“Salamat po sir”sambit nito at di na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa mga mata.
“Oh bakit naiyak ka?gulat na tanong ng kaharap.
“Masaya lang po ako,kasi makakabili na rin ako sa wakas ng gamot ng kuya ko”.wika nito habang pinupunasan ang mga pisngi.
Naawa sya sa batang kaharap.
“Ano nga ulit ang pangalan mo?pang uulit nya sa tanong nya kanina.
“Wahida Signe po”. magalang na sagot nito.
“Ah okey”
“Sige po mauna na ako butihing sir.Bibilhan ko pa po ng gamot ang kuya ko”pagdakay kumaripas na ito ng takbo ngunit napatigil din sa pagtakbo at humarap ulit
“Maraming salamat po ulit sa inyo”. tsaka mabilis na tinungo ang pharmacy.
Napangiti na lamang ang lalake habang tinatanaw ang batang pumasok sa loob ng pharmacy.
Pagkatapos ay sya naman ang pumasok sa kotse nito at tinahak ang landas patungong tunnel ng KingPaws Island.
“Why did you not tell me that you are allergic in lobters? galit nitong tanong ngunit mapapansin mo pa rin ang pag alala...