SYRIA POV CHAPTER 1


♣️ CHAPTER 1 ♣️
SYRIA POV
It’s been 5 months na ang nakakalipas simula nung namatay si mommy dahil sa skin cancer at dahil yun sa hayop kong ama lagi niyang sinasaktan si mommy at saksi ang aking mga mata sa mga ginagawa niya pero ito naman si mommy napakamartyr mahal na mahal niya si daddy kahit sinasaktan na siya pero ako hindi dahil yung pamilya pa kami ako ang laging niyang kasama o padaba.
Mayroon naman akng kapatid yun ay si ate Kate pero umalis siya nung 15 years old siya dahil hindi na niya kaya ang pagkabaliw ni daddy at lalo na si mommy, gusto sana ni ate na isama ako kaso ayokong iwan si mommy sa mga kamay ni daddy. Kaya yun umalis si ate pero lagi naman kami nagvivideo call mayroon na kasi nag ampon kay ate na taga France at mga doctor ito wala kasi itong mga anak...


kaya si ate nalang pero ngayon may may pamilya na siya.
Nakita ko na rin ang anak niyang lalaki dahil don namin pinagaling si mommy kaya 3 ako dun kahit papano nakakarecover na si mommy pero sa isang gising ko nalang nalaman ko nalang na wala na si mommy dahil sa pagkatruma niya sa mga pinaggagawa sa kanya ni daddy nasama niya ito sa pagtulog niya kaya iyon hindi na siya nagising. Subrang sakit isipin na gagaling na si mommy pero nawala rin.
Umuwi ka dito sa Pilipinas dahil dito nilibing ang bangkay niya kasama ko rin si ate at ang anak at asawa niya pero umalis rin ito dahil nag aaral kasi ang anak nito. Pagkatapos rin ng libing ni mommy pumasok na rin ako sa Collage upang matupad ko yung pangarap ni mommy na maging isang doctor. Nakakatawa lang kasi 23 years old na ako nasa College parin ako pero hindi yun hadlang hindi rin naman iyon kita sa mukha ko kasi nagmana ako kay mommy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top