Serenity
Paggising ko ay puro puti ang aking nakita at nanghihina ako na hindi ko alam. Inikot ko ang aking paningin sa kwarto at nakita ko na natutulog si Ryker habang nakapatong ang ulo niya sa gilid ng aking kama sabay nakahawak sa aking kamay. Inalog ko ang kanyang kamay gamit ang aking kaliwang kamay upang gisingin siya. Pagmulat niya ay agad siyang napatayo at saka pinatawag ang doctor at saka tinulungan niya akong makaupo sa kama.
“Kumusta ka na? Ano’ng nararamdaman mo, my love?” tanong niya sa akin.
“Ayos lang naman ako kaso nanghihina ako. Ano ba’ng nangyari at bakit nandito nanaman tayo sa hospital? Are we back?” Umiling siya at doon bumalik sa aking isipan iyong mga nangyari tungkol kay Mark. Iyong album na aking nakita sa library, iyong litrato ni Mark kasama si Laila at magkahalikan. Napatingin ako kay Ryker at saka hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit.
“We’re not yet back, my love. Nahimatay ka dahil daw sa stress sabi ng doctor.”
“Ryker, paano si Mark? Ano’ng nangyari sa kanya?” Napatungo si Ryker at saka umupo sabay napailing. “Ryker?”
“I’m so sorry. Ang buong akala ko ay ilinalayo ko kayo sa kapahamakan pero hindi ko alam na mas ilinapit ko lang kayo. This is all my fault.” Halos imasahe niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha at kita ko na sinisisi niya ang kanyang sarili.
“Ryker? Wala kang alam sa nangyari at hindi mo alam na gano’n pala ang ginagawa ng kaibigan mo sa iyong likuran. Ginawa mo ang tama at prinotektahan mo kami.” Napailing siyang muli at inabot ko ang kanyang kamay.
“This is still my fault, my love. Akala ko kaibigan ko siya pero hindi ko alam na siya rin pala ang magtratraydor sa akin.” Huminga siya ng malalim sabay hinalikan ang aking kamay.
“Saan na si Mark ngayon?” tanong ko sa kanya.
“I don’t know. Noong mahimatay ka ay ikaw lang ang inalala ko dahil bigla ka na lang nahimatay. Hindi ko na naisip kung nasaan na si Mark basta sinakay kita sa kotse at itinakbo kita sa pinakamalapit na hospital na makikita ko.” Napamaang ako nang maalala ko sila Ryker at naisip na baka kasama niya pa si Mark.
“Ryker, how about Ryder and Ryleigh? Please don’t tell me na naiwan sila sa bahay kasama si Mark?” Umiling siya at agad akong pinakalma.
“They’re fine. Agad ko silang pinasunod at hindi ko sila hinayaan na maiwan sa bahay na iyon kasama ang gagong iyon.” Kita ko ang galit sa mga mata ni Ryker at naiintindihan ko siya kung bakit. Kung sakali na ginawa rin sa akin iyan ng kaibigan ko ay hinding-hindi ko rin siya mapapatawad kahit ilang beses pa siyang humingi ng tawad.
Bigla akong nauhaw kaya naman humiling ako kay Ryker ng isang baso ng tubig. Habang kumukha siya ay biglang nagbukas ang pinto at ilinuwa nun ang isang doctor at isang nurse. Agad naman nilang chineck ang aking BP habang kinakausap ako ng doctor. Lumapit naman si Ryker sa aking tabi at saka agad na tinanong kung kumusta na ako.
“How are you feeling first before I answer your question?” tanong ng doctor habang humihila siya ng upuan.
“I feel fine, doc. Parang inaantok lang ako palagi at gusto ko lang humilata sa kama.” Tumango-tango siya.
“That’s understandable because you are still in your first trimester. The good news is you and your baby are fine, and you don’t have to worry anything…” Natuwa naman kami ni Ryker at napangiti nang may ipahabol ang doctor. “For now.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
“Ano po’ng ibig niyong sabihin? May komplikasyon ba sa mag-ina ko doc?” tanong ni Ryker.
“Muntik nang makunan ang...