The Answered Prayer


Sa buhay, minsan may mga prayers tayo na akala natin ay hindi natutupad, siguro dahil masyado tayong nagmamadali. Akala natin hindi tayo dininig ng Diyos. Pero may mga instances din na kapag taimtim tayong nananalangin o kapag buong-puso nating pinagdarasal ang bagay na hinahangad natin at hindi natin namamalayan na nangyari na pala. Masasabi nalang natin ang mga katagang “Thank you, Lord for answering my prayer! Tunay ngang Ika’y buhay, Panginoon!”. God works so perfectly and everything He did was all planned.

Ako si Jessa and this is how God answered my prayers in my love story.

I met him when I was 18 on the cold breeze of September. That time, I was angry of a certain person for cheating on me or I don’t know kung anong tawag dun. Kasi wala naman talaga kaming label in the first place. We were more than friends but less than lovers, ika nga. We also have endearment, label nalang talaga ang kulang. Kaya lang, yung taong yun binalikan yung ex niya. Nalaman ko yun because I can still access his account and nabasa ko yung convo nilang dalawa. Nanginig ako sa galit. Hindi ko in-expect na masasaktan ako ng ganoon sa isang taong hindi ko pa nakikita ni isang beses. Yes, nakilala ko lang siya sa internet. Pagkatapos kong makita yung convo nila nung ex niya, pinalitan ko kaagad yung email at password ko sa Facebook. Naiiyak ako nung time na yun pero hindi ko pinahahalata dahil nasa bahay ako ng kaibigan ko nun. Sabi ko nalang sa sarili ko, “makakamove on din ako” kahit hindi naman talaga dapat mag move on. Nag-scroll ako sa newsfeed ko distract myself and ewan ko ba kung bakit naisip kong mag-chat kay Near Group. It is an online platform connected to Facebook Messenger to find friends. Para siyang Omegle, kasi hindi mo malalaman kung sino yung kachat mo. Pero the good thing is, may first name, location and age ng magiging ka-chat mo at pwede mo rin ihinto kung ayaw mo ng makachat yung tao sa kabilang linya. And there I met him, sa Near Group, I met my internet crush and internet love. He was 21 that time. Wala akong ibang inisip kundi “kailangan ko lang ng ka-chat”.  I said “Hi” and he replied “Hello”. He is from Cagayan de Oro, and I am from Leyte. We started knowing each other. Parang we have already met before dahil we became so comfortable to each other. Kuya yung tawag ko sa kanya pero sabi niya wag daw ganon kasi pano daw siya makakadiskarte nun kung ganon. Lol. Pero I insist and call him Kuya instead of his real name. Wala eh, I respect everyone whose ages are ahead of me, eh. By the way, he’s still studying that time as a college student in Cebu and ako naman, Grade 12. We were both graduating students too. Humahaba na yung usapan namin sa NG pero hindi ko pa rin alam kung ano yung totoo niyang pangalan. So, I asked his name and he gave it to me naman. Nung pagkasearch ko sa name niya sa FB, bigla akong nakaramdam ng disappointment. Kasi akala ko yung mukha niya kagaya nung nasa imagination ko pero it turned out really opposite. Sorry, pero still in-add friend ko pa rin siya kasi super funny niyang kausap at mabait din. Hindi ko nga lang in-expect na magkakagusto ako sa taong yun. Each time we chat, parang nakakaramdam na ako ng kilig. Siguro dahil sobrang caring niya ring tao and he always gave the attention that I want noon pa. Dahil nga bata pa ako noon, nagsimula akong magshare o magpost ng mga linyang talagang mararamdaman niyang pinariringgan ko siya. And every time na may post ako na about sa kanya, nagchachat siya ang nagtatanong sa akin kung sino yung ibig sabihin ko dun. Ako naman in denial at first pero nagsasabi rin ng totoo kalaunan. One time, he sent me a voice message. Kumanta siya ng ” Hello My Love” isa sa mga kanta ng sikat na boyband na Westlife, na favorite niyang boyband group. Na-amazed ako dahil sobrang ganda ng boses niya. That was the start of me falling for him even more. Naging instant favorite song ko yung kinanta niya. Wala eh, inlove eh. Halos araw-araw, gabi-gabi lagi kaming magkachat. Halos mapunit na rin ang labi ko sa kakangiti every time na kinikilig ako. Pero dahil may kanya-kanya kaming buhay at isa pa, wala rin namang kami, may mga araw na hindi kami nagkaka-chat