WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 28


Kate’s POV:
“ARE YOU OKAY?”, tanong ni David nang bumalik siya sa lugar kung saan niya ako iniwan.
Hindi pa nga isang buwan ang relasyon namin, may umeeksena agad.
Kaya halos hindi maipinta ang aking mukha na tila sumasabay ang kilay ko sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko maiwasan na mangamba dahil dumating na si Katrina.
Minahal ‘yon ni David eh. Halos siya ang naging buhay noon ng binata.
At lahat ng mga tao, kilala si Katrina bilang ex-girlfriend niya na hinabol mismo nito.
“Honey, hindi ako gagawa ng kalokohan dito. Ikaw palang, sobra na para sa akin. Kaya walang rason para magkagusto ako sa ibang babae.”, wika niya nang umupo sa tabihan ko.
Hindi naman ‘yan ang iniisip ko.
Hindi ‘yan ang dahilan kung bakit umiba ang mood ko.
Yung kanina, medyo ayos pa.
Pero nung tumawag ang dalaga sa phone ni David, hindi na ayos.
“Hays. May nangyari ba na hindi ko alam?”, he asked again.
Umiling ako at pilit na ngumiti.
“H-hindi naman.”, tanging tugon ko at nilihim ang kaganapan sa pagitan namin ni Katrina.
Ayokong ipaalam at sabihin ito sa lalaki dahil malaki ang chance na puntahan ni David ang ex niya.
“Ikaw talaga. Pinakaba mo ako. Akala ko tuloy, may pinagseselosan ka sa cellphone ko. Kaya nga pinahawak ko ‘yan sayo para magkaroon ka ng tiwala sa boyfriend mo.”, wika nito at pinisil pa ang aking pisngi.
Ito ang paborito niyang gawin kapag nang-gigigil siya.
“Let’s go? Ready na ang room natin. May swimsuit din ako na binili para sayo, incase na maligo ka.”, saad ng aking nobyo.
Biglang lumiwanag ang mata ko dahil sa tinuran niya.
Matagal na rin kasi simula nung sumuot ako ng bikini.
And I guess, this is the right place to wear that.
Baka sakaling hindi na tumingin si David sa mga babae dito.
“I’m so excited, hon! Ano pang hinihintay natin? Let’s gooooo!”, masiglang bigkas ko.
Iniwan muna namin si Michael at pinabantay sa kakilala ng binata.
Tumungo kami sa hotel na tinutukoy ng boyfriend ko.
Nasa second floor na room ang napili ni David para sa pagpapahinga namin.
Pagkatungo ko do’n, nasilayan ko agad ang ibat-ibang kulay ng swimsuit sa kama.
Pero mas gusto ko ang kulay itim dahil kakaiba ang datingan nito kapag sinusuot ko.
“I want this.”, kumikinang na saad ko at tumakbo sa banyo para suotin ‘to.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako.
Inakit ko si David sa paraan na makukuha ko ang kiliti niya.
“You look hot.”, komplimento nito.
“I know right.”, kagat-labi na bigkas ko.
Akala niya siguro, ako lang ang magseselos.
Syempre pati siya, paseselosin ko kapag lumangoy ako sa beach.
“Labas na ulit tayo, hon. Tinatawag na ako ng dagat.”, bigkas ko sa binata.
“Anong lalabas ka dyan? Hindi na tayo lalabas.”, wika nito dahilan para maging matamlay ang katawan ko.
“Huh? Hindi tayo lalabas? You mean, hindi tayo lalangoy sa beach?”, tanong ko para malinawan.
“Yeah. Hindi tayo lalabas.”, he replied.
“David naman ehh! Ano pang saysay ng swimsuit na ‘to kung hindi makikita ng mga tao?”, nakangusong turan ko.
Para akong bata na kinakalabit siya.
“Kate, pinasuot ko ‘yan sayo hindi para makita ng ibang tao ang katawan mo.”, bigkas nito sa akin.
“Pero gusto kong lumangoy.”,
“Huwag mo akong lokohin dyan, hindi ka marunong lumangoy.”, sambit nito at talagang pinitik pa ako sa noo.
“Nakakainis ka naman! Anong gagawin natin dito ha?”, muli kong saad.
“Maglalangoy… Maglanguyan tayong dalawa.”, mabilis na pahayag niya.
“Tigil-tigilan mo ako, David ha? Alam ko na ang kilakis mo! Wala ako sa mood...


