HEIRESS IN DISGUISE Chapter 1


HEIRESS IN DISGUISE
Chapter 1
Ashanti POV
“Madali lang naman ang gagawin niyo rito. Hindi masyadong mabigat ang trabaho pero malaki ang pasahod. Palaging wala sila Madam kaya madalas na mag-isa lang dito si Sir Damian at tuwing weekend naman nandito ang mga pinsan niya,” paliwanag ni Linda. Tumango-tango si Mia at iniintindi ang bawat sinabi ng kaibigan niya. Habang ako naman ay inaaliw ang sarili sa magagandang furniture ng mansion. Siguradong pinaghahanap na ako ngayon.
“Miss, ito po ang uniform niyo.” Abot sa akin ni Mia ng isang plastic na may damit na kulay itim at puti. Nandito kami ngayon sa room namin. At naiirita na talaga ako sa paligid ko. Maliit lang ang kuwarto namin ni Mia and our bed is a double deck! OH MY GOODNESS!
My brows furrowed, “What is this?” tanong ko sa kaniya when it’s really damn obvious.
Mabigat na bumuntong hininga si Mia.
“Kailangan mo pong suotin ‘yan, miss.” mahinahon niyang sabi.
“NO WAY!” Umiling-iling ako at pilit na binabalik sa kaniya ang damit na para lang sa mga kasambahay.
I CANNOT BELIEVE THIS IS HAPPENING TO ME!
“Pero ma’am, kailangan niyo pong suotin yan.”
“Me? Will wear that fvcking thing? Are you serious, Mia?!” nangangalaiti kong sigaw nang pinilit niya pa sa’king ibigay ang damit.
“Miss–”
“NAKAKALIMUTAN...


MO NA BA KUNG SINO AKO?!”
I’m Ashanti Ainslee, one of the heiress in Chavez legacy! I can have whatever I wants, and do everything. TAPOS MAGIGING MAID LANG AKO?!
Napaatras siya at napayukong umiling nang makita ang reaksiyon ko.
Galit na galit ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ‘to! I just wanted to have fun and enjoy my life!
“Ayaw ko nito, Mia! A.YO.KO!” Nangilid ang luha ko.
Tumakas ako sa pamilya ko para hindi matuloy ang engagement ko. I don’t even know my suppose to be fiancΓ©e! Not even his name!
Hindi natuloy ang kasal ni ate Hera kaya ako naman ang gusto nilang ipakasal. Pero ayaw kong masira ang buhay! Hindi ko kilala ang taong pakakasalan ni ate dahil wala naman akong pakealam doon. And my sister seems like it too kaya akala ko OKAY NA! But it’s not! My sister is so broken! Umuwi siya sa amin ng luhaan and saying na hindi niya gustong magpakasal! She’s so lost in pain. I want to avenge her, but I don’t know who’s the fvcking guy hurts her! Ngayon, dumagdag pa ako sa kaniya!
“M-Mia… what’s happening to me? I-I don’t understand…” Tumulo ang luha ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top