talaga, minsan umaabot pa ng weeks bago kami magchat ulit. Ako naman kapag ganon, nagpopost kaagad ako at nagpaparinig. Ewan ko ba bakit ganon nalang talaga ang ginagawa ko. Gusto kong nasa akin lang lahat ng attention niya kahit hindi naman talaga pwedeng mangyari yun. Minsan may mga misunderstanding din kami at lahat ng iyon ay dahil sa akin. There was this one time, wala akong magawa at naisip kong i-chat siya pero nahihiya ako. So gumawa ako ng bagong account at nagpanggap na ibang tao. Nanginginig ako at nanlalamig dahil first time kong gawin yun sa buong buhay ko. Chinat ko siya doon at nagreply siya kaagad pero napapansin kong may hinala na siya kung sino yung kachat niya. Likas na matalino talaga tsk. Kinonfront niya ako at nagdeny ako pero sa huli, nasabi ko rin ang totoo. Nagalit siya sa ginawa ko kaya nag-away kami. Sorry ako ng sorry pero nagalit pa rin siya. Lumipas ang mga araw at linggo at naging okay ulit kami. Sabi ko hindi ko na gagawin ang bagay na yun para hindi na kami mag-away ulit pero dahil nga gustong-gusto kong palagi kaming magkachat, ginawa ko ulit. This time, grabe yung galit niya. Nagsorry ulit ako pero sabi niya “sorry said several times is annoying”. Naiiyak ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko para magkaayos ulit kami. Sobrang bobo ko rin kasi at sobrang childish. Wala akong ibang inisip kundi ang sarili ko lang. Matagal-tagal din bago kami nagkaayos ulit sa pangalawang pagkakataon. At this time, hindi ko na talaga uulitin yun. Naging maayos yung communication namin at kagaya nung una, may mga araw na hindi kami nagkakachat pero hindi ko na kagaya ng dati na gumagawa ako ng bagong accounts para lang maichat sya. May 2019, hindi ko makakalimutan ang gabing nagconfess siya ng nararamdaman niya sa akin. Sobrang saya ko, hindi ako makatulog sa sobrang kilig. Nagpapalitan kami ng mga emojis na may mga hearts. Nagiging caring and sweet na rin kami sa isa’t isa pero take note, wala kaming label. Lol. Fast forward. It was May 15, 2020, naisip kong magpahangin sa may tabing dagat dito lang din malapit sa amin. Magkachat kami nun at nagsend ako ng selfie ko sa kanya (nanghingi eh haha). Nagreply sya sa picture ko ng “Why so ganda, love?”, sa mga panahong to, sinet na namin ang endearment namin at yan ay “Love” pero yung label hindi pa rin. Haha. Marami pa kaming pinag-usapan nun at isa na dun yung about sa relationship namin (kahit wala pa naman). Maya-maya nagmessage sya ulit. Shocked and at the same time kinikilig ako nang nabasa ko ang message niya, “Love, pwede manligaw?” grabe parang mapupunit na yung labi ko sa kakangiti. Ako naman na maharot ng kaunti ay nagreply ng, “Bakit ka pa manliligaw? Kung pwede namang maging tayo na agad, dun din naman tayo pupunta eh.” And he replied, “So tayo na?” Sabi ko naman, “Pero syempre, charot lang yun. Nagmamadali ka ba?” Sabi niya, “Hindi naman sa ganon, Love. Natatakot lang kasi ako eh.” Sabi ko naman, “Natatakot ka? Why? Natatakot ka na baka maunahan ka ng iba?” And sabi niya, “Parang ganon na nga. Ang layo kasi natin sa isa’t isa eh. Pero pag nakapunta ako dyan, ang una kong gagawin ay iha-hug talaga kita ng mahigpit na mahigpit.” Syempre abot-langit ang ngiti at kilig ko nang mga oras na yun. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nagkagusto rin sayo ang crush mo diba? Dream come true na yun eh. Haha. Kinagabihan, napag-isip isip kong baka ito na yung time na hinihintay ko. Na baka siya na nga. So hinayaan kong lumipas ang mga araw at nagiging consistent naman sya sa akin though may mga times na natatagalan syang magchat o magreply sakin dahil na rin sa trabaho niya pero naiintindihan ko naman sya dun. It was May 20, 2020 in the evening when I decided to chat him saying, “Love, may sasabihin ako sayo.” Nagreply naman sya kaagad ng, “Ano yun, Love?” Sabi ko agad, “Tayo na.” Sabi naman niya, “Sure ka, Love?” Edi nireplyan ko ng, “Ayaw mo?”, tapos sabi niya, “Syempre gusto. Haha! I love youuu!” At yun na nga ang pinakamasayang araw ko. Parang sa mga nababasa ko lang sa FB na, “Crush ko noon, jowa ko na ngayon.” Halos araw-araw, lagi lang akong nakangiti. Wala eh, in love talaga. Sobrang saya ko lang nung mga panahong yun.

