Change Of The Martyr Nerd CHAPTER I


⟨— Micheles Magdaline’s PoV —⟩
Malamig na hangin ang sumalubong sa’kin ng makababa ng eroplano. Susunduin ako ni Daddy ngayon kaya naupo muna ako sa isang bench upang hintayin si dad.
It’s been 5 years simula ng mag-migrate ako sa states at masasabi kong marami na ang nag-iba.
Maraming nabago dito palang sa airport. Hindi ko narin makilala kung sino sino ang mga empleyado dito.
“Micheles!” napalingon ako kay Darwin at tumayo saka sinalubong siya.
“Akala ko ba si dad ang susundo sa’kin? Ba’t mukha mo ang nagkita ko?”bungad ko na tinawanan ni Darwin.
“May importanteng lakad daw si tito kaya hindi ka masusundo. Ayaw mo nun? Gwapo ang sumundo sayo?”
“Patingin ‘san banda?” asar ko at nauna ng pumasok sa kotse niya.
“Hindi ka parin talaga nagbabago, palagi mo parin akong inaasar.”
Nagmaneho na kami pauwi sa mansyon. Si Darwin panay ang kwento pero hindi ko na pinakinggan masyadong nakakapagod ang biyahe. Hindi pa ako nakapag-agahan dahil sa sinunod ko ang sinabi ni dad.
Pumapayat na raw ako kaya mag-diet diet din minsan. Alam ko namang hindi iyon ang totoong dahilan ni dad kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya.
“Welcome back nga pala, Micheles. Finally after five years naka-uwi ka narin. Akala ko doon ka na talaga sa states maninirahan.” biglang sabi niya.
“Bakit naman? Kahit saan pa ako dalhin at kahit anong ganda man ng lugar na mapuntahan ko, hinding hindi ko parin ipagpapalit ang Pilipinas noh.” kapwa kami natawa.
Tumigil saglit ang kotse ni Darwin sa labas ng malapad na gate pero agad din umandar ng pagbuksan kami ng guards.
“Balita ko, may ihahandang party si tito para sayo. Update mo ako ,kailangan nandoon ako mismo.” sabi na naman niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
“Oo naman no. Ikaw pa. Aayain kita.” sagot ko at bumaba na ng kotse.
“See you around.” paalam niya at sumaludo pa.
“Hindi ka muna papasok? Coffe or juice?” aya ko pa.
“Huwag na. May pupuntahan pa ako e. Importante lang.” tugon niya habang papasok ng kotse.
“Sige ikaw ang bahala.” sabi ko nalang at kumaway bago siya tuluyang umalis.
“Handa na po ang bath-tub ,young lady. May nakahain narin po sa mesa.” ani ng isa sa mga maid namin na nakahilera sa gilid ng main door.
“Okay. Where is daddy?” tanong ko.
“May appointment po siya kaya hindi siya makakasabay sa agahan pero siya po ang nagluto ng pagkain.”
Ngumiti lang ako bago umakyat sa sariling kwarto.
Gano’n parin, walang pinagbago. Mula sa kama hanggang sa closet. Walang pinagkaiba.
Naghanap ako ng komportableng damit bago bumaba at nagpunta sa kusina.
Mukhang pinaghandaan talaga ‘to ni dad dahil lahat ng nakahain sa mesa ay paborito ko.
Kumain na ako since masyado akong nagutom pagkatapos ay tinawagan si Darwin pero hindi siya sumasagot. Nakalimutan kong may importanteng lakad nga pala siya.
Lokong iyon hindi man lang nagsabi kung ano ang bagay na iyon.
Bumalik nalang ako sa kwarto at nag-brows sa laptop ko.
Masalukuyan akong nagbabasa ng article ng kumatok ang isang maid.
“Young lady, si Master po nasa telepono. Gusto kayong maka-usap.” medyo pasigaw na tawag niya.
“I’m coming!” tugon ko at iniligpit ang laptop ko saka bumaba.
“Akin na.” agad naman ibinigay sa’kin ng maid at yumuko ito bago umalis sa harapan ko.
“Hello, dad? Why?”
“Hello, sweetheart. Pasensiya ka na kung hindi kita nasundo kanina. May ginawa lang ako. By the way i need you to the company right now. Bilisan mo.” ibinaba na ka-agad niya ang tawag.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod. Bumalik ulit ako sa kwarto at nagpalit ng formal attire.
Pink floral dress nalang at doll-shoes. Nag-apply din ako ng kwunting make-up at lipgloss at hinayaan ang buhok ko na nakalugay. Dinala ko nalang rin ang floral kong shoulder bag.
Hindi na ako nag-abala pang magsabi sa mga maid kung saan ako pupunta dahil sa company...


