Beautify Chapter 2


Walang lingon pa din na tumatakbo si Kurt ng mabilis dahil baka totohanin ni Belle ang banta nito sa kanya. Sayang naman ang gwapo niyang mukha.
“Bakit ko ba ginawa yun? Aist!” bulong niya sa sarili habang wala parin patid ang takbo niya.Nang makita niyang malapit na ang bahay nila Belle ay mas lalo pa niyang binilisan at sak nagsisisigaw.
“Titaaaaaa! Tulooooonnnggg!!! tawag niya sa ina ni Belle na nakaupo sa terrace ng bahay nila.
Sa gulat ay napatayo ang ginang at sinalubong ang hingal na hingal na binata.
“O bakit? Anong nangyari? Bakit ikaw lang ? Nasan ang ank ko? Anong nangyari sa knya?” niyuyugyog ang balikat niya habang nakatingin sa pinanggalingan ng binata pabalik sa mukha niya. Nag aalala siya baka kung napano na ang anak niya
“Tita si Belle po kasi—– ” taranta padin siya at lumingon sa likod niya at nang makita niya ito na parating ay nagtago siya sa likod ng ginang.
“Brandon Kurt Madrigal! Halika dito! ” pagod na pagod habang papalapit sa kanya.
“Tita tulungan mo ako. Wag mo akong ibibigay sa kanya, papatayin ako niyan!” nakakapit at nagtatago padin siya sa likod ng ginang.
Napabuntong hininga na lamang ang ginang at lumuwag ang dibdib ng makita ang anak dahila akala niya ay may hindi magandang nangyari na dito. Ang oa naman kasi ng batang ito.Tulad padin ng dati ang dalawa na akala moy aso’t pusa kung magbangayan.
” Ano ba kasing nangyari ha? ”
” Halika dito lalaki ka wag kang magtago jan!” angil ni Belle
“Sorry na please,” kay Belle “Tita please wag mo hayaang makuha ako niyan. Ayoko pang mamatay”.
“Harapin mo ako wag kang magtago jan! ” pilit na inaabot ito mula sa likuran ng kanyang ina at ang isa nmn ay nakakapot parin sa ginang at pilit na iniiwasan na maabot siya nito kung kaya dahilan ito upang maipit ang ginang sa pagitan nila.
” Magsitigil kayo! sigaw niya at kumalas sabay tingin kay kurt. Napayuko na lamang ito dahil alam niyang sesermunan na sila . Ganun din si Belle. Parang anak na din ang turing niya sa binata dahil sa kabbata nito ang anak niya
“Ikaw Kurt, ” pauna ng ginang “uli uli wag mo akong pinag aalala ha!? Akala ko ay kung ano na nangyari dito sa babaeng toh ,” at tinuro pa ang anak” yun pala ay nagbabangayan na naman kayo! Kailan ba kayo magkakasundo ha!? Palagi nalang ba kayong ganyan?! ” tumingin sa anak.
“At ikaw naman, bakit ka parang lalaki kung umasta!? Magpakababae ka nga! Marunong mag make – up pero lalaki ang kilos.” tuloy tuloy na sermon ng ginang sa kanila. ” Ayoko nang mauulit pa ito ha!? Maliwanag ba?”
“Opo ma . Sorry poπŸ˜”
“Opo tita sorry poπŸ˜”” sabay na sabi ng dalawa at saka umalis ang ginang papasok ng bahay. Naiwan naman ang dalawa na nakayuko padin.
” Im sorry,” unang nag angat si Kurt ng mukha at tuminbin naman ang isa sa kanya na nakataas padin ang kilay.
” Yes you must sy sorry kung hindi babalian talaga kita ng buto! ” singhal nito saka pumasok na din sa bahay ng bigla itong huminto.
“Halika na dito sa loob. Magmemeryenda tayo. ” Alam niyang pagod din ito at uhaw kaya niyayaya niya ito ngayon.
“Bati na ba tayo? πŸ₯Ί” nagpapa cute ito.
” Naku tigilan mo yang ganyang style mo ha di na uubra yan sakin… ,” natigilan siya sandali at parang nag isip ” pero… Sige appology accepted. πŸ™‚ Halika na bago pa magbago isip ko.” sumunod naman ito sa kanya.
Ganun lagi...