Pero napagtanto kong sa una lang pala masaya. Napagtanto kong hindi pala madaling maging masaya ka araw-araw lalo na kung malayo kayo sa isa’t isa. Akala ko rin, magiging okay sa akin ang set up namin. Akala ko, walang magiging problema sa long distance relationship. Pero ang lahat ng yun ay akala ko lang pala. Nung unang buwan kaming in a relationship, masaya naman kami, pero hindi pa rin mawawala yung mga misunderstandings....


Minsan dahil yun sa pagiging immature at ang pagiging overthinker ko. Akala ko maiintindihan ko sya pero mali pala ako. Ang problema ko lang kasi ay yung time namin sa isa’t isa. Minsan feeling ko napag-iwanan ako. Kapag nagcha-chat ako, nagrereply naman sya. Yun lang, natatagalan talaga minsan, dahil nga may ginagawa sya, ako wala eh, lagi lang akong nakaabang sa mga chats nya. At minsan kasi nagpapapansin ako. Gusto kong tawagan naman nya ako pero ayaw ko naman ako yung tatawag kasi feeling ko makakaistorbo ako pag ganon, so, gusto kong sya yung tatawag sa akin pero wala eh. Gusto nya chat lang. So pilit ko pa rin syang iniintindi. Pero kahit naman busy sya, he always make time naman for me, yun nga lang, sa chat lang tapos minsan saglit lang kami magkausap sa chat kasi matutulog na sya dahil sa pagod. Unang buwan pa lang kami pero nahihirapan na ako. Hanggang sa umabot kami ng dalawang buwan pero sa tingin ko, mas maraming araw pa yung nagkakaroon kami ng problema sa relasyon namin kaysa sa pagiging masaya. Nalulungkot ako. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasukan ko. Month of July, my birthmonth, inexpect kong sya ang pinakaunang mag-greet sa akin, inexpect kong i-gegreet nya ako ng 12am sa birthday ko pero wala. Pero okay lang kasi hindi pa naman natatapos yung araw, marami pa namang oras. Nagcelebrate ako ng birthday ko kasama ang pamilya ko sa isang simpleng handaan, nagkaproblema pa ako nun sa mismong araw ko dahil sa enrollment process ko, naging frustrated na ako kahit hindi naman dapat kasi nga birthday ko yun eh pero minsan talaga walang pinipiling oras o araw ang mga problema. Nung 5pm, nagsend sya sa akin ng voice messages, yes may “s” kasi ang dami talaga. Kumakanta sya, ang sweet talaga ng boses ng bf ko eh, naiinlove ako masyado. Hihi. Pero kahit pa kinikilig ako sa pagkanta nya, may lungkot pa rin sa puso ko kasi hindi pa sya nag-greet sa akin. Ewan ko lang kung nakalimutan nya pero imposible naman yata yun kasi pinag-usapan pa namin yun nung isang araw eh. Kahit pilitin kong maging masaya sa birthday ko, nalulungkot pa rin talaga ako dahil yung taong hinihintay kong unang bumati sa akin ay hindi ako binati. 10pm na nun nung nagpost ako ng picture ko with a caption, “Celebrating the life that God has given me. Happy two decades of living. Glory to Jesus!” Sinadya kong i-post yun kasi gusto kong maalala nya na birthday ko. Marami nang nagreact at nagcomment sa post kong yun pero yung pangalan ng bf ko sa mga nagreact ay hindi ko pa rin mahanap. By the way, that was Saturday, July 17th and alam kong every Saturday ay nagvi-videocall sila ng daddy nyang nasa ibang bansa. So, maybe nung pinost ko yung pictures ko ay magkausap pa sila ng dad nya. At yun na nga, 12am nya, tapos na yung birthday ko. Natapos yung araw ko na hindi ako binati ng bf ko. I was so sad and disappointed. Hindi ko magawang maging masaya kasi kinalimutan nya eh. Importante sa akin yun eh kasi hindi na nga ako binati ng nanay at tatay ko (hindi rin kasi kami sanay), pati ba naman sya hindi rin ako binati? Kahit gabi na nung time na yun, nagpunta pa rin ako sa labas para magpahangin at iiyak lahat ng pinoproblema ko nung birthday ko. Iyak ako ng iyak nung time na yun. Nasa dilim ako kaya walang nakakita sakin. Ang tanging saksi lang nung pag-iyak ko ay ang Diyos. Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit para sa akin ang kalimutan ako sa mismong birthday ko. Alam kong mababaw lang ang rason ko pero sana man lang, kahit sya nalang yung bumati sakin, okay lang sakin na hindi ako binati ng nanay at tatay ko pero wala pa rin eh. 5mins after 12am, tumawag sya through voice call, first time syang tumawag sakin. Naninibago ako. Ganunpaman, sinagot ko ang tawag nya. Dahil sa pag-iyak ko ay nanatili akong tahimik. Hindi ako nagsalita hanggang sa sya na ang bumasag ng katahimikan. Paulit-ulit ang paghingi nya ng tawad sakin pero paulit-ulit din ang pagsabi ko ng “Okay lang” kahit alam nyang hindi talaga. Inexplain nya kung bakit hindi sya nakapag-greet sakin ngunit hindi ko magawang magsalita ng maayos dahil tumutulo yung luha ko. Ang sabi nya babawi sya at naniwala din ako. Umabot ng 2 hours yung tawag at naging magaan na rin ang loob ko. Naputol lang ang tawag nung napagtanto naming mag-aalas tres na pala ng madaling araw. At kahit late na ay binati nya pa rin ako. Nagpasalamat nalang ako sa pagbati niya at naging okay naman yung pag-uusap namin. Fast forward. 3 months na kami sa ganoong set up. Hindi pa rin nawawala ang mga problema sa relasyon namin. Paminsan-minsan ay umaandar ang pagiging selosa ko. Na kahit simpleng heart o wow reactions lang ay nagseselos kaagad ako. Immature pa nga. Nagagalit na naman sya sa akin kasi every time na nagseselos ako, nagpopost kaagad ako sa story ko sa messenger at nagpaparinig. Hindi naman sya dumb kaya naintindihan nya kung sino ang pinapahiwatig ko. Lumalaki ng lumalaki ang problema namin at pakiramdam ko nauubos na ang pasensya nya sa akin. Umabot pa sa puntong yung problema namin ay hindi namin naaayos kaagad. Malapit na kaming mag 4 months nun pero sadyang sinubok talaga ang relasyon namin mga problema na pareho kaming nahihirapang i-handle. September 8, 2020, hindi sya nagchat sa akin simula pa nung umaga. Hinintay kong magchat sya o magtext man lang kahit isa pero wala. Nung araw din na yun ay nakita kong fb friends na sila nung ex niya. Nagtaka ako kasi nung isang araw, hindi pa naman sila friends nun pero nung araw na yun ay nakita ko nalang na ang mutual friends namin ng ex niya ay sya, yung bf ko. At alam ko rin na September 8 ang birthday ng ex nya. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko o ano. Hindi ko rin alam kung bakit parang wala akong trust sa bf ko. Ewan ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta nanggigil ako. Sa isip ko, baka ininvite sya ng ex niya para magcelebrate nt birthday niya. Kasi tugma rin na hindi sya nagchat eh. Hapon na nung nagchat sya, around 5pm. Naging cold yung reply ko, ganon din naman sya. 7pm na nun nung pumasok ako ng cr. Sa cr lang ako nakakapag-isip ng maayos at nakakapagmuni-muni. Pumikit ako at naiyak nung kinausap ko ang Diyos ng masinsinan. Nanatili akong nakapikit at sinabi ang mga katagang, “Lord, kung sya talaga yung para sa akin, hayaan mong manatili sya sa buhay ko pero kung hindi, alisin mo nalang sya sa buhay ko Lord kahit pa masakit sa loob ko, okay lang sa akin.” Namumugto na yung mata ko pero hindi ko pinahahalata. Naghilamos ako at nagsuot ng eyeglass para hindi gaanong halata na umiiyak ako galing. Around 9pm, kumakain ako nun at nagchat sya. Ang haba ng message nya sakin at ang dami pero sa huli, hindi ko sya mareplyan kasi nakablock nako. Binasa ko lahat ng yun pero ang tanging nagsink in lang sa utak ko ay ang mga katagang, “Goodbye, Jessa”. Ewan ko ba pero hindi ako nasaktan. Hindi rin ako umiyak. Napasmile pa nga ako eh. Doon ko narealize na ito na siguro ang sagot sa dasal ko kanina. Sabi ko, “Ang bilis naman, Lord. Thank you!”. So eto na siguro yun, eto na siguro ang huli. Pinagmasdan ko nalang ang red indicator na nagsasabing ” You can’t relly to this conversation.”.

