The Broken Angel Twelve


The Broken Angel🌻
Twelve:
Pikit matang lumuluha ako sa isang madilim na gabi, nakayuko at nakagapos ng kadena ang aking sarili, isang mahinang hikbi katumbas ng isang malakas na daing ang kumawala sa aking bibig. Isang hampas ng latigo sa aking likod ang aking natikman, ang sakit na dulot nito ay nanonoot sa aking boung katawan, ang aking katawan ay nanghihina dahil sa hirap na dinanas.
“Tatakas ka pa?” Pikit matang lumuluha sa sakit ng hampas ng latigo, sana sumagi man lang sa isip ni Tiyo na isa akong tao at hindi isang hayop.
“Uulit ka pa?” Pangatlong hampas ng latigo ay napasubsub na ako sa sahig na semento, ang luha ay humalo sa aking dugo na lumabas sa aking bibig, wala akong lakas pa na gumalaw at ang aking paningin ay nagsimula ng lumabo.
“Alam mo ba kung bakit naging bayaran ang mama mo, na kapatid ko?” Pumikit ako at ininda ang sakit, ayaw kong kumilos kasi masakit ang likod ko sa kakahampas ng latigo.
“Kasi bata pa lang kami ng iniwan kami ng aming magulang, galit na galit ako sa magulang namin dahil iniwan niya kami, ako nagtaguyod ng kapatid ko, ako ang naghanap ng makakain niya ngunit anong ginawa niya? May gusto lang umampon sa kanya ay iiwan na niya ako.” Hindi ko alam ang mga hinanakit ni Tito at mas lalong Wala akong alam sa nakaraan ngunit bakit tila sa akin niya ibinunton ang kanyang galit?
“Dahil sa galit ko ay ikinulong ko siya sa kwarto tulad ng ginagawa ko sa iyo, ayaw kong maiwan, sawa na akong maiwan ng paulit-ulit ngunit isang araw habang ikinulong ko siya ay dinala ko si Martha sa bahay, Martha ay nobya ko at dahil mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya.” Aniya at ininom ang isang alak..
Ang masakit na naranasan ng aking Ina ay mararanasan din ng kanyang anak, naranasan ko din.
“Si Martha ay may kaibigan na naging barkada ko, siya ay si June, naging magkaibigan kami at akala ko hindi nila ako tratraydurin ngunit katulad ng ina namin iiwan din pala nila kami at ang masakit tinatraydor pa.” Bakit? Kasalanan ba ni Mama ang lahat? Kasalanan ko bang maiwan siya?
“Ginahasa ni June ang iyong Ina at hindi pa nakuntento ay trinaydor pa ako, nagkaroon ng relasyon si Martha at June dahilan upang iwan ako. Matagal ng ginahasa ang iyong Ina, Bata pa lang siya hanggang sa nagdalaga ngunit bago ko pa lang nalaman.” Humihikbi ako dahil sa awa ng aking Ina, hindi ko akalain na ang aking Ina ay isang biktima ng pang-gahasa.
“Sinisi ko ang aking sarili kong bakit pinili ni Angelica na maging isang bayaran. Hindi ko matanggap na hinusgahan at minamaliit ng ibang tao ang kanyang pagkatao kaya muli ko siyang ikinulong ngunit buntis siya at hindi ko alam kung sino ang iyong ama dahil ayaw sabihin ng iyong Ina. Ang alam ko lang ay isa siyang espanyol.” Bakit ba ang pait ng kapalaran naming mag-ina.
“Alam ng mga tao na namatay si Angelica ngunit hindi nila alam na buhay ang anak niya. Nang isilang ka sinabi ko sa mga tao na hindi ka rin nakaligtas, na namatay ang bata kasama ang Ina at naniwala naman ang lahat.”
“Itinago kita para alagaan at pinangakong babawi sa iyo ngunit nagbago ang lahat ng makilala ko si Linda, minahal ko siya ngunit iniwan niya ako para lang sa Iba. Bakit ba kasi lahat ng taong nasa...


