Heiress in Disguise Chapter: 2


Heiress in Disguise
Written by: Mazzie Hudson
Chapter: 2
Ashanti POV
“Miss…” Naalimpungatan ako sa pagtawag sa akin ni Mia. Nakatayo siya sa gilid ko at nag-aalalang nakatingin sa akin.
Kinusot ko ang mga mata ko at naupo sa edge ng kama. Nang dumungaw ako sa labas ng bintana, nalaman kong gabi na at napahaba ang tulog ko sa sobrang pagod.
“Why?” mahinahong tanong ko.
“Nandyan na po sila s-sir. Kailangan po tayo sa baba..” nauutal niyang sabi at nag-iwas ng tingin. Siguro’y naaawa sa akin at nag-aalalang hindi ko kayang gawin ‘to.
Tumango ako sa kaniya bago nilipat ang tingin sa tabing table kung nasaan ang maid uniform. Tumayo ako at walang ekspresyong kinuha ito.
“You can wait me there,” sabi ko bago dumiretso sa banyo. Hapit na hapit ang dress sa katawan ko at hindi lalampas sa tuhod. Maayos naman siya tingnan, hindi lang bagay sa’kin.
Lumabas ako ng banyo at naabutan si Mia na nag-aayos ng mga gamit namin. Nang humarap siya sa akin ay sumilay ang ngiti sa labi niya.
“Bagay po sayo, miss!” sabi niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Talaga? E’di ikaw nalang ang magsuot! Inirapan ko siya bago naupo sa harap ng salamin.
Kinuha ni Mia ang suklay at sinimulang ayusan ako. Iniba niya ang style ng buhok ko at ginawa itong messy bun.
“Mia, hindi ako si Geraldine,” iritang sabi ko. “I don’t like it,” dagdag ko pa.
“Okay lang ‘yan, ma’am. Bagay naman po sa inyo,” pagpupumilit niya pa.
Napabuntong hininga nalang ako at pinabayaan siya.
Habang nakatitig sa salamin, nakikita ko ang kapatid kong si Geraldine. Sa aming apat na magkakapatid, siya lang ang pinaka kakaiba. Hindi siya marunong mag-ayos o magsuot ng make-up. Her hair is messy. She hates attention and always dressed up like a manang. She’s a nerd. But, she’s the definition of beauty and brain....


While, ate Hera is screaming of power and elegance. However, our baby sister is the spoiled one.
Nang matapos kami ni Mia sa pag-aayos ay bumaba na kami. Kinakabahan pa siya dahil baka raw mabuking kami at may makakilala sa akin. She’s just so advanced. Walang makakakilala sa akin as Ashanti dahil kamukhang kamukha ko na si Geraldine! Nakasuot pa ako ng salamin tulad ng sa kapatid ko.
“Nandito na po pala sila, sir.” Rinig kong sabi ni Linda ng makita niya kaming papasok nang dining.
I’m hungry na rin.
Bumungad sa amin ni Mia ang apat na lalaking nasa dining table. Agad na napunta ang atensiyon nila sa amin. Their jaw dropped. Ngumiti ako.
I’m pretty, right?
“Sila po ang bago nating mga k-katulong.” Kitang-kita ko ang dalawang beses na pagpasada ng tingin ni Linda sa akin. Kinulbit niya si Mia.
“Magandang gabi po sir, ako po si Mia..” nahihiyang sabi ni Mia at binalingan ako. It’s my turn.
“Hi. I’m Shan,” sabi ko.
“Are you sure that this girl is a maid?” baritong tanong noong isang lalaki kay Linda.
“O-opo, sir H-Hades..” nauutal na sagot ni Linda.
Tinaasan ko sila ng kilay. I know, they’re definitely good looking, but pinagdududahan ba nila ako? Huh?
“What are you trying to say?” tanong ko doon sa lalaking tinawag ni Mia ng ‘Hades’.
“Tsk.” He said.
What? I gritted my teeth in irritation.
“How dare you to mocked at me?!” iritatang tanong ko sa kaniya.
“Miss—Shan!” mabilis na hinila ako ni Mia.
I was about to rant ng magsalita ang katabing lalaki ni Hades.
“Where did you found this maid?” tanong niya kay Linda.
“K-kaibigan ko po sila sir Thunder.”
“Let’s eat,” malamig na sabi noong isa pang lalaki na nagpatigil sa usapan. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin. I suddenly feel nervous.
“Opo, sir Damian,” aniya Linda.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top