THAT LOVE PART 1


Hi I’m Kiel may girlfriend ako, her name is Arianne pinakilala sya sa akin ng kaibigan ko. Today is our first meet up and to celebrate na den our first monthsary. Di nmn din kalayuan ang lugar nila samin mga half hour lang ang biyahe, napag usapn namin na sa mall na lang kami mag kita. Nang makapag ayos na ako ay sumakay na ako sa kotse ko papunta sa mall.
Habang naka sakay ako ay tumunog ang messenger ko nag chat si Arianne agad ako nmn itong binasa “babe I’m here na” napangiti nmn ako sa nabasa ko, hindi ko na sya nareplyan dahil nagdadrive ako.
After 10 minutes nakarating na ako, kabado akong bumaba sa kotse ko at nagpalinga linga sa paligid dahil hinahanap ko sya, she said that she wear white croptop and pants. Naglakad lakad ako malapit sa entrance ng mall and i saw a beautiful girl looking for someone sa tingin ko ay sya na ‘yon. Hindi muna ako lumapit dahil pinapanood ko muna sya, maya maya ay tumunog ang messenger ko. “Nasan kana ba babe? knina pako andito” chat ni Arianne na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.’Di ko na nireplyan pa ang chat nya dahil naglakad na ako palapit sa kanya.
“H-hi?” hiya kong pagbati sa kanya na may halong pagka kaba. Nagulat naman ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa mall at sabay sabing “antagal mo naman babe gutom nako”
Masaya naming inenjoy ang buong araw na magkasama. Lumipas ang mga araw at napadalas ang pagkikita namin, gaya ng date sa mall.
“Babe? kaylan moko papakilala sa parents mo?” tanong sakin ni Arianne. Andito kami ngayon sa mall kung saan madalas kami mag kita. “Soon babe ipapakilala na kita sa kanila” sagot ko naman sa kanya para naman hindi na sya malungkot pa dahil madalas nya iyon tanungin sa akin tuwing magkikita kami pero kadalasan ay iniiba ko ang topic. Mahal ko naman si Arianne actually sya na yung taong gusto ko makasama habang buhay kaya natatakot ako na mawala sya sakin gaya ng ex ko.
* Flashback *
“Mahal ko si Camille ma” sigaw ko habang di mapigilan ang pag tulo ng luha sa mata ko. “Hindi kana ba talaga nag iisip Kiel?” pasigaw na tanong sakin ni papa “Hindi ka manlang marunong pumili ng babae na babagay sa sayo, mag isip ka nga.. Ano nalng sasabihin ng ibang tao pag nalaman nila na pumatol ka sa isang mahirap na babae?” dugtong nya pa. “pero pa mahal ko si Camille, pls nmn wag nyo sya ilayo sakin.. pls ma? pa…” pagmamakaawa ko sa parents ko. Nagkulong ako sa kwarto at hindi kumain buong araw nagbabaka sakali na maawa sila sakin at ibigay na ang gusto ko ngunit mali ako dahil pinagbantaan pa nila ang buhay ng pamilya ni Camille kung di ako susunod sa gusto nila.
After that night nawalan nko ng contact kay Camille dahil kinuha ng parents ko ang phone and laptop ko. After a week pinadala ako ng parents ko kay tito Arthur sa States para dun magtapos ng pag aaral. Di ko na muling nakausap pa si camille hanggang sa lumipas ang mga taon at hanggang sa nakabalik ako sa pilipinas upang magbaskasyon, at para na rin hanapin sya ngunit nabigo akong hanapin sya hanggang sa nakilala ko si Arianne na muling nagpatibok ng puso ko.
* End Of Flashback *
After a month naisipan kong puntahan si Arianne sa condo nya para isurprise sya dahil magpopropose ako sa kanya. Papakasalan ko sya sa ayaw at sa gusto ng parents ko, isa pa nasa tamang edad naman na ako at di ko na kaylangan pang mag sunodsunuran pa sa gusto nila tsaka lumaki sa isang...


mayaman na pamilya si Arianne kaya there’s a possibility na magustuhan siya ng parents ko.