kamay ko ay iniwan ako? Ang magulang ko, ang kapatid ko, si Martha, June at Linda. Ikaw na lang meron ako kaya gagawin ko ang lahat hindi mo lang ako iiwan.” Si tita Linda ay mabait sa akin, kahit na marami ang nagsasabi na hindi bagay si Tiyo at tiya para sa isat-isa ay binaliwala ito ni Tiya Linda. Galing sa mayamang angkan si Tiya Linda, ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng hectar hectar na lupa, isang edukada na babae na pumatol kay Tiyo ng dahil sa pag-ibig.
Si tiya ay naging Ina ko, bata pa lang ako ay tinuturuan na niya ako kung paano siya pinalaki ng kanyang magulang, sinanay sa salitang English dahil mas bihasa si tiya sa English, at tinuruan kung paano maging pormal. Nagbago ang lahat ng sumama sa ibang lalaki si Tiya Linda dahilan upang magbago si Tiyo, hindi ito matanggap ni Tiyo, hindi niya matanggap na iniwan siya ni Tiya para sa isang lalaki kaya para kay Tiyo ay patay na si Tiya.
Kada may magtanong sa kanya, ang lagi niyang sagot ay patay na ang kanyang asawa kahit na ang totoo ay iniwan siya dahil sa isang lalaki.
Grade three lang ang natapos ko ngunit ang magkaroon ng Tiya na katulad ni Tiya Linda ay para akong naka-graduate na. Sa kanila ako lumaki, bata pa lang ako sinanay ako sa mga kilos mayaman, kaya kahit si Tito ay ganoon rin para kay tita.
“Kasalanan ko ba kung bakit ka iniwan? Kung ganitong klase kang tao wala talagang mananatili sa iyo.” Saad ko.
“Hindi ako dating ganito, ginawa ko ang lahat mapansin lang ako ni Linda, mayaman siya at mahirap lang ako. Kahit na bobo ako sa English pinag-aralan ko para lang maintindahan ko siya at makausap ngunit anong ginawa niya? Iniwan niya ako.” Ramdam ko ang sakit ni Tito pero hindi kasi tama na ako ang sasalo sa lahat ng galit niya, wala akong kasalanan.
“At ginawa ko ang lahat para sa Mama mo.”
“Kung sana hindi mo siya ikinulong ay hindi sana siya magahasa.”
“At ano? Hahayaan ko siyang iwan ako?”
“Tito, alam kung may konti pang natitirang kabutihan sa puso mo, paki-usap, palayain muna ako.” Aniya.
“I will never do that. You will always trapped in this house.” Aniya at iniwan ako.
Napapikit ako sa sakit sa puso at sa hapdi ng sugat ko, tinangka kung tumakas ngunit parusa ang naghihintay sa akin. Namulat ako sa aking mata at nakita ko ang pagsilang ng haring araw.
Panibagong araw ngunit nanatili pa rin akong nakakulong sa nakaraan, kahit anong gawin ko ay hindi ko man lang makakalimutan. Natatakot ako na baka isang araw ay mahanap ako ni Tito at sasaktan ulit. Ilang taon na ang lumipas ngunit bakit tila pati sa aking pagtuloy ay binabagabag ako ni Tito? Bakit napapanaginipan ko ang mga kahayupan niya? Anong ibigsabihin nito? May ibigsabihin ba talaga ang panaginip?
(Weeeew! Hindi talaga ako marunong gumawa ng kwento pero maraming salamat sa pagbabasa at walang sawa na pagsubay-bay. Ang kabanatang ito ay inihandog ko sa mga sumunod:@ Marlyn Malate Jaum @Anne Abrio Solon @Manuel Dacallos @ Evangelista Cherin @Elliehicm Pollo @Rowena Villamil Paras @Ritchel Sonio Sudiaga @Sheene Katalieya @Dayanara Dingle @Camalea Ayonana Jamla @Margie Bacalangco @Zoey delos Angeles @ Mi rae @Maria Chona Amollo Torremocha@Mariam Ebora next chapter na lang ang iba, ang kabanatang ito ay para sa inyo. Daghang salamat mga Kabebelove! Mabilis ang update dahil ayaw kong mainip ang nagbabasa. Charrr! Joke Lang.)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top