The man in my dreams PROLOGUE


Dahan dahang lang ang patakbo ni Jojo sa kotse niya, malakas ang ulan, madulas ang kalsada, at baku-bako at maputik ang ilang bahagi ng kalsada dahil sa lakas ng ulan.
.
Jojo : shit kapag nabalaho ang kotse ko dito, siguradong mai-stranded ako dito. Kung bakit ngayon pa naman kasi umulan? (Sabi sa sarili)
.
Naiinis siya sa mga sandaling iyon.at di nagtagal ay tumunog ang kanyang celpon na nakapatong sa dashboard ng kanyang saaakyan, agad niyang kinuha at sinagot ito, ang mama niya ang nasa kabilang linya.
.
Sa phone
Jojo : hello, Ma, im on my way, malapit na po ako, .(sabi sa ina)
Flor : Nag aalala na talaga ako anak.
Jojo : don’t worry ma, in just 15 mins. nariyan na po ako.
Flor : mag-iingat ka anak, kalakas pa naman ng ulan.
Jojo : its okay ma, maingat naman po akong magmaneho..bye ma!
Flor : bye anak, ingat!(pahabol niya)
,
Ibinalik na ni Jojo ang celpon sa ibabaw ng dashboard at itinuon niya ang paningin sa kalsadang dinaraanan, at sa di inaasahan gulat na napadiin ang tapak niya sa preno ng sasakyan dahil sa laking gulat niya ng may humambalang sa kanyang isang Van..
.
Kinabahan si Jojo dahil may mga taong armado, at nakatutok ang baril sa kanya..mabilis na lumapit sa kanya ang mga taong de barili.
.
Jojo : shit sino sila?
.
Nag iisip si Jojo kung anong hakbang ang gagawin niya para makatakas sa mga armadong tao, wala pa man siyang baril na pang selfdefense niya., At Hanggang sa binasag ng mga tao ang kanyang windshield, at mga bintana, sinubukan niyang manlaban, nakuha niyang makalabas ng kanyang sasakyan, nagtatakbo siya sa kakahuyan, sobrang dilim ng paligid kaya hindi niya halos makita ang kanyang dinadaanan, sunod sunod na putok ng baril ang naririnig niya, nakaramdam ng takot si Jojo dahil mukhang katapusan na niya iyon, hindi siya natatakot para sa sarili, natatakot siya para sa inang naghihintay sa kanya, tiyak niya na labis na malulungkot ang ina, kung may masamang mangyayari sa kanya, at hanggang sa may narinig siyang tinig..
.
Tao : halughugin ninyo ang buong paligid, nariyan lang yan, at huwag na huwag niong hahayaang makatakas pa ang gagong iyon.
.
Sinubukan ni Jojo na makalayo, ngunit sa di inaasahan, isang malakas na hataw ng kanyang likod na bagay na namawalan siya ng malay…
.
.CHAPTER 1
.
Jeralene : maghiwalay na tayo Drake, ayoko na!! Lagi ka na lang walang panahon sakin, lagi mong inuuna yang mga barkada mong adik.
Drake : anong sabi mo? Magbreak na tayo?
Jeralene : you heard me right, break na tayo. Ok!! Get out of my life at wala na tayong pakialaman, go on with your life and ill go mine, goodbye!!
.
Pagkasabi ni Jeralene kay Drake ay agad na,itong tumalikod..at mabilis na humakbang, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Drake..hinawakan siya sa braso.
Drake : Hey!!you can’t do this to me..hindi mo ko pwedeng basta iwan mo nalang ng ganun!!and nobody did that to me? Kasimple lang naman ng nagawa ko sayong kasalanan.
Jeralene : hoy drake, kung sa tingin mo ay simple lang, sakin hindi, kaya pwede ba? Bitawan mo ako at mula ngayon, wala ka nang karapatang hawakan pa ako..(at marahas niyang hiniklat ang braso niyang hawak ni Drake.
Drake : hindi mo pwedeng gawin sakin yan, alam mo naman na mahal na mahal kita.
Jeralene : No, i don’t believe you anymore..(at saka humakbang na ito palayo kay drake)
Drake : Jeralene bumalik ka dito(sigaw niya)
Jeralene : hindi na ako babalik sayo!!
Drake : Jera
.
Ngunit tila walang narinig si Jeralene, nagpatuloy siya sa paghakbang upang maklayo kay Drake..at sa wakas malaya na siya mula sa isang walang kwentang relasyon.
.
Jera : goodbye Sadness, hello happiness!!(sigaw sa isip)
.
Kausap ni Jeralene ang kaibigang si Maelyn..
.
Jeralene : para akong nabunutan ng tinik ng masabi ko sa kanyang maghiwalay na kami mae.
Maelyn : Ano!! My God..mabuti at pumayag?
Jeralene : at bakit hindi naman siya papayag? Kung yun ngang mag-asawa na nag-hihiwalay pa, kami pa kayang mag-boyfriend palang!!