lang rin naman ang punta ko.
“Kadarating lang po ng bagong kotse niyo, Young lady. Pinabili ng daddy niyo sa Lastimos International Car Station.”
“Okay.” itinuro ni Mang Ben ang kulay itim na bagong kotse.
Mamahalin nga ang ganitong kotse. Sa susunod bibili ako ng bagong duacati motor. Gusto ko kasing sumali sa racing competition.
Gamit ang bago kong kotse ay nakadating ka-agad ako sa Magdalines Flower Corporation. Bumaba ka-agad ako at pumasok sa loob.
“Manong, where is dad?” busy sa pagse-cellphone si Manong kaya hindi niya ako napansin. Inulit ko pa anh tanong ko pero wala man lang siyang isinagot at ng sa wakas ay tumayo siya. Akala ko magsasalita siya pero naglakad siya palayo.
Seryoso? Anong anong problema niyo manong?
Naghanap nalang ako ng pwedeng pagtanungan ngunit lahat ng pupuntahan ko palang ay lumalayo na. Ano bang meron? Mabaho ba ako?
Nagpunta nalang ako ng elevator at nagpahatid sa first floor. Ang tanga ko naman kasi. Baka nasa-office lang si dad sa last floor.
⟨— Xendrake Mastifalco’s PoV —⟩
“Come on, Ckian, ngayon lang ‘to ,Pare. Samahan mo na ako!” Pamimilit ni Jushwu kay Ckian na busy sa pag-titipa sa laptop nito.
Kanina pa ‘tong si Jushwu. Gusto kasi itong maka-usap ng daddy niya ang kaso takot kay Tito Samuel si Ckian. Napaka-stict naman kasi at pakiramdam laging nasa tama.
Nandito kami ngayon sa pad ni Ethan na busy sa pagluluto. Chef kasi kaya siya pinagluto namin. Habang si Faick at Loydhxil naman ay busy sa paglalaro ng video games. Hindi na ako magtataka kung magrambulan ang mga iyan.
At ako? Syempre ano pa ba?
“Xendrake, huwag mo kaming isali sa video mo!” sigaw ni Faick at halata sa mukha ang pagkairita.
“So ,ayun nga guys. Si Mr. Faick Lastimos pikon na dahil talo sa domino. Belatan niyo nga.” sabi ko sa harap ng camera. Nag-b-blog ako ngayon at ivivideo ko sila.
“Sige na, Ckian. Bayaran kita gusto mo?”
“At ano naman ang matitinong ibabayad mo? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Iyan si Ckian ang mandurigas sa’ming anim.
“Faick,ano ba iyan? Wala ka parin talagang laban sa’kin e. Akin na iyong pad mo for one week! Yuhooo!” sigaw pa ni Loydhxil ng manalo.
“Bw*sit! Bakit palagi kang nanalo? Siguro nandadaya ka no? Ano?” ayan na naman sila..
Lumabas nalang ako ng pad at bumaba sa ground floor. Pinatay ko a narin muna ang camera. Mamaya ko na i-cocontinue ang pag-b-blog.
Pumasok ako ng mini market para sana bumili ng isang pack ng buble gum na pintura ng may makabanggga ako.
“Ano ba? Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaanan mo?” inis na wika ng lalaking nakabanggaan ko habang pinupulot ang mga de-latas na inumin na inorder niya.
“Pasensiya ka na ,pare. Babawi nalang ako.” sabay kaming tumayo at parang gusto kong itapon sa pagmumukha niya ang mga pinamulot ko.
“Mastifaco? Sa dami dami ba namang pwedeng maging lugar dito pa? Wala ka talagang pinipiling lugar noh?”” inis na sabi niya.
“Dami mong sat-sat! O iyan kunin mo iyang pinamili mo.” sabi ko at medyo pahagis na ibinigay sa kaniya ang mga hawak ko.
Alam ko na naman kasi ang pupuntahan ng usapan namin. Ipapamukha niya na naman sa akin kung gaano ako ka-g*go ng saktan ko si Micheles. Hindi ko naman intensiyon na saktan siya.
Nakalimutan ko lang talaga sa sinsitibo pala si Micheles sa mga ganoong eksena. Hindi ko talaga siya sinundan ng gabing iyon dahil ang akala ko uuwi lang siya pero huli na ng malaman kung umalis ka-agad siya ng Pilipinas and until now wala parin akong balita sa kaniya.
Nagtataka rin ako kung paano siya nakalabas ka-agad ng Pilipinas samantalang wala naman siyang pera. Siguro tinulungan ni Darwin. Tsk. Magsama silang dalawa.
Papaliko na sana ako sa isang corner pero sa sobrang lutang ko ay may nakabangga na naman ako and this time babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top