Fathers and son Part 13


Ang ilang araw sana na pananatili ni Rodney sa bahay ni Larry,ay sinundan pa ng maraming araw. Tila wala na yatang balak na umalis ang kaaway ni Larry noon.
” Kumain ka ,Viel.” Alok ni Rodney sa bata na kakagising lang ng umagang iyon.
” Salamat po,papa Rodney.”
“Ang sarap namang pakinggan non..” halata sa mukha ng lalaki ang malawak nyang ngiti nang marinig ang katagang papa. ” Halika. Maupo ka na. ”
” Gising na ba si Papa Larry?” Tanong ni Viel nang maalala si Larry.
” Gising na yata. Hindi ko alam kung nasaan na.”
Saktong namang paparating si Larry.
” Nandito ako ,anak. Pinlantsa ko na ang uniform mo para sa pagpasok mo mamaya sa school,maayos tingnan.”
” Salamat po. Kain ka na rin po,papa.”
Umupo si Larry sa tabi niya.
” Yung plato ko?” Tanong niya kay Rodney.
” Ha? Kumuha ka doon.”
” Ikuha mo ko.” Utos nito.
” Ano ka? Wala ka bang kamay para ako pa ang kumuha para sayo?”
” Oy!oy! Naghanda ka na lang ng pagkain bakit hindi ka pa naglagay ng mga plato?”
” Aba!….Larry ,ha! Hindi ako utusan rito.”
” Kanino bang bahay to?”
” Sa…sa iyo.”
” Eh,ganoon naman pala.”
Maagang maaga nagbabangayan na naman silang dalawa sa harap pa mismo ni Viel. Hindi pa sana sila titigil kung hindi mismo si Viel ang kumuha ng plato.
” Pasensya na po ,papa. Nakalimutan kong maghanda ng mga plato. Ako naman po kasi ang gumagawa non.” Sabi nito na siyang ikinatahimik ng dalawang papa na niya.
” Tingnan mo….” Inis ni Larry kay Rodney.” Ok lang iyon anak. Salamat.”
Pagkalipas ng isat kalahating oras,handa na si Viel para pumasok. Nakapasok siyang muli sa school matapos ng ilang araw na pagkawala.
” Teka lang…” Pinigilan ni Larry ang anak saglit.” Ayusin ko muna yong uniform mo.”
” Oh! Viel! Yung baon mo! Heto pera. Bumili ka ng kahit anong gusto mo sa school.” Inilabas ni Rodney ang pitaka niya na hindi man lang nawala kahit napasok sila sa gulo nong nakaraang mga araw. Kahit sa hospital ay nasa kanya lang ito.
” Ikaw..bakit hindi mo sinabing may pera ka pala. Yan sana ang ipinambayad ko nong na hospital ka.” Wika ni Larry nang makita ang pera ni Rodney.
Ngumgiti lang si Rodney sa kanya na tila iniinis siya.
” Heto… Para sayo yan.” Binigay ni Rodney kay Viel ang pera. ” Manlibre ka kung gusto mo.”
” Sandali. Hindi kailangan ng pera ni Viel. Batang bata pa niya para humawak ng malaking pera.” Saway ni Larry kay Rodney.” Baka masanay yan,hihingi ng madalas iyan. Buti sana parati akong may pera. Alam mo naman ang trabaho ko.”
” Larry …hindi ganoon ang anak mo. At saka…..pa minsan minsan lang naman. Huwag ka na ring mag alala sa gagastusin niya. Tutulungan na kita mula ngayon.” Hayag nito.
” Baka nakakalimutan mong parahas lang yung trabaho natin,Rodney.”
” Baka rin nakakalimutan mo na may panahon pa para magbago tayo. Alang alang sa anak mo na anak ko na rin.”
” Mga papa….baka nakakalimutan nyo rin po na may pasok po ako at baka mahuhuli.” Sabat naman ni Viel.
” Oo nga pala. Halika na. Alis na kami. ”
” Sige,Larry. Ingat kayo. Talasan mo yang mga mata mo baka nasa tabi tabi lang si Chairman. ” Papaalala nito.
“Sige.”
Inihatid ni Larry si Viel sa school. Nakaramdam naman ng kasiyahan si Viel dahil papasok na siya ulit.
” Maligayang pagbabalik sa pagpasok,Viel.” Bati ni Yssa sa kanya na nasa pintuan na nakatayo.
” Salamat po at tinanggap nyo po akong muli,maam.”
” Syempre naman! Malakas ka sakin.”
” Ehermm…si Viel lang ba malakas sayo?” Hirit ni Larry.
” Anong ibig mong sabihin,Larry?” Parang inosente namang...


tanong ni Yssa.
