*2U* Chapter 15


(Tanya POV)
+ maliwanag na ang araw at mahimbing parin ang tulog ni Syto. Bumaba nako para magluto at maligo. Hinintay ko na lang syang magising para kumain, naupo muna ako sa sala at nagkape ng mag ring ang phone ko, unknown number, sinagot ko.
= Tanya.
+ malaki ang boses ng nagsalita.
= kamusta?
+ hindi ko makilala ang boses.
Tanya- sino ka?
+ biglang tumawa ito sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako ng may humablot sa cellphone ko.
Tanya- Syto?
Syto- diba sabi ko sayo, pag may tumawag sayong di mo kilala wag mong sagutin.
Tanya- pero
Syto- hindi ka papasok ng trabaho ngayun. Dito ka lang.
Tanya- hindi pwede yun, okay nako kaya ko.
Syto- wag kang makulit. Pakikiusapan ko muna si Tessie na samahan ka. Ayokong lalabas ka ng bahay. Pag may kaylangan ka tawagan moko.
Tanya- Syto!!
+ napatigil sya.
Tanya- pwede ba? Wag mokong ituring na pasyente, kaya ko at kung nag aalala ka na baka may mangyare saking masama sa labas, mas natatakot akong maiwan dito at hindi ka kasama.
+ tinitigan nya lang ako.
Tanya- hindi mo nako sunod sunuran sayo gaya ng dati dahil Girlfriend moko. At kung poprotektahan moko poprotektahan din kita.
+ bumuntong hininga na lang sya.
Tanya- malapit na ang concert nyo, marami pakong dapat asikasuhin. Halika na kumain na tayo.
+ at hindi na nga sya nagreklamo pa. (fast forward) busy ang lahat dahil sa midyear concert. Nakasubaybay lang ako kay Syto, napakarami naming gawain ni Nathan.
Nathan- uhmm Maam Tanya?
Tanya- hm?
Nathan- gusto nyo po ng kape? Ikukuha kita
Tanya- alam mo samahan na lang kita ng makatayo na rin muna ako dito sa upuan ko.
Nathan- sige po.
+ nagpunta muna kami sa kitchen ng company para magtimpla ng kape.
Nathan- hayy sana maging success yung concert.
Tanya- kaya nga eh. Matagal na kasi nilang pangarap to.
Nathan- sana maging okay talaga para worth it lahat ang pagod natin.
Jim- oh aba may coffee mates pala ako dito eh.
+ bigla na lang dumating si jim na alam kong magkakape din.
Nathan- kape na Sir. Pagtimpla na kita.
Jim- naku hindi na ako na bahala.
Nathan- ahh sige po. Maam pa cafeteria lang ako bibili ng makakain natin.
Tanya- sige salaamat.
+ lumabas na nga si Nathan.
Jim- mukang nagiging close na kayo ni Nathan ah.
tanya- di moko masisisi, napakasipag at bait nya
Jim- sabagay, bihira sa mga bagong empleyado ang magaling makisama tulad nya.
+ tumango na lang ako.
Tanya- kamusta nga pala ensayo nyo?
Jim- Ay bago ko makalimutan, pinabibigay nga pala ni Syto.
+ ibinigay nya sakin ang isang ID na nakapangalan sakin.
Jim- hayy san mo ba kasi nahulog yung ID mo? Pinaggawa ka na nya.
+ napangiti na lang ako.
Tanya- salamat. Pakisabi narin sa kanya salamat.
Jim- hayss inlab na inlab kayo no?
Tanya- haha baliw.
Jim- pano balik muna ako dun, mas masarap to inumin pag nakikinig sa music eh.
+ lalabas na sana sya ng may naalala ako
Tanya- Jim..
Jim- hm?
Tanya- may gusto lang sana akong tanungin, kung okay lang?
Jim- oo naman. Ano ba yun?
Tanya- uhmm, napansin ko kasi na parang kilala nyo rin yung Chris.
Jim- ahh
Tanya- may alam ka ba dun sa hinahanap nya?
Jim- hmm di ko kasi alam kung tama bang sakin manggagaling eh. Ayaw ka kasing madamay ni Syto.
Tanya- nagaalala kasi ako baka makatulong pako.
Jim- siguro dapat mo rin talagang malaman.
+ sumandal sya habang ako nakaharap sa kanya, handa nakong malaman kung ano man yun.
Jim- Si Syto kasi, may isang babae ng minahal ng sobra dati, si Clarise, mayaman si Clarise dati syang model na dito rin nagtatrabaho sa company.
Tanya- ano namang kinalaman ni Chris?
