The Broken Angel🌻
Good morning, readers.
Nine:
Katahimikan ang namayani sa loob ng bahay o bahay pa nga ba ang tawag dito, para sa akin kasi mansiyon na ito. Tahimik siya pinagmasdan ako na kumakain, naiilang ako sa titig niya, nanginginig ang aking kamay at dahil nga ayaw kong ipahalata sa kanya ay ibinaba ko ito.
“If your done eating, go to your room and change clothes, may trabaho ako.” It’s saturday kaya wala akong pasok and every saturday and sunday ay isinama niya ako lagi sa opisina niya. As what I’ve said he’s a business man, he manage some of his father’s business and that’s include the hacienda too. The Hacienda de Ventura.
“Bakit?” Wala naman kasi akong ginagawa doon, kumakain, nanood kung sinong pumasok sa opisina, nakikinig sa mga katawagan niya sa trabaho, natutulog, nanood ng movie at minsan ay kinukulit siya para umuwi.
“Walang mag-aalaga sa iyo dito, wala si Manang and other house help too.”
“Hindi na ako bata para alagaan. I can handle myself very well.” Saad ko.
“Kaya kahit alam mong mali ay ginawa mo?”
“Huh?” Hindi ko kasi makuha ang ibig niyang sabihin.
“Tss.” Sumimangot ako at tinapos agad ang pagkain.
Bakit ba kasi ako isasama? Wala naman akong itutulong doon, tapos maiinis siya sa akin dahil mangungulit lang ako sa kanya gaya nung nakaraang sabado, pagkarating namin sa opisina niya ay agad akong umupo at wala pa nga’ng isang oras ay nagsimula na akong magreklamo.
“Hindi pa ba tayo uuwi?” Nakanguso kong reklamo sa kanya, ang tingin niya ay nasa mga papel, hindi ko alam kung anong meron sa papel at mas binigyan pa niya ng pansin kaysa sa akin, nung nakaraang sabado ang mga papel din iyan ang mas binigyan niya ng pansin.
“I’m so bored.” Ni lingon ay hindi niya ibinigay sa akin.
What’s with the paper really? Mas importante pa ang papel kaysa sa akin?
“Gutom na gutom ako.” I am not really hungry, naiirita lang ako dahil hindi niya ako pinansin.
“Ouchh! My tummy is really hungry.” Sinulyapan niya ako at pagkatapos ay kinuha ang cellphone at may kinalabit doon at agad din ibinalik ang kanyang atensiyon sa papel.
Pag ako nainis dito, susunugin ko talaga ang papel na iyan. Makikita niya.
“Knock..knock..”
“Come in.” Napalabi ako ng may pumasok na babae at may dalang pagkain, itinuro ni kuya ang banda ko at agad na inilapag ang pagkain.
“Thank you, Nicka.” Ngumiti ang babae at agad din namang umalis.
“Eat that. Gutom ka diba?” na tila nauubos na ang kanyang pasensiya sa akin.
“Bumaba ka sa lamesa.” Umirap ako at dinungaw ang mga papel na binigyan niya ng atensiyon.
“What? Bawal akong umupo dito? Pero yung mga papel na iyan pinatong mo sa lamesa tapos ako pababain mo?” Hindi ko talaga gusto na mas binigyan pa niya ng pansin ang mga papel kaysa sa akin.
“Saan ko ba ilalagay ito? It’s important, it’s bout business so I should study hard about this.” Nakita ko ang pag-ngiti niya, tinaasan ko siya ng kilay.
Hah! Importante? Mas importante pa sa akin? Kung sunugin ko kaya iyan.
“Saan mo ilalagay? Sa basurahan at sunugin mo.” Supladang wika ko sa kanya, dinala lang niya ako dito para tingnan siyang kasama ang papel? Sana hindi niya ako isinama, sana iniwan niya lang ako sa bahay.
“Bakit ang laki ng galit mo sa mga papel na hawak ko? Hmm.” Hinila niya ako kaya uminit ang aking mukha, siya nasa upuan habang ako ay nasa lamesa, my legs pread widely and he then position himself in between. Nasa pagitan ng hita ko siya.
“Galit ba ako? Mukha ba akong galit? Bakit naman ako magagalit sa mga papel na iyan? Bakit naman ako magagalit sa papel na kanina mo pa binigyan ng pansin? Mas importante pa kaysa sa akin kaya hindi mo ako pinapansin? May mga papel ka naman palang kasama at mas importante dahil tungkol iyan sa business, bakit mo pa ako sinama dito? Kaya hindi ako galit.” Taas babang saad ko, mas hinila niya at niyakap ng mahigpit, tinulak ko siya ngunit para siyang linta kong makadikit.
“Ano? Ano? Kung maari bang pwede na akong makaalis at ng makasama mo ng boung araw ang mga papel na iyan?” Humahalakhak na talaga siya, mas lalo akong nainis ng pinagtatawanan niya ako.
What’s funny?
“Sweetheart, hindi ko...