The Broken Angel🌻
Three:
Napayuko ako at nagsimula na namang matakot dahil sa tanong niya, ang luha ko ay agad din nagsituluan, awang-awa ako sa aking sarili, pakiramdam ko para akong aso na naghahanap ng bagong amo.
“Paki-usap po.. gagawin ko po ang lahat huwag niyo lang po akong ibalik sa amin.” Kung kinakailangan na magtrabaho ako sa pamamahay niya ay gagawin ko, pwede akong kasambahay kahit na ang totoo ay hindi ako maalam sa gawaing bahay, wala akong natutunan kahit isa sapagkat akoy laging ikinulong ng aking Tiyuhin.
“Magpapakabait po ako at susundin ko po lahat ng gusto niyo…huwag mo po akong ibalik.” Pakiki-usap ko sa kanya, hinaplos niya ang aking likod para patahanin sa pag-iyak, gamit ang isang kamay ay hinawi niya ang aking buhok at isinabit ito sa aking tainga, pinahiran niya din ang aking luha gamit ang kanyang daliri.
“Shhh.. hindi kita ibabalik..” Kumalma ako dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking braso at nakitaan ko ng galit ang kanyang mukha.
“Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa sa iyo nito?” Umiiling ako at hindi siya sinagot, gusto kong isumbong si Tito ngunit ayaw kong mapahamak siya, kahit na ginawan niya ako ng masama hindi ko pa rin kayang makita na masaktan siya, siya lang ang pamilya na mayroon ako.
“Hindi ko po alam.” Pagsisinungaling ko dito, ang mga pasa ko ay ginamot niya dahilan upang mabawasan ang hapdi nito.
“I won’t force you to tell what really happened to you. Pero Angela ikaw ay isang menordeng edad pa lang, kapag may nagsumbong na may itinago akong bata dito sa bahay ay maari kang kunin sa akin at patirahin sa ampunan.” Aniya.
Kung nasa ampunan ako ibig bang sabihin nun ligtas na ako? Wala na bang tito na sasaktan ako? Paano kung malaman ni Tito at kukunin niya ako tapos ikadena na naman ulit.
“Ligtas po ba ako sa ampunan.” Umaasang tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung ilang beses akong naawa sa aking sarili, nakakawa ang isang batang tulad ko, naghahanap ng lugar kung saan ay mas ligtas ako.
“I’m not sure, Sweetheart. Kapag nasa ampunan kana, may mga tao na gustong mag-ampon ng mga bata.” Paliwanag niya.
Alam ko ang ibig niyang sabihin, hindi siya sigurado kung ligtas ba ako doon dahil hindi lahat ng inampon ay inaalagaan at minamahal, may inampon na ginawang alila at sinasaktan. Pero dahil sa hindi na ako nakakulong sa madilim ay nagkaroon ako ng pag-asa, ngayon pa ba ako susuko?
“Magiging maayos po ako.” Kumbinsi ko sa kanya, kailangan kong mag-isip ng positibo dahil walang magagawa ang negatibong pag-iisip.
“I actually called the attorney while you were asleep and I decided to adopt you as my sister, that’s if you will accept me as your kuya.” Siya na talaga ang ginamit ng panginoon para iligtas ako, ito ang lagi kong ipinagdarasal na may taong magmamahal sa akin ng higit pa sa buhay ko, taong kaya akong alagaan at ipaglaban.
Sa ilang taon na pagdurusa ko ay dumating siya at iniligtas ako, God is indeed our provider. Alam niya ang mga kailangan ko at ngayon ay ibinigay niya ang taong ito.
Hindi niya man ako mahal at least hindi siya tulad ni Tito na sasaktan ako. I will promise I will be a good sister to him.
“Talaga po? Amponin niyo po ako? Kapatid na po tayo? At kuya...