Tagu – taguan


Tagu – taguan
Mabilis akong nagtago sa likod ng puno habang nag bibilang ang kaybigan kong si Kim. Hindi ko na rin nakita pa ang iba kong kalaro kaya pinagbuti ko nalang ang pagtago.
Nang matapos magbilang ni kim ay sunod sunod n’yang nahahanap ang mga kaybigan namin maliban sakin. “anak ng pucha nandito lang ako sa puno pero hindi pa makita, mga walang silbi kalaro” bulong ko sa sarili ko.
” Hoy kim nahanap mo na si Zea?” batid kong tanong ni Jhon
“Hindi pa ehh, jusme saan kaya sumulpot ang babaeng yun?” takang tanong ni kim sa mga kalaro namin
“Baka naman tinakasan na tayo nun” pag sasatsat ni Anne kaya natigilan sila. Hindi ko man makita ang mga ekspresyon nila pero alam kong naiinis na...


sila kakahanap sa’kin
“Hahaha” impit na tawa ko dahil hanggang ngayon ay hirap sila sa kakahanap sa isang pro na katulad ko. Maya-maya ay nagsalita si Jhon
“M@pap@tay ko talaga ang pandak na yan kapag hindi pa nagpakita!” inis na sigaw ni Jhon pero mas nainis ako sa narinig ko.
“Anak ng puch@ kang Jhon Jose ka ahh, sinong tinatawag mong pandak?” biglang pag sulpot ko kaya nagtawanan ang mga gong gong na yun.
“Nanjan lang pala ang duwende ehh ayaw pang lumabas sa punso n’ya WHAHAHAHA” malakas na tawanan nila.
inis akong naglakad pauwi at “BWESIT BAKIT BA KAYLANGAN KO PANG MAGING PANDAK? hindi na nakakatuwa ahh!” sigaw ko sa utak ko haytts pero wala naman akong magagawa, at least magaling ako sa laro na tagu-taguan hehe.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top