Jim- kapatid ni Clarise si Chris.
+ medyo nagulat ako dun.
Tanya- kung ganun bakit hinahabol sya ni Chris?
Jim- sobra ding minahal ni Clarise si Syto. Kahit kelan hindi nagkasundo si Clarise at Chris dahil paborito si Clarise ng kanilang ama, lahat ibinibigay sa kanya, kahit ang bagay na matagal ng iniingatan ng ninuno pa nila. Yung gintong singsing
+ singsing?
Jim- bukod sa napakalaki ng halaga nito, naniniwala din ang pamilya nila na ito ang dahilan ng tagumpay ng mga negosyo nila. Pinangarap ni Chris na sa kanya mapunta yon, pero kay Clarise ibinigay. Kung di ako nagkakamali ang bahay nyo ngayun ang naging sikretong tagpuan nila. Hanggang isang gabi napansin ni Syto na balisa si Clarise, nagpupumilit umalis, pero bago sya umalis ibinigay nya kay kuya ang singsing. Simula ng gabing umalis si Clarise hindi na sya ulit nakita. Isang araw nabalitaan na lang namin na ililibing na sya. Halos magwala si Syto kahit kami hindi namin alam ang gagawin sa kanya. Ng malaman ni Chris na nakay Syto ang singsing hindi na sya tinigilan nito. Pero sa sobrang sakit buong gabing naglasing si Syto at naiwala nya ang singsing.
+ hindi ako makapag salita. Ganun pala kahalaga ang singsing na yun.
Jim- kaya ngayun gusto man nyang ibalik yon at matapos na lahat wala syang magawa at wala na ring babalik sa kanya.
+ tumingin sya sakin ng diretso.
Jim- kung tama ako. Ayaw na ayaw nyang umaalis ang babaeng mahal nya ngayun, kulang na lang ikulong ka nya sa loob ng bahay maghapon o magdamag.
+ tama sya, ganun na nga sya sakin. Wala akong masabi.
Jim- sa totoo lang dalawa lang kaming nakakaalam ng bagay nato, si Sir at ako. Kaya nung malaman ko na gusto sya ni Myel, gumawa agad ako ng paraan para pigilan yon, dahil alam kong hindi nya kakayaning ihandle si Syto.
+ kung iisipin lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ni Syto, ay hindi nga maikukumpara sa simpleng pagsubok lang bago kami umabot sa ganto.
Jim- nagulat na nga lang kami nung ipakilala ka nya. Nung una naaawa ako sayo, pero habang tumatagal, parang nagbabago sya kaya hindi na kami...


masyadong nag react.
+ hindi ko na nainom ang kape ko dahil sa mga nalaman ko. Napaka misteryoso parin talaga ni Syto, pero natutuwa ako na may nalaman ako kahit kaunti.
Jim- malamig na yang kape mo. Inumin mo na, babalik nako dun
Tanya- s-salamat Jim ha.
Jim- no worries.
+ nginitian nya ko at lumabas na. Napabuntong hininga na lang ako. At kinuha ang singsing sa bulsa ko.
Tanya- ikaw lang pala ang dahilan ng lahat ng to.
+ maya maya dumating na si Nathan at niyakag nya nakong bumalik sa office. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung pano ko matutulungan si Syto. Pero gusto ko ng matapos to. Hindi ko na muna sinabi kay Syto na nasa akin ang singsing, ayokong mag alala sya. Kung ibibigay ko kasi sa kanya at ibalik nya kay Chris, hindi ako sigurado kung may gagawin silang hindi maganda sa kanya. Itinago ko lang yun hanggang sa umabot na kami sa Midyear concert. Abalang abala ang lahat sa pag seset up ng stage at iba pa. Ako naman inaasikaso ang listahan ng VIP’s kanina ko pa hindi nakikita si Syto, san naman napunta yun.
Tanya- Myel? Nakita mo ba si Syto?
Myel- nope nandyan lang yun.
Lander- Tanya? Nakita mo ba yung id ko, galing ka sa recording room kanina diba?
Tanya- hindi eh. Ako na lang hahanap balikan ko dun okay.
Lander- talaga? Sige slamat ha.
Tanya- okay.
+ nagmadali nako pabalik don, baka sakaling nandon din si Syto. At di nga ako nagkakamali nandun sya nakaupo lang at nakikinig ng music. Lumuhod na lang ako sa harap nya dahil di din naman nyako maririnig dahil sa earphone. Medyo nagulat sya kaya nginitian ko sya.
Tanya- galingan mo.
Syto- ha?
