DAVID’s POV:
“BAKIT BA KASI ANG KULIT MO, KATRINA?”, malakas na sambit ko sa babae.
Inis na inis akong lumabas ng kompanya habang siya ay nakabuntot pa rin sa likod ko.
“Ano bang problema mo? Asawa mo na ako, David. Kaya kahit saan ka pumunta, dapat kasama ako.”, tugon nito na ikinainit lalo ng aking dugo.
Bagsak na bagsak na ang kompanya ko.
Hindi ko na alam kung paano ko ipapalago ito gaya ng dati.
“IKAW ANG PROBLEMA!”, pagduduro ko sa kanya.
Pinipigilan ko na ‘wag siyang saktan dahil hindi ko hilig ang manakit ng babae.
“Kasal lang tayo sa papel, Katrina. At hindi na kita mahal. So don’t take it seriously. Hindi ako masaya na asawa kita.”, muli kong saad.
“A-anong sabi mo?”, tanong niya sa akin.
“Hindi ko na uulitin pa. Siguro naman, ramdam mo na ‘yon.”, malamig na pahayag ko.
Sumakay na ako sa aking motor at pinaharurot na ito.
Wala akong pakialam kay Katrina.
I don’t love her anymore.
Napilitan akong pakasalan siya dahil nilamon ako ng lungkot simula nung mamatay si Kate.
Namatay siya, kasama ang anak namin sa tiyan niya. At hindi lang ‘yan, maging si Michael, patay na rin.
Hindi ko alam ang punot-dulo ng lahat.
Gulong-gulo ako.
Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang kasagutan sa nangyari.
Hindi kasi ako naniniwala na pinatay ni Kate ang sarili nito dahil lang sa namatay ang anak niya.
At yung tungkol kay Michael, aksidente raw ang dahilan kung bakit nawalan ito ng buhay.
DAMN! KASALANAN KO ANG LAHAT NG ‘TO!
Wala ako sa tabi nila.
At wala ako sa mga oras na ‘yon.
Mas inatupag ko ang kompanya kaysa sa pamilya ko.
Mas pinili kong ayusin ang problema sa kompanya kaysa protektahan sila.
TANGINA! ANG GAGO KO!
DAPAT HINDI AKO PUMAYAG NA PUMUNTA NG JAPAN SA ARAW NA ‘YON!
(FLASHBACK…)
“I’m sorry Honey, hindi yata ako makakauwi ngayong gabi. May kailangan akong puntahan. May meeting ako sa Cebu together with Mr. Xiao.”, pagsasaad ko kay Kate.
Ito ang paalam ko sa kanya.
Buong akala ko kasi sa Cebu ang meeting namin.
Kaso pagkarating ko do’n, nagkita kami ni Katrina.
May photoshoot daw siya sa lugar na ‘yon kaya nagtagpo ang landas namin.
“Mukhang nagmamadali ka, saan ba ang lakad mo, David?”, tanong nito sa akin.
“Meeting. Hinihintay ko si Mr. Xiao, dito kasi ang usapan namin.”, sagot ko naman habang tumitingin sa relo.
“Gano’n ba? Sige, goodluck.”, ngiting turan niya.
Hindi ko na siya inimik pa no’n, kaso muli siyang nagsalita.
“Ahm David? Can I have a favor? Pwede ko bang hiramin ang cellphone mo? Nalowbat kasi yung akin. At ilang oras na rin ako naghihintay sa manager ko. Naiinis na nga ako eh.”, bigkas niya kaya agad akong pumayag.
Pinahiram ko ang cellphone ko sa kanya at sakto naman na dumating ang Secretary ni Mr. Xiao.
Sabi nito, dumiretso raw sa japan ang Boss niya. At kailangan kong sumunod do’n dahil mahalagang meeting ang pag-uusapan namin.
Ayoko sanang pumunta, kaso naisip ko na malaking kliyente ang matanda.
Nawala sa isip ko ang cellphone na hiniram ni Katrina.
Naalala ko lang ‘yon nung nasa airport na ako.
And that time, umuwi...
yan pala nang yari…kidnapin mo na lng c kate/sandra david tpos sabihin mo sa kanya na twin brother mo yong pinasa na pic ni katrina sayo…hindi pala c david yon…..😢😢😢😢