TATLONG URI NG HALIK


TATLONG URI NG HALIK
Kanina pa ako nakatingin sa isang kakaibang painting na nakasabit sa ding-ding ng kwarto ni lola. “ Napapansin kong kanina mo ‘pa tinititigan ang painting na yan, maganda ba apo? ” Umupo siya sa tabi ko.
‘ Saan niyo po ba nabili ang painting na yan lola? Siguro ang tanda na niyan. ’ Tanong ko.
“ Sa katunayan apo, hindi ko binili yan. Iniregalo yan sa akin ng lolo noong araw ng kasal namin. ”
‘ Lola bakit po painting na ang nakaguhit ay halik, ano po ba ang ibig sabihin nito? ’ Nakakunot noong tanong ko.
Apo ganito yan. Itinuro niya ang kamay na may humahalik na lalaki. Ang ibig ipakita sa larawang iyan ay halik ng pag-galang.
“ Ito ang dapat...


pinaiiral ng mga kalalakihan ngayon. Dapat igalang ang kababaihan tulad ng pag-galang nila sa kanilang ina. ”
Ito namang lalaki na nakahalik sa noo ng babae. Ang mensahe sa larawang ito ay respeto.
“ Tulad ng pag-galang, kailangan din nating erespeto ang desisyon ng babae. Kapag sinabi ng babae na hindi puwede intindihin natin, erespeto natin hindi yung pipilitin natin sila sa isang sitwasyon na hindi pa sila handa. ”
At huli ay ang halik sa labi. Ang halik ay sagrado ito kaya dapat ibigay ito sa tamang tao, sa taong mahal ka hindi yung mahal mo lang.
“ Walang kwenta ang halik kong walang pagmamahal. ”
PLAGIARISM IS A CYBERCRIME PUNISHABLE BY LAW
this is just a work of fiction
Original story written by: Jerald Garlo






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top