THE BOSS OF KIDNAPERS PART ONE


THE BOSS OF KIDNAPERS”
•|PART ONE (1)
Alas 11 na ng gabi natapos ang trabaho namin dahil sa nag pa overtime pa kaya ito ako ngayon hirap na hirap makahagilap ng masasakayan pauwi.
“Oi beh una na ako ah diyan na fafa ko”paalam ni bakla,kaibigan ko na kasamahan ko din sa trabaho.
“Oh sya madapa ka sana”—ako.
Wala pang limang minuto ng matisod ito sa bato kaya gayon na lamang ang hagalpak ko ng tawa.
“G4g4 ka mabundol ka sana ng rumaragasang tit*”sigaw nya bago sumakay ng motor.
Sana nga.
WAHHHH!tsarer.
Abot tenga ang ngiti ko ng may makitang taxi na paparating na dali kong ipinagitnaan sa kalsada para pumara.
“Kuya para,kuya para,kuyaaaaaa”kaway kaway ko ng kamay ngunit hindi yata ako napansin kaya lumampas.
“Nyeta nito ma flat-an ka sana”sigaw ko na wala pang isang minuto ng pumutok ang gulong nya.
BWAHAHAHAH dsurvvv!
May sumpa ba’tong bunganga ko oh sadyang favorite ako ni San Pedro?
WAHHHHH!
*******
12:30 am na pero nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko at nagbabakasaling may dumaan na pagong para masakyan pauwi.
Oo pati pagong papatusin ko na!
“Kapag 10 seconds na wala pang hihinto dito sa harapan ko maglalakad na ako 1..2..3…4…5…~di ko na natapos pa ang pagmuni muni ko ng may humintong itim na van.
Sa wakas sa hinaba haba ng pasensyang inilaan ko may dumating din.
“Kuya sta. Monica nga ho”silip ko sa isang naka mask at sumbrero sa loob ng van ngunit tumingin ito sa likod nya at tumango.
Ano yon?tumango ka at tatango rin ako halina’t mag tangoan tayo?
Tsarer!
“H-hoy san nyo’ko dadalhin h-hoy”pag pupumiglas ko ng bigla akong dukotin papasok ng van.
“Sumama ka nalang”utos ng driver na may malamig boses.
Ay beh sa mt. Everest yata ako dadalhin.
Ipagkakakera sa mga bears bwsahha tsarer!
“Ay kuya ang lamig naman nyan sagad ba plema mo?”pang aasar ko na ikinalingon nya at hinandogan ako ng masamang...


tingin.
Ay g4go asong lobo yata to bwsahha!
“Char char lang naman hihi pero ano nga ano gagawin nyo sa akin?”—ako.
“Tatadtarin nyo ba ang mga laman ko para ipakain sa buwaya?huhu kung ganon man please
penge —ay pahiram nalang ako kuya nitong papel tsaka ballpen mo susulat lang ako ng love letter para sa pamilya ko”dukot ko ng ballpen at papel sa bulsa ng katabi ko sa kanan na naka black.
Actually lahat sila naka all black ang suot siguro pupunta sila ng black party kaya pare-parehas naka itim.
Agad nya naman’g tinapik ang kamay ko at pinanlisikan ako ng mga mata.
“Damot mo naman kuya di ko naman uubosin ang tinta oh ayan na saks4k mo sa baga mo tig syete lang naman sa’min yan’g ballpen tsaka yang papel kiniskis na puno ng bayabas lang naman yan tseee”tsaka ibinalik ang kinuha ko.
Nyeta mga to ang dadamot ayaw man lang ako bigyan ng last chance tsk!
“Pag ako naging presidente ng pilipinas ito tatandaan nyo kayo,kayo,kayo’ng anim una kong ipapatumba lalo ka ng singkit ka ewan ko ba kung may mata ka pa”tukoy ko doon sa puny3tang madamot kong katabi.
“Manahimik ka na nga ang ingay ingay mo”sigaw nong sa likod ko.
“Ikaw ang manahimik kapag ako bumuga ng sama ng loob sapol ka diyan”—ako.
“Tatahimik ka o tatanggalan kita ng bunganga?”banta nong sa unahan.
“O orange bwahahaha char ito na nga zipper na zzzzz”tsaka umaktong isinara ang bunganga.
********
Nababalot na kami ngayon ng katahimikan dahil sa tinutokan ba naman ako ng thermometer jusmeyo.
Bigla akong itaki ng katakawan kaya inilabas ko ang mga pagkain na ilang oras ng nabubulok sa bag ko.
“Hi guys gusto nyo ng foods ito oh may dala ako”at inisa isang inilabas ang mga pagkain.
“What the—”napatunganga nalang ako ng makitang nag uunahan silang kumuha ng mga ipinanlabas kong junk foods.
MGA PAT4Y GUTOM.
WRITTEN BY:KAJI MANUNULAT POGI






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top