MICAH’S PUNTO DE VISTA
AAMININ kong sa mga oras na ito, kinakabahan ako. Tungkol ba saan ang paguusapan namin bakit dito pa sa motel niya kami gustong kausapin?
“Micah? Micah, oy!” kalabit sa’kin ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Annie. Isa sa mga katrabaho ko sa restaurant. Mabait at inosente si Annie kumpara sa ibang kaworkmates ko.
“Uy, pinapapunta ka din ba ni Sir Ruise dito?” Tanong ko sa kaniya.
“Ah Oo, hindi ko nga alam ang lugar na ‘toh eh. Buti na lang alam ni manong driver hehe,”
“Alam mo ba…ang dahilan kumbakit tayo gustong kausapin ni Sir?,” Ako
“Uhm hindi eh. Sabi niya malalaman daw natin kapag pumunta tayo. Hayy, may date sana nga ako eh, kaso alam mo na, mas mahalaga yung trabaho kesa jowa, hehe char.,”
Napangiti ako dahil sa tinuran niya. Sa restu kasi hindi kami madalas naguusap. Nagcocomunicate lang kami kapag merong order o merong itatanong. Pero ngayon, kung makipag-usap kami sa isa’t isang para kaming matagal nang magkaibigan at magkakilala.
“MO..TEL,” inosenteng basa ni annie dahilan para mapalingon ako. “Jan ba tayo papasok?” tanong niya sakin.
“O-oo,”
“Ahhhhh okay, sige pasok na tayo,” yaya nya sakin na agad ko namang pinigilan
“Sandali!,”.
“Hmm bakit?,”
“Wag na kaya tayong pumasok?,” Sabi ko sa kaniya.
“Huh, bakit naman? Baka mapagalitan tayo ni Sir, Micah, or worst baka tanggalan tayo ng trabaho,” aniya
“Pero..kasi…anoβ”hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
“I’m sorry Micah. Kung gusto mong umuwi, mauna ka na. Natatakot kasi akong mawalan ng trabaho eh,..” malungkot na sabi niya sakin.
“Sige pasok na ako,”
Hahayaan ko na sana siyang pumasok magisa pero..
“Sandale Annie!” Sumigaw ako
“Sasama ako,” kinakabahan man pero buo na ang desisyon ko. Sasamahan ko si Annie.
Aish. Bahala na kung anong mangyare…
β
“Akala ko di na kayo darating eh. Sige sige, upo kayo,” bati samin ni Sir Ruise pagdating namin sa isang room.
Sabi ng babaeng naghatid samin dito sa kwarto, meeting room daw ang tawag dito.
“Tara Micah,” yaya sakin ni Annie na maupo.
Nakaupo lang kami sa sahig tapos may maliit na table sa harapan namin. May mga pagkain ng nakalapag. Pero wala doon ang atensyon ko kundi kay Sir Ruise mismo.
“Bakit niyo po ba kami pinapunta dito?” Tanong ko sa kaniya.
“Mamaya na natin pagusapan yan. Kumain muna kayo,” nakangiting sabi niya.
“Talaga po? Para samin toh?” Inosenteng sabi ni Annie.
Kukuha na sana siya ng pagkain pero pinigilan ko . “Kumain na po kami sa labas, diba Annie,”
“E-eh?” Pinandilatan ko siyang ng mata kaya sa huli, “Oo pala hehe busog pa pala ako hehe, ” sabi niya.
Hinarap ko si Sir Ruise at inulit ang tanong ko kanina.
“Malalaman niyo rin mamaya, wag kayong excited, ” aniya
Tsked, dami pang sinasabi.
“Tara na Annie,” higit ko sa kamay niya sabay tayo.
“Huh?”...