“GOOD MORNING SIR ANDRIUS!,” masayang bati ni Gio pagkapasok sa opisina ng boss niya.
“Ano ser? Tumitibok-tibok na ba?,” pag aasar nito sa lalaki.
“Aish, napakaganda talaga ni Micah noh ser. Di malayong maraming magkagusto sa kaniya dito. Lalo na si boss TRIM, ehem, matinik pa naman yun sa babae di malabong maging ‘perfect couple of the year’ sila pagnagkataon,” may aksyong ani pa nito dahilan para mapatigil si Andrius sa pagbabasa ng isang report. Sinamaan niya ng tingin ang sekretarya.
“Joklang hehe,” agad bawi nito.
“Tsked, ” Andrius, sabay tapon nya ng binabasa sa ibabaw ng kaniyang mesa. Wala na siyang ganang magbasa.
Pipikit na sana siya para matulog sandali sa kaniyang swivel chair nang biglang dumating si Micah. Agad siyang napaayos ng upo at nagkunwareng nagbabasa.
“Ayun, natataranta pag anjan na..haha,” natatawang bulong ni Gio.
“Sir, ito na po yung kape niyo,” latag ng babae ng cup of coffee sa harapan ni Andrius.
“Itabi mo na, nawalan na ako nang ganang uminom,” ani ng lalaki nang hindi makatingin sa babae.
“H-ho? Sayang naman po nito,”
“Give it to Gio,” Andrius.
Agad naman itong sinunod ni Micah. Walang nagawa si Gio dahil sinamaan na siya ng tingin ng boss niya.
Dumaan ang saglit na katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Nasa tabi lang si Micah, hindi kumikibo. Si Gio naman pinipilit inuubos ang kapeng binigay sa kaniya ng babae. Habang si Andrius naman ay nagbabasa ng mga report kahit hindi naman niya naiintindihan. Nadidistract kasi siya sa presensya ng babaeng nasa tabi niya. Hanggang sa napagod na siya sa ginagawang pagkukunware at pabalang nang sinara ang mga reports. Agad siyang tumayo at kinuha ang tuxedo sa may sofa.
“Sir, san po kayo pupunta?” Tanong ng sekretarya.
“Bar,” ani nito.
Na-alerto naman agad si Micah dahil hindi niya alam ang gagawin kung susunod ba siya o hindi? Isa ba sa trabaho ng pagiging executive assistant ay ang laging pasunod sa boss niya? Tanong ni Micah sa sarili.
“Let’s go,” Si Andrius, saka naunang lumabas ng opisina
“Pst! Micah, sundan mo na si sir bilis,” Gio, matapos sumimsim ng kape
“H-hah? Kailangan ba akong sumama?,” Turo pa ng babae sa sarili.
“Yup! Yes! Oo!,”
Agad namang nataranta si Micah at dali-daling kinuha ang bag niya. Lumabas siya ng opisina at agad hinabol ang papalayo nang si Andrius. Nakita niya itong pumasok sa elevator. Magsasara na sana ito mabuti na lang naabutan niya.
“Hah! Muntik na yun ah,” hinga ng babae
“Tsked, ” ani ng kaniyang boss habang nakapamulsa. Sila lang dalawa sa loob ng elevator.
“Tsked!,” gaya niya sa expresyon nito.
Liningon siya ni Andrius nang masama. Ngunit biglang nagiba ang expression nito nang makita ang ilang mantsa sa damit ni Micah
“Anong nangyare jan?,” Tanong niya sa dalaga nang hindi ito tinitingnan.
“Ah ito po? Natapunan po nang kape kanina. May nakabangga po kasi akong lalaki nang papalabas sa pinto k—,” mahabang litanya ni...
next p