THE SOLAR ECLIPSE CHAPTER 02


CHAPTER 02

~~~•~~~
Hindi namalayang alas onse na pala ako nakauwi dahil sa sobrang lutang ko don sa chupapi kanina tsk.Hindi pa rin mawala sa ilong ko ang kakaiba ngunit sobrang bangong amoy niya,ang landi ko talaga hayst.
Nandito na ako ngayun sa bahay at kumakain sa kami ni Tatang at Nanang ng pananghalian,sabi ni Nanang nagkaayos na daw sila ni Tatang,sinabi niya na raw ang totoo.
Alam ko namang hindi magagawa yun ni Nanang kahit palasugal si Tatang,dahil alam ni Nanang na mahal na mahal ni Tatang ang mga manok niya,mabuti pa nga ang mga manok may vitamins eh,pero ang may ari walang vitamins,talino diba?.Mabutit nagkaayos na rin sila.
Isda at talbos ng kangkong ang ulam namin ngayon,bumili ako kanina sa palengke,kahit lutang ako dahil don sa chupapi.
“Nica,bakit ang tagal mo pala kanina?”basag ni Nanang sa katahimikan.
“Ahhh,namasyal kasi ako sa park kanina eh,medyo nag aalala kasi ako sa...


exam ko.”pagsisinungaling ko,dahil kaya yun sa mabangong lalaki kanina.
“Ahh wag kanang mag alala sa exam mo,kung hindi ka makakapasa pwede kapa namang sumubok ulit”saad ni Tatang habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
“Ehhh,naka tatlong subok na po ako eh,nasasayang na nga po yung sinu-sweldo ko dahil nasa tuition fee ko yung kalahati,tapos ang ending bagsak naman pala”malungkot kong saad kaya agad na hinawakan ni Nanang ang kamay ko.
“O,nasaan na yung palaban na Veronica namin?”pagpapalakas ni Tatang kaya agad na napangiti ako.
Sa totoo lang malapit na akong mga give-up sa pag-aaral,nag accountant kasi ako pero wala naman akong alam don.Nag tatrabaho ako sa gabi upang matustusan ang pag-aaral at pangangailangan nina lola at lola,may maintenance kasi si Tatang dahil may sakit siya sa puso,kaya todo kayod ako,kahit nagsusugal yun pinapabayaan nalang namin ni Nanang.Sana may paaralan sa libre at may perang ibibigay,pero impossible naman kung meron,ano yun hightech?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top