Minsan na akong isinama ni Arianne sa condo nya kaya’t alam ko kung saan sya tumutuloy. Plano ko munang sunduin sya sa condo nya at aayain sya sa mall kung saan kami nagkikita at doon na ako magpopropose. Sumakay na ako ng kotse at pumunta sa aking destinasyon. Nasa harap na ako ng pintuan ng kanyang condo ng bigla akong makaramdam ng kakaibang kaba, hindi ko na yon pinansin at kumatok na ako sa pinto ngunit walang nagbubukas nito kahit pa medyo malakas na ang aking pag katok sa pinto. Sinubukan kong pihitin ang doorknob, bigla akong nagtaka kung bakit hindi ito naka lock. Agad akong pumasok sa loob, makalat ito at may mga ilang damit na naka kalat sa sahig. Naisip ko na baka dahil ito sa kagabi dahil nagpaalam sya sakin na magbabar sila ng mga kaibigan nya kaya hindi kona pinansin pa. Dumiretso ako papunta sa kanyang kwarto at pag pasok ko ay bumungad sa akin ang magkayakap na natutulog sa kama na parehas na walang saplot.
“Tang*na Arianne bat mo nagawa sakin to?” galit na sigaw ko na nag pagising sa kanilang dalawa. “Babe i can expalin” sambit nya. “Balak pa nmn kita isurprise tapos ako pala yung masusurprise” mabilis na tumulo ang mga luha sa mata ko. “Wala ka ng dapat pang ipaliwanag Arianne malinaw na sakin yung nakita ko, malinaw na sakin na niloloko mo lang ako” sigaw ko. “Ang sakit Arianne, Ang sakit sakit” dugtong ko pa at lumabas na ng pinto ngunit natigilan ako ng magsalita sya. “Bakit Kiel ako ba hindi mo sinaktan? ‘Di bat iniwan mo ako… at sinabi mo pa sakin na pera lang ang habol ko sayo” sigaw nya na ipinagtaka ko. “Nag sikap ako Kiel, nag sikap ako na mapantayan ka kasi ang sabi mo pera lng ang habol ko sayo at sabi ng nga magulang mo na hindi daw nababagay ang katulad ko sayo” umiiyak nyang sumbat sakin. “Camille?” pagtataka kong tanong sa kanya. “Oo kiel, makalipas yung ilang linggo na di ka nagparamdam sakin pinuntahan ako ng mga magulang mo binibigyan nila ako ng pera, kapalit non ang hindi na pagpaparamdam sayo pero hindi ko iyon tinanggap dahil gusto kong ipakita sa inyo na kaya ko kayong higitan, and now I’m a successful designer.. siguro nmn kaya na akong tanggapin ng magulang mo” mariin nyang sabi “Balak ko lang sana na gumanti sa ginawa mo sakin noon pero sa tingin ko, na ganti na ako.. masakit ba Kiel? dugtong nya pa na lalong nagpabigat sa sakit na nararamdaman ko, di kona nagawa pang magpaliwanag sa kanya sa kung ano ang nangyare sa akin nung mga panahon na yon. Nakayuko ako at hinang hina na umalis. Nagtungo ako sa isang malapit na bar para magpakalasing upang makalimutan ang sakit nararamdaman ko.
Chinat ko si Arianne at doon sinabi ang mga nangyari sakin nung panahon na yun, sinabi ko sa kanya lahat lahat ng nangyare bago ko sya muling nakilala bilang si Arianne.
Sobrang hilo na ako gawa ng tama ng alak kaya nagtungo na ako sa kotse para maka uwi na ako at makapagpahinga dahil sobrang pagod na ang katawan ko. Habang nagdadrive ako pauwi biglang nag flash sa utak ko ang mga nangyari kanina kaya’t muling sumikip ang dibdib ko at di mapigilan ang pag agos ng aking luha, pinaharurot ko ang aking kotse dahil di kona alm kung anong nararamdaman ko, blur na din ang paningin ko dahil sa luha at gawa na din ng alak hanggang sa di ko namalayan na bumangga ako sa poste at tuluyan ng nawalan ng pakiramdam.
-Work Of Fiction-
Written by: uNkNoWn
Like and follow for Part 2❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top