The Broken Wife Chapter 27


Serenity
Nang araw na iyon ay mabilis ang aming mga galaw at saka isinakay lahat ni Ryker ang aming mga gamit sa aming mga sasakyan. Iyong sasakyan ko ay hinire niya si Kuya Robert na maging driver ng isang sasakyan kung saan naroon sina Linda at Maria. Sobrang bilis ng mga pangyayari at pati sila Linda ay hindi na alam kung ano ang mga nangyayari. Si Ryleigh na nagpapahinga ay binuhat ko na rin at saka isinakay sa aming sasakyan.
“Daddy, where are we going?” tanong ni Ryder at saka hinaplos ang kanyang pisngi.
“Daddy wants to have a vacation somewhere,” sagot ko kay Ryder at pumalakpak siya sa kanyang nalaman not knowing that our lives might be in danger.
Napatingin ako kay Ryker at makahulugan kaming nagtinginan sa isa’t isa. Mabilis kaming lumabas ng aming bahay at hindi na muna namin pinaalam sa aming mga magulang ang aming pag-alis. Ayaw kasi namin na mag-alala sila kaya wala na muna kaming pinagsabihan nito. Hindi ko alam kung kailan kami babalik dahil hindi pa namin nalulutas kung sino ang gustong maglagay sa amin sa panganib.
Nang makalayo na kami sa aming bahay ay pagtingin ko sa aking orasan ay malapit nang mag-alas dose. Napalingon ako sa aking likuran at tinignan kung nakasunod ba sa amin sila Linda na gamit ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil pagkatapos na makausap ni Ryker ang kung sino sa telepono ay agad na lang siyang magtawag na aalis kami.
Paglipas ng ilang oras ay nakita kong nakatulog na sila Ryder sa aking likuran at medyo pagabi na rin. Puro puno rin ang nakikita ko na nakapalibot sa amin at wala akong makita ni isang bahay. Paakyat ang daan at sa harapan namin ay may isang lumang bahay na may gate at agad na may nagbukas dito na isang lalaki saka kami pinapasok. Bumusina si Ryker sa kanya na aking ipinagtaka at naisip ko na maaaring ito iyong lalaking kausap niya kanina.
Pagdating namin sa nasabing lumang bahay ay agad akong pinababa ni Ryker kaya ginising ko ang mga bata. Paglabas namin ng kotse ay buhat ko si Ryleigh at napalibot ang aking tingin sa kabuuan ng bahay. Mukha siyang bahay noong unang panahon pa at medyo may kalakihan din ito at siguro ay mga dalawang palapag ito. Napatingin ako kay Ryker nang siya ang naunang pumasok kasama ang lalaking nagbukas sa amin ng gate.
“Pasok kayo. Ryker kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah? Sino ba ang mga ito?” tanong ng lalaki kay Ryker.
“Mark, I want you to meet my family. This is my wife and my twins.” Pakilala sa amin ni Ryker sabay napangiti naman ako. “He’s name is Mark, and he’s my childhood friend.”
“Pasok kayo. Pasensya na kung mukhang luma itong bahay dahil hindi na rin kasi nagbabakasyon si Ryker dito. Ginawa niya akong caretaker nitong bahay simula nang maaksidente ako at para may pagkakitaan ako ay binabayaran niya ako buwan-buwan para panatilihing malinis ang bahay niya,” paliwanag ni Mark.
“This house is yours?” tanong ko kay Ryker at tumango naman siya.
Pumasok na kami sa bahay at namangha sa linis at ganda ng bahay. Sa labas ay mukha siyang haunted house at sigurado akong ayaw ng mga taong pumasok pero sa loob pala ay modernize ang mga gamit dito. Natuwa ako at gano’n din sina Ryder kaya naman parang nawala ang kaba...


ng kambal at agad na napatingin sa akin.
“Go on. Huwag lang kayong masyadong lalayo at baka mawala kayo. Hindi pa nating kabisado ang bahay na ito okay?” Tumango naman silang dalawa at sabay na tumakbo pataas ng hagdan habang nagtatawanan. Pinasundan ko na lang silang dalawa kay Maria para sigurado.
Sila Kuya Robert naman ang siyang naglabas ng mga gamit namin sa kotse at agad naman na itinuro ni Mark kung saan ang mga kwarto. Hinila ako ni Ryker at saka pumunta kami sa mismong veranda ng bahay niya. Natuwa ako sa ganda ng tanawin dito dahi puro puno ang nakapaligid sa amin. Wala akong makita ni isang bahay na kalapit namin kaya naman kami lang ang nandito. Sa likod ng bahay ni Ryker ay may malawak pa lang swimming pool na pwedeng maglaro ang mga bata roon. Habang nakatingin ako sa buong kapaligiran ng lugar ay nagsimulang magsalita si Ryker.
“Did you like the place?” tanong niya sa akin at tumango naman ako.
“Oo pero kailan mo binili ang bahay na ito?” tanong ko sa kanya at napatingin siya sa malayo sabay sumandal sa may veranda at huminga ng malalim.
“I bought this house because of Laila.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “I bought this house to run away from her before. Hindi niya alam ang tungkol sa bahay na ito dahil hindi ko sinabi noon sa kanya.”
“Ryker? Ano mo ba si Laila? Bakit sinabi niya na ex-fiancee mo siya noon? How did the two of you meet?” Iyang ang ilan sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan simula nang makilala ko si Laila.
Napatingin siya sa akin sabay kinuha ang aking dalawang kamay at saka hinalikan ito. Yinakap niya ako ng sobrang higpit na aking ipinagtaka ng sobra. Para na siyang maiiyak sa inaakto niya pero kasabay nito ay ramdam ko rin ang sobrang pag-aalala at takot niya.
“Ito ang isang parte ng aking buhay na ayaw kong malaman mo dahil ayaw ko na itong balikan pa kahit kailan. Pero sabi nga nila ay walang sikreto ang hindi lalabas at kahit ano’ng gawin mo na itago ito ay lalabas at lalabas ito sa kahit anong paraan. Sa totoo lang ay ayoko na sanang balikan din ang bahay na ito dahil ayaw ko nang magtago pero hindi ko bukod akalain na ito rin pala ang mangyayari ngayon na may pamilya na ako.” Naapatitig ako sa kanyang mukha at alam ko na mabigat sa kanya ang bumalik sa lugar na ito.
“Ryker? Kung hindi mo pa kayang sabihin ang tungkol kay Laila ay huwag mo na munang pilitin ang sarili mo.” Umiling siya at napapikit ng mariin.
“I need to tell you everything because if not, I don’t know how you are going to be safe.” Napalunok ako at gano’n na lang ang kaba ko nang sabihin niya iyon. “But please promise me that you will never leave me after I tell you everything.”
Tumango naman ako at saka hinaplos ang kanyang mukha. “I promise. Pinangako ko sa iyo ‘di ba na hindi kita iiwan kahit ano’ng mangyari?”
Huminga siya ng malalim at saka hinila niya ako na umupo sa bench na nasa veranda. Malayo ang kanyang tingin habang hawak kamay kaming nakaupo sa bench. Nakatingin naman ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Humugot ulit siya ng hangin bago siya napatingin sa akin at nagsimulang magsalita.
-Cliffhanger. 😂 –






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top