“Goodmorning marsie!” Saad ng isang boses matanda mula sa likuran ni marsie
halos mapatalon sya sa sobrang gulat kaya bahagyang natapon ang soup na para kay raffy ,natapunan ang kaliwang kamay nya. Dahil mainit init pa ay halos masunog ang natapunang bahagi ng kanyang kamay “p-pasensya na ho manang natapon po tuloy.” Nakangiwi nyang sabi habang tinitiis ang hapdi ng napaso
“Goodmorning!!” Si ralp naman na bagong ligo ang bumungad sa paningin ni marsie at ng katulong na si annie
Lalong naalarma si marsie kaya nanginig ang mga kamay nya hanggang sa tuluyan nya iyung mabitawan ,bago pa bumagsak sa mga paa nya ang mainit na soup ay may malalaking braso na ang pumulupot sa bewang nya palayo kaya hindi sya natapunan ngunit nabasag ang bowl at natapon ang pinaghirapan nyang soup na resipe pa ni hailey “i-im sorry ho..” taranta nyang sabi at kaagad na kumawala kay ralp saka pinulot ang mga nagkalat na bubog
“Hija wag mong pulutin ,ako nalang..” alalang wika ni manang annie ngunit huli na
“Ouch…” malakas nyang daing ng mahagip ng matalim na bubog ang palad nya ,naramdaman nya ang mahigpit na paghawak ni ralp sa pulsuhan nya at pilit na pinatayu ,dinala sya nito sa fosit hinugasan nito ang kamay nya at walang babalang isinubo at sinipsip ang sugat nya doon “sir.. hindi nyu po kailangang gawin yan” pigil nya dito ,pinilit nyang hilain ang kanyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki doon kaya wala syang nagawa kundi hayaan nalang ito sa nais ,ng matapos ay muli nito iyung hinugasan saka sya niyo binitawan
“Sa susunod magiingat kana, wag ka basta basta namumulot lalo na kung mga basag na bagay..” bilin nito sakanya ,nahuli nya ang pagsipat ng mga mata nito sa suot nyang maid uniform at napatigil sa bandang hita nya “bakit maiksi ang ibinigay nyung uniform sakanya ,baguhin nyu ang size ,habaan dahil hindi magandang tignan..” galit nitong sambit kay annie ,kaya napamulagat sya dito ,ang suot nyang maid dress ay lampas tuhod nya ,ou ngat nakikita ng bahagya ang mga hita nya pero wala namang mali doon ,mabibilog at makikinis ang mga legs nya kaya tingin nya ay walang mali sa suot nya..
“Eh sir ,ok naman po sakanya ,saka yan na po ang pinaka mahabang maid dress ,bagay na bagay naman po kay marsie—”
“Mas habaan nyu pa ,magpatahi o magpasadya kayu kung kinakailangan.. makita kupang ganyan kaiksi ang suot nya mayayari kayung lahat saakin..” masungit nitong wika bago sya uli nito pinasadahan ng tingin at saka tuluyang iniwan
“Naku po!!” Rinig nyang sabi ng matanda
“Manang annie ..pangit puba legs ko?” Di nya maiwasang itanong sa matanda
“Hindi hija.. alam mubang lumabas ang ganda mo dyan sa suot mo ,kahit pang maid yang damit na yan nagmukhang maganda dahil suot mo ,bagay na bagay nga sayu eh ewan kuba kay sir kung bakit ganoon ang reaction..” di makapaniwalang saad nito sakanya..
Nagpresinta syang linisin ang kalat na bubog ngunit mariin sya nitong pinagbawalan kaya hinayaan na lamang nya ito na sya nang gumawa ng paglilinis ,muli syang nagsalang ng mga kailangan at muling nagluto ng paboritong soup ni raffy ,mga pinagsama samang gulay at iba pang healty ingredients na maganda para sa bata ang niluto nya.. ng matapos maihanda ay mabilis na nyang tinungo ang silid nila ni raffy ,naghintay pa sya ng ilang minuto bago magising ang mahal nyang alaga ,pinaliguan nya ito bago inilabas sa sala kung saan naroon ang naghihintay nitong pagkain ,kasalukuyan nyang pinapakain si raffy ng biglang...