ang eksena nila sa tuwing sila ay magkakasama . Kahit noong sila ay bata pa ganoon lagi ang set up nila. Mag aaway ngunit magbabati din kaagad lalo na kapa nasermunan na sila. They are so comfortable with each other na pati mga walang kwentang bagay at kalokohan ay napagkakasunduan nila.
Sabay kasi silang nagtapos ng elementary at junior high school. Palagi silang magkasama sa klase at kapwa matalino din ang mga ito. Masipag silang mag aral at pagdating sa usaping pag aaral ay talagang magkasundo sila at hindi nag aaway sa halip ay nagtutulungan pa sila. Pareho silang Top students simula elementary. At magpa hanggang ngayon kahit nasa senior high school na sila ay magkaklase padin sila at nangunguna padin sa klase.
Isang taon ang lumipas at naka graduate na sila ng senior high school. As usual nanguna silang dalawa .
“Congrats,” wika ni Belle
“Congrats din,” tugon naman ni Kurt na malapad ang ngiti. Napansin niya kasing napakaganda pala talaga ni Belle lalo at naka suot ito ng dress. Naktitig lamang siya dito .
“Congratulations mga anak,” sabay na bati ng dalawang ginang na lumapt sa kanila. Ang ina nilang dalawa.
” So pano, sa bahay na ang celebration. Nakapagpahanda na ako doon at para talaga iyon sa dalawa” litanya ng ina ni Kurt habang nakangiti at saka nagpatiuna na ito sa paglalakad . Sumunod naman ang isa pang ginang.
” Let’s go?”ani ng binata sabay hawak sa kamay niya . Nagulat pa siya sa ginawa nito ngunit di na siya tumanggi pa dahil sanay na ito na hinahawakan ng binata ang kamay niya.
Sinelebrate nga nila ang graduation ng dalawa sa bahay ng mga Madrigal. Malaki din ang bahay ng mga ito lalo na ang garden kaya doon naka set up ang party. Kainan , kantahan ,kwentuhan at inuman ang ginawa nila sa party pero syempre bawal pa sa kanila ang liquor for adults lamang ang gnun.
Malapit na matapos ang vacation at malapit na din ang enrollment for college pero di padin makapag decide si kurt kung ano ang kursong ite take niya. Kaya napagpasyahan niyang tawagan ang kaibigan ngunit di nito sinasagot ang tawag niya kaya pupuntahan nalang niya ito. Isang kanto lamang ang layo ng bahau nila sa kaibigan.
Habang s bahay nila Ysabelle …
” Nak , anong balak mo sa birthday mo?” nasa kusina sila nagluluto ang ina ng tanghalian nila.
“Ma , wag na po tayong maghanda . Yung perang gagamitin natin eh ipambabayad ko nalang sa entrance exam ko.”
” Pero nak , debut mo iyon ,may naipon naman ako na nakalaan para talaga sa birthday mo. Minsan ka lang mag debut eh.”
“Ma ok lang po yun . Di naman pipigilan ng debut party na yan ang pagtanda ko noh. Saka sayang talaga ang pera ma . Buti san kung may scholarship ako,” ng biglang naalala niya na may nag offer ng scholarship sa kanilang dalawa ni kurt nung graduation day nila. May binigay ang isang di katandaang babae na calling card. Inisip niya kung saan niya iyon inilagay . Dali dali siyang pumasok sa kwarto niya upang hanapin iyon. Naiwan namang nagtataka ang ina dahil bigala na lamang itong nawala sa likod niya . Napangiti siya ng makita ang hinahanap.
” Mrs. Clara P. Salvador”, basa niya dito.
“Mrs . Clara P. Salvador?,” Ulit niyang basa at napaisip ” ka aplyido ni papa? O baka naman co incident lang.” nagkibit balikat na lamang siya at lumabas na ng kwarto.
Enjoy reading 😊
God bless po
_jerilou






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top