+ aakmang tatanggalin nya sana ang earphone pero pinigilan ko at hinalikan sya sa noo. Tumayo nako at kinuha ang id ni Lander bago sumenyas na lalabas nako, alam kong kahit papa ano kinakabahan din sya. Bumalik nko sa set at ayos na halos lahat. Nagsimula ng magsidatingan ang mga mga manonood, nakakatuwa kasi maraming kabataan ang may banner pang dala. Pahuli ang media na nag set up nadin. Nag radio calling ako at siniguradong handa na lahat. Nagreply ng okay si Nathan pati ang ibang crew. Kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. Pinagmasdan ko ang audience at napadpad ang mata ko sa padulong parte, kung di ako nagkakamali si Chris yun. Sana hindi tama iniisip ko na magsisimula sya ng gulo dito.
Sir- Tanya? Mukang successful to. Nakaka proud.
Tanya- uhmm opo.
+ hindi parin mawala sa dibdib ko ang kaba. Maya maya pa ay nag simula na ang music at intoduction nila. Napaka gwapong tingnan ni Syto hindi mapigilan sa pagsigaw ang mga kabataan dun tuwing isa isang nagpapakilala. Sobrang nakakatuwa na umabot na sila dito. Hindi magmaliw ang mga palakpak ko ng magsimula na silang tumugtog. Profesional na professional na silang tingnan kahit nung una pa, halos magtatalon nadin ako sa kinatatayuan ko.
Sir- Tanya yung next prod na guest natin paki inform mo na sa back stage.
Tanya- Yes Sir. Nagmadali nakong tumakbo papunta sa backstage nnakabangga pa nga ako ng tao kaya agad akong nag sorry, hindi naman sya tumingin sakin at tumungo lang sabay takbo na uli. Di ko lang pinansin hinanap ko ang mga next prod asan na ba yun? Halos mapatalon na lang ako ng may narinig akong malakas na kalabog at kung di ako nagkakamali mula sa stage yun. Sa sandaling yun parang bumagal ang oras ko. Nakita ko na lang na nagtakbuhan sila pa stage.
Nathan- Maam Tanya!! Si Sir Syto!!
+ halos matulala ako ng sabihin nya yun. Hinila nya nako at sa backstage na kami dumaan. Nagkakagulo na sila.
Sir- somebody call the ambulance!!!
+ Parang bumagal ang lahat sa paningin ko.
Myel- nasan na ba ang medic!!!!
Ken- Kuya!!!!
+ hindi ko alam pero napatingin ako sa taong nasa audience na palabas na ng pinto at nakatingin rin sakin. Kitang kita ko ang bahagya nyang tawa at itinuro nya ang relo nya, na parang nagpapahiwatig na wala ng oras. Pagtingin ko sa harap ko, nandun si Syto nakahandusay sa ilalim ng bumagsak na lightings, walang malay at puno na ng dugo. Hindi nako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ano mang oras babagsak ako. Naalala ko ang singsing.
Jim- Tanya? Okay ka lang halika na dalhin natin si Syto sa ospital.
+ bumitaw ako sa hawak nya at tumakbo palabas ng audi na yon, kaylangan ko silang abutan. Buo na ang loob ko, ako ang tatapos nito, ibabalik ko na ang matagal ng dapat ibinalik. Tinakbo ko hanggang parking lot at hindi nako magugulat na nandun sila na parang nag aantay lamang.
Chris- yess naman. Oops wag kang ma proud na naabutan mo kami, hinintay lang talaga kita.
+ hingal na hingal pako. Bago hinugot ang singsing sa bulsa ko.
Tanya- ito lang naman ang habol mo dba? Kunin mo na!!! At wag ka ng babalik!!!!
Chris- nung una oo, yan lng ang habol ko pero ngayun parang may iba pakong gusto.
+ nabigla na lang ako ng may humablot sa singsing mula sa likod ako at hawakan ako sa kwelyo. Laking gulat ko, nanghina ako nung makita kong si Nathan to.
Nathan- sakin na muna to okay.
+ halos mapaluha nko habang naka titig sa kanya.
Tanya- Nathan anong ginagawa mo?
Chris- good job Nathaniel, maaasahan ka talaga. Tsaka na ang kwentuhan, isakay na yan sa van.
+ kinaladkad nya nako papasok sa van, hindi nko makapang laban, nanlalambot na ang tuhod ko sa mga nakikita ko. Dala ako ngayun ng isang van at napapalibutan ng anim na lalake, at isa sa kanila kilala ko pa. Pero ang pinaka masakit sa lahat ay yung di ko na alam kung ano ang lagay ni Syto, pero kung ano man ang kahinatnan nito, handa ako.
Itutuloy….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top