kin tsaka pinakita ang picture nun.
T*ngina ang tanda nito para sa ‘kin.
“G*go naman bhie. ang tanda naman niyan, wala bang mas bata pa jaan?”
“Tse arte mo, ayaw mo ba nun? Kapag mamatay yan siya mapapasayo na yaman niya.”
“Ang sama ha.”
“Tse ano kukunin mo ba?”
Napa oo na lamang ako. Wala namang masama kung subukan diba? At tsaka gipit na gipit din ako ngayon kailangan ko ng pera. Huhu lord sana mapatawad mo ako rito sa gagawin ko.
It’s been a month since nagkaroon ako ng sugar daddy. Galanteng-galante na ‘ko ngayon. Palagi siyang nag papadala ng 20k every weeks. Binibilhan niya rin ako ng mga bagay na gusto ko. Gosh mabuti nalang at...


tinanggap ko yung offer, look am i now, galanteng-galante.
—————
“Princess bilisan mo na jan!” Tawag ni mama sa ‘kin.
Today was the day na uuwi ‘yung uncle ko galing states, kapatid ni papa. Hindi pa namin siya nakikita kaya ipakilala kami ni papa ngayon.
“Oo papunta na!” Sigaw ko pabalik at dali daling sinout ang sapatos ko at lumabas na.
Nang makalabas nako agad na akong sumakay sa sasakyan namin.
Ako nalang pala hinihintay nila hehe sorry ka chat ko pa kasi si chupapi daddy ko na nag paalam sakin na bibisita raw siya sa pamilya niya.
Nang makarating na kami rito bigla na lamang na laglag ang panga ko sa ganda nang restaurant. Wow first time ko maka punta sa fancy restaurant ah, kuripot kasi mga magulang ko pero infairness yayamanin uncle ko.
Nang makapasok na kami sa restaurant na kakainan namin may biglang tumawag sa tatay ko. Parang ang familiar nung boses.
Napalingon kaming lahat sa tumawag kay papa at nang makita ko kung sino ‘yon bigla nang laki ang aking mga mata.
“It’s been so long my bro-” natigilan ito nang napalingon ‘to sakin.
“HONEYBUN?!”
G*GOOOOOOOOOOOOOO YUNG SUGAR DADDY KO AY UNCLE KO!!!!!!
By: Janin B Panganiban






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top