THE DOCTOR’S OBSESSION.
K a b a n a t a 1
Alisha’s PoV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad rin ako napa pikit dahil sa nakaka silaw na liwanag na tumama sa mata ko.
Napangiwi pa ako ng medyo kumirot ang tagaliran ko.
Siguro naman hindi pa ako patay? Dahan-dahan ko ulit ang iminulat ang mga mata ko at do’n na tuluyan nag adjust ang paningin ko at napansin ko na nasa hospital ako.
Hindi ko alam kung sino ang nag dala sa’kin dito?
Kunot noo akong napa upo sa head board ng kama. Bigla ko nalang naalala ang mga trahedyang nangyari sa’kin.
Gusto ko lang naman maging malaya, mahirap bang ibigay ‘yun?
Napa iling nalang ako at pilit na iwinawaksi sa isipan ko ang nangyari sa’kin. Wala silang nagawa kundi manood lang sa nangyari sa anak nila.
Gusto kong mag wala dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ba hirap na hirap sila ibigay ang gusto ko? Gusto ko lang naman maging malaya. Sakal na sakal na ako sa kanila.
Napa tingala nalang ako ng maramdaman ko ang nagbabadyang luhang gusto ng kumawala.
Agad naman akong napatingin sa pinto ng marinig ko itong bumukas at kunot noo ko itong tinignan.
Ang seryoso nitong mukha at ang itim na itim nitong mga mata ay naka titig sa’kin.
Nawala naman ang pag kakunot ko jg mapansin ko ang suot n’ya.
‘Isang doctor.’
Inirapan ko lang ito para maka iwas sa titig n’ya.
Naramdaman kong lunapit ito sa’kin. “how are you?”
Napa baling ulit ang tingin ko sa kaniya at tinaasan s’ya ng kilay.
“I’m totally fine.” Umiwas agad ako sa mga titig n’ya.
Namayani ang katahimikan ng bigla ulit s’yang mag salita.
“Are you hungry?” Mabilis ulit akong napatingin sa kaniya.
Hindi ko alam na may ganito palang doctor? Mag tatanong kung gutom na ba ang pasyente nila?
Umiling ako bilang tugon. Pero ang bwiset na sikmura bigla nalang tumunog.
Napayuko naman ako dahil sa hiya. Narinig ko pa ang mahina n’yang tawa kaya inis ko s’yang tinignan.
“why are you laughing?” Inis na tanong ko dito. Parang gusto ko s’yang sakalin gamit ang stethoscope, kidding.
“nothing.”
Napa irap nalang ako sa kawalan.
“wait for me, I will buy your food.”
Gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit tumango ako?! Narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Napa buntong hininga nalang ako at mariin napa pikit.
At napa kunot ang noo ko dahil mukha agad ni doc ang nakita ko.
“what the h*ck!” Inis akong napa dilat.
Hindi ko tukoy maiwasan ang mag bigay ng malisya sa pamamaraan ng titig n’ya at sa pag tanong n’ya kung gutom na ba ako.
‘Assumera.’
Napapa iling nalang ako dahil sa iniisip ko.
Mabilis napabaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas ulit ito at iniluwal si doc. Hindi ko alam kung anong itatawag ko mas better siguro kung doc nalang alangan naman daddy ang itawag ko sa kaniya, char.
May hawak-hawak itong food tray. Gusto ko tuloy sabihin na ‘nag abala ka pa.’ Pero inunahan na ako ng hiya.
Nang makalapit ito sa’kin ay dahan-dahan n’yang inilapag ito sa harapan ko.
“T-thanks.” Napapikit pa ako...