makipaglanguyan sa’yo.”, turan ko rito habang nakapamewang.
Nagawa ko na rin sumanday sa pader na may inis sa mukha.
Ang ganda nga ng outfit ko, pero malabo yata na malakabas ako.
“I’m just kidding, honey. Syempre, hindi ko na ulit gagawin sa’yo ang nangyari sa atin nung birthday ko.”, wika niya na talagang pinaalala pa nito ang kahinaan ko.
Hindi ko tuloy alam ang aking sasabihin.
Ngayon ko lang kasi naramdaman ang kahihiyan, matapos ang kaganapan na ‘yon.
“But I guess, enough na siguro yun para makabuo tayo ng bata. What do you think, Kate? Tama ba ako?”, he asked me.
Kaya nilingon ko siya na may panlilisik sa mata ko.
“Tatamaan ka talaga sa akin, kapag hindi mo pa kinipot ang bibig mo!”, I shouted at him.
Ganito ang ugali ko kapag hindi nasusunod ang aking gusto.
Mabilis akong mairita kahit sa simpleng bagay.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng binata.
Kasabay no’n, malungkot siya na tumitig sa mukha ko.
“Kate naman, masama bang masolo kita sa araw na ‘to? Hindi mo ba nahalata? Pinabantay ko si Michael, dahil gusto ko makasama ka na tayong dalawa lang. I want to enjoy the rest of the day, with you.”, pahayag niya dahilan para lumambot ang puso ko.
Oo nga naman.
Bakit hindi ko agad ‘yon naisip?
Sa tuwing kasama namin ang bata, laging nasa kanya ang atensyon namin ni David.
Minsan nga, bihira na lang kami mag-usap dahil palagi s’yang nakikipaglaro sa anak ko.
Ganyan ang ginawa niya sa loob ng one week na magkarelasyon kami.
“Sige na nga. Hindi na ako lalabas. Dito lang ako.”, pagpayag ko sa kagustuhan ng lalaki.
Sumaya bigla ang reaksyon niya at kaagad na humiga sa malambot na kama.
“Come here, honey. Join me.”, husky na sambit nito.
Yung daliri ni David, gumagalaw na tila inaakit ako.
Sinasabi ko na nga ba.
Ini-scam niya ako!
Sa una, ang bait. Parang tuta kung magmakaawa para lang pumayag ako.
And now that I said yes, nagiging wild na naman ang datingan niya.
“Yoko nga.”, tipid na tugon ko.
“Huwag kang matakot, Kate. Hihiga lang tayo, promise.”, bigkas nito.
“Mas lalong ayoko.”, pag-iirap ko sa binata.
Mahirap na. Ang bilis gumapang ng kamay niya.
“Tsaka, baka nakakalimutan mo, sinabi ko dati na usap lang tayo, pero ibang usapan ang ginawa mo.”, muling saad ko.
Tumawa lang ito na sobrang cute pakinggan sa tenga.
“Honey, nakainom ako ng alak no’n.”, pagpapaliwanag nito.
“Sinisi mo pa talaga ang alak, noh? Bakit? Yung alaga mo ba ang nalasing ha? Diba, hindi?”, pilosopo kong turan.
“Hindi nga. Pero nagustuhan mo naman. Malinaw pa nga sa utak ko ang binigkas mo no’n.”, saad niya dahilan para lusubin ko siya.
“Aaaahhhh! I hate you! Lagi mo akong iniinis dyan!”, pagsisigaw ko habang sinasakal siya.
Pero sa halip na masaktan ang binata, tila natutuwa pa ito.
And that made me realize na nakapatong pala ako sa kanya.
Kaya agad akong umalis at pinaiwanan ko pa siya ng suntok.
“Ikaw ha? Hindi ka man lang nagsasabi na gusto mong pumatong. Edi sana, nakapagready ako.”, he chuckled.
“Bwisit!”,
“I love you.”, tugon niya sa sigaw ko.
Maya-maya, biglang nagring ang cellphone niya.
Nilapag ko pala ito sa side table, bago ako bumihis.
“Hello?”, bigkas ni David nang sagutin ang tawag.
Hindi ko narinig ang sinasabi ng kausap niya.
Pero sapat na siguro ang reaksyon ng lalaki para kumabog ang dibdib ko.
“Katrina is back.”, katagang sinambit nito.
Kahit pala anong gawin ko na pagtatago, malalaman din niya ang totoo.
Pero paano na ako?
Paano na kami ni Michael?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top