Maelyn : pero Jera, alam mo naman yun, bayolenteng tao yun.
Jeralene : eh ano naman sakin kung bayolenteng tao siya, basta ayoko na sa kanya at wala siyang karapatan na pilitin ako sa isang relasyon na hindi na ako masaya, o sa tamang salita hindi ako naging masaya.
Maelyn : dahil na naman ba yan sa lalakeng nasa pangarap mo, isa lang ang masasabi ko sayo, mag-ingat ka sa kanya. Baka tahimik lang siya ngayon, pero may binabalak palang masama..alalahanin mo puro mga gago ang mga kabarkada ni Drake, mga adik, kaya magiingat ka.
.
Nakaramdam din ng takot si Jeralene sa sinabi ng kaibigan, ngunit ang pag-iingat na balak gawin ng dalaga ay huli na, dahil nauna ng nagplano ng masama sa kanya si Drake kasama ang mga barkada nito.
.
Drake : tuloy ang plano!!(sabi sa mga barkada)
.
pauwi na ang mag-kaibigang Jeralene at Maelyn, tapos na ang oras ng trabaho, naunang nakasakay si Maelyn dahil magkaiba sila ng way nito..at nang may nakita na si Jeralene na paparating na Jeep na pauwi naman sa boarding...


haus na tinutuluyan,..biglang may humintong. Van sa tapat niya at biglang nagpreno, at dahilan ng kanyang pagkagulat..
.
Jeralene ; o my God!!
.
ganun nalang ang gulat niya ng biglang bumukas ang pintong iyon sa tagiliran..at bumaba ang dalawang lalaki at hinila siya ng sapilitan at isinakay sa loob ng van.
.
Jeralene : saklolo, tulungan niyo ako!!
Lalaki : tumahimik ka kung hindi babarilin kita!!
Jeralene : Anong kailangan niyo sa akin, B-bakit nin—- (hindi natuloy ang sasabihin ng makita kung sino ang naka-upo sa tabi ng Dreiver..
Drake : Hi, Sweetheart!!!(naka-ngisi ito ng nakakaloko)
Jeralene : Drake!!!!(nanlaki ang mga mata niya ng makita si Drake) anong ibig sabihin nito?
Drake : ano pa eh di isasama na kitang magtanan!!
Jeralene : Ano, baliw ka ba, wala na Tayo!!
Drake : para sayo wala na, pero sakin, may tayo pa!!
Jeralene : Drake, siraulo ka na!!
Drake : at dahil magtatanan na tayo it means may honeymoon!!(tumawa ng malakas)
.
Nagtatawanan din ang mga barkada ni Drake.
.
Jeralene : tarantado ka ba, honemoon ang pinagsasabi mo, pakawalan nio ako?(sigaw niya)
Drake : sweerheart huwag ka ng magsisigaw, wala ka ng magagawa..
Jera : hayop ka drake, tarantado ka!!!
.
At kahit Nagsisimula na siyang matakot ay nakuha parin niyang magmura, upang ipakita niya na hindi siya natatakot.
.
Drake : oo matagal na akong tarantado, at yun ang pagkakamali mo ang maki-pagbreak sa akin, kung hindi ka magiging akin, hindi ka din mapapakinabangan ng iba!!
.
At sa mga sinabi ni Drake ay nagsisimula na siyang umiyak, humihingi ng Awa sa May Kapal.
.
Jeralene : hayup ka, sabi mo mahal mo ako. Tapos ganyan lang pala ang balak mo sakin..(napa-iyak na siya )
Drake : kasalanan mo!!kung hindi ka nakipag-break di sana hindi ko maiisip gawin sayo to.
.
Umiiyak nalang si Jeralene ng mga sandaling iyon, hindi na siya nagsalita pa at baka mamura nya lang ito uli, at baka magalit pa sa kanya ng husto si Drake, ay makatikim siya ng kung anong sakit ng katawan mula dito, nag-iisip siya kung paano siya makakaligtas sa ganoong sitwasyon, mahaba ang naging biyahe nila.
.
Jeralene : saan mo ako dadalhin? (Tanong niya,kay drake )
Drake : wag ka nang magtanong malalaman mo din, pag nandoon na tayo!!(pagalit niyang sagot)
Jera : para nagtatanong lang!!(pagalit niya ding sagot)
.
Nanahimik na lang ulit si Jeralene, ilang sandali pa nga ay papasok na sila sa isang private resort na naliligidan ng matataas na pader ang sasakyan nila, isang resthouse ang naroon at may maliliit na cottage na nakapaligid sa lugar..kung tutuusin, maganda ang lugar, tahimik, sariwa ang hangin. Pero dahil nasa ganoong siyang sitwasyon, pakiwari ni Jeralene ay kulungan ang lugar na yun, kuta ng mga kampon