The desperate wife


The desperate wife
Author;binibiningEna
Teaser
Parang nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa dalawang taong magkaharap habang kumakain na kapwa sila nakangiti at masaya,hindi kona napigilan ang galit sa dibdib ko naglakad ako papasok ng restau
Lumapit ako sa mesa kung nasan sila kumakain. napatayo si xandrew ng magtama ang paningin namin. Mabilis kong kinuha ang baso na may laman na juice at walang sabing isinaboy sa babaeng kaharap kaharap nya
Napatili ang babae sa ginawa kong pagpapaligo ng malamig na juice sakanya na lumikha ng attensyon ng iba pang kumakain. Mahigpit akong hinawakan ni xandrew sa pulsuhan habang nanlilisik ang mga mata
Not here lyneth!”mahina nyang usal munit may diin
Bakit xandrew ayaw mo bang napapahiya ung babae mo!”hundi kona napigilan pang magtaas ng boses na lalong nagbigay attensyon sa lahat ng tao sa luob ng restaurant. Napapikit si xandrew sa galit
Umuwi na tayo!”pigil na galit nyang sabi at kinaladkad ako palabas ng restaurant walang tigil ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko hindi dahil sa nasasaktan ako sa paraan ng paghawak nya kundi nasasaktan ako dahil ang babaeng un ang nagpangiti at nakapagpatawa ulit sakanya. hindi ko matanggap
Padabog nyang binuksan ang pinto at sapilitan akong ipinasok sa luob padabog nyang isinara ang pinto bago umikot sa driver seat at paandarin ito. Halos paliparin nya ang kotse pauwi sa bahay
Nauna syang maglakad papasok habang inis na tinatanggal ang kurbata. Lumabas ako ng kotse at hinabol sya papasok ng bahay at ng maabutan ko sya ay hinawakan ko sya sa braso
Hanggang kailan moko balak lokohin xandrew!”sigaw ko
Nakita mona lyneth kaya wala nakong dahilan para itago pa sau na niloloko kita!”ganti nyang sigaw kaya sin*mpal ko sya
Sabihin mo bakit moko pinahihirapan ng ganito?!”naluluha kong tanong napatawa sya ng mapaet
Ambilis mong makalimot! Ikaw mismo ang pumat*y sa anak natin lyneth nakakalimutan mo naba?”xandrew
Napalunok ako
Matagal ng ngyari un bakit hindi nalang natin kalimutan! Paano mo mamahalin ang batang dugo palang ni hindi pa buo ang batang sinasabi mo!”sagot ko na lalong nakapagpadilim ng awra nya
Anong klase kang ina kung...


sarili mong anak ipinal*glag mo ng dahil lang sa lint*k na career nayan!”nanginginig sya sa g*lit habang lumuluha
Ilan ulit ko bang sasabihin na hindi ko sinasadya!”dipensa ko pero umiling sya
Napaka invalid ng reason mo para lokohin ako xandrew ginagawa mong reason ung pagkakamali ko na hindi ko naman sinadya!!”halos mamaos ako sa sobrang pagsigaw tumitig sya sakin ng malungkot
Wala na tayong pag asa lyneth e wala na”bagsak na balikat nyang sabi kaya mabilis ko syang hinawakan sa kamay pero tinabig nya ko
Magdivorce na tayo”walang reaction nyang sabi pero umiling ako ng paulit ulit
H-hindi pwedi ayoko xandrew mahal na mahal kita!”niyakap ko sya pero hindi sya gumagalaw mula sa pagkakayakap ko sakanya
Hanggang kelan natin papahirapan ung isat isa naghihilahan nalang tayo pababa at hindi na tayo makakaahon sa pagkakalaglag lyneth”xandrew
S-sinasabi mo lang yan kasi naguguluhan ka m-mahal mo parin ako xandrew nararamdaman ko”walang tigil ang luha ko sa pagbagsak pero hinawakan nya ang dalawang kamay kong nakakapit sa bewang nya at dahan dahan kinalas
Hindi nakita mahal puro g*lit nalang ung nararamdaman ko”tumingin sya sa mga mata ko ng walang reaction
Magsasama naba kayo ng babae mo kaya ka nakikipaghiw*lay sakin sabihin mo mas mahal mo na ba sya kesa sakin?!”inaantay ko ang sagot nya pero wala akong narinig na tugon
Bakit andali mo naman akong iwan xandrew bakit andali mong bumitaw nangako ka sakin nangako tayo sa isat isa e nanumpa tayo sa harap ng diyos na till death do us apart!”nanghihina na ang boses ko habang nagmamakaawa saknya
Im sorry p-pero hindi kuna matutupad un”pumihit nasya patalikod para umakyat sa taas kaya sinundan ko sya ng makita kong nag iimpake sya inagaw ko ang maleta at mga damit nya para pigilan sya pero naging matigas sya sa huli nagawa nyang ilagay lahat ng damit nya sa maleta
Xandrew parang awa mona wag mokong iwan!”makaawa ko at sinundan sya pababa
Pero wala syang balak makinig. Sumakay sya sa kotse at tuluyan ng umalis hinabol ko ang kotse nya pero biglang umulan napaupo ako sa madilim na kalsada at niyakap ang sarili





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top