” Ah…wala yon. Salamat ulit sayo.”
Pumasok na sina titser Yssa at Viel sa room. Magsisimula na ang klase nila. Habang si Larry naman ay naka upo sa bench na nasa ilalim ng puno. Maghihintay na naman siya ng ilang oras.
Pero hindi pa man uminit ang pwet niya sa upuan,tumayo siya ulit. Bigla kasi niyang naalala ang regalong ibibigay niya sana kay Yssa. Sa kabila ng pagpapakipot nito ay nagpasya pa rin siyang ipursige ang nararamdaman niya sa babae. Maghihintay siya hanggang handa na ulit itong magmahal.
Lumapit siya sa bintana ng kwarto. Tumitingin kay Yssa habang nagsasalita sa harap. Parang hindi naman mapakali si Yssa kaya nilapitan niya si Larry.
” Pasensya ka na. Naantala ko yung pagtuturo mo. Magpapaalam lang sana ako. Kung pwede pakisabi kay Viel,uuwi lang ako saglit. Babalik din naman. May kukunin lang ako.” Paliwanag nito.
” Mm..sige. mag iingat ka. ”
” Salamat. ”
Tuwang tuwa naman si Larry nang makaalis. Tinakbo nya ang daan patungong bahay niya para mabilis makarating. Malapit lang naman ang distansya ng bahay nila sa school.
” Rodney!” Tawag niya pero hindi siya sinasagot. Diretso na lamang siyang pumasok sa bahay niya.
Pagkapasok niya ay nabigla siya nang makitang nakagapos si Rodney at nakatali pa. Tinakpan ang kanyang bibig.
” Rodney?!”
” Mmm…mmm….” Tanging mga katagang ito lamang ang maisasambit ni Rodney. Hirap siyang magsalita dahil sa takip sa kanyang bibig.
Nilapitan ni Larry si Rodney. Tinangkang hubaran ng mga tali.
” Sinong may gawa nito sayo?” Tanong ni Larry kahit na hindi rin naman siya makakuha ng sagot mula kay Rodney.
Hindi nagpatumpik tumpik si Larry. Hindi man lang niya tiningnan ang buong paligid bago man lang tulungan si Rodney. Kaya sa kanyang pagtulong, may isang lalaki ang tumapik sa likod niya at hinampas siya ng malaking kaldero.
” Lee…..?” Aniya. Humarap sa lalaking nasa likuran lang pala niya saka dahan dahang dumilim ang kanyang paligid at bumagsak sa sahig.
” Dapat lang yan sayo,Larry. Kasalanan mo rin naman. Matulog ka na muna. Saka na ang paliwanagan. Marami akong gustong itanong sayo.” Tiim bagang na hayag ni Lee. Ang tunay na ama ni Viel.
Samantala,sa paaralan ni Viel. Recess nun at abala ang lahat. Kumain ng kani kanilang pagkain.
” Viel,tapos ka na bang kumain?”
” Opo,maam.”
” Ganoon ba? Mabuti naman. Bakit kaya wala pa ang papa mo? Sabi niya,babalik din siya agad.”
” Ok lang po yun,maam. Nandito naman po kayo.”
” Sige. ”
Naging abala rin si Titser Yssa sa kanyang mesa dahil may tinatapos na lesson plan niya. Maya maya,may biglang tumawag sa kanyang telepono.
” Hello…ngayon na ba?” Sagot niya sa kabilang linya.” O ,sige. Magpapaalam lang ako sa mga bata.” Sabi niya saka ibinaba na ang telepono.
Tumayo siya at humarap sa mga batang nabibilang sa kanyang klase.
” Aalis ako saglit. Huwag kayong aalis dito. Manatili lang sa loob ng room,maliwanag?”
” Opo…” Sabay sabay na sagot ng mga ito.
” Viel…sandali lang ako. May kukunin lang akong mahalaga sa faculty.”
” Opo ,maam.”
” Dito ka lang sa loob maghintay sa papa mo. Huwag lalabas…”
” Opo…” sinabayan pa ng tango ni Viel.
Tumalikod na si Yssa at mabilis na iniwan ang mga bata. Nagmamadali pa siya para makabalik agad.
Hindi rin naman nagtagal si Yssa sa faculty. Bumalik siya agad sa room para naman hindi magiging magulo ang mga estudyante.
Magsisimula na sana ang klase niya nang biglang nakaramdam siya ng kaba. At parang may kulang sa klase niya.
” Si Viel? Nasaan si Viel? Dumating na ba papa niya?” Walang tigil na tanong ni Yssa sa mga batang nasa loob ng room.
Pero lahat ng mga ito ay pawang walang alam na sagot.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top