Siguro nga ang mga bagay na akala nating yun na pala ay hindi pa pala ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Akala natin magiging masaya tayo pero talagang sa simula lang pala yun, lalo na kapag hindi sya yung taong ibibigay ng Diyos sa atin. Kasi maghahanap talaga ng paraan ang Diyos upang ilayo tayo sa mga taong hindi naman pala sigurado sa kanilang pagmamahal sa atin, eh.

Maraming mga bagay ang ginusto at hinahangad natin pero minsan ay hindi rin pala yun ang hangad ng Diyos para sa atin kaya inilalayo Niya tayo sa mga bagay na ito. I’m glad that I’ve asked for God’s guidance towards our relationship. I now understand that even if you really like that person, if it’s not God’s will na ipaubaya sya sayo, it will not be yours talaga. Most importantly, I learned that prayer really works. Imagine, I was crying my heart out and talking to the Lord and He amazingly answered my prayers few hours after. Buhay talaga ang Diyos at mananatiling buhay magpakailanman.

Now, I am enjoying my single life and trying hard to finish my studies. Wag tayong magmadali sa pagmamahal dahil alam kong darating din ang araw na ibibigay na ni Lord ang taong makakasama natin habangbuhay. Sabi nga nila, out of 7 billion people in this world, mayroong iisang tao ang ipagkakaloob ng Diyos para sa atin. In other words, lahat tayo ay magkakaroon ng partners. So don’t worry too much and just enjoy singlehood. Who knows, na-traffic lang yung taong para sa atin, haha.

So, this is the end of my love story and I hope na lahat ng makakabasa nito will learn something. Just don’t forget to pray. Stay safe always and God bless everyone!

GCash: 0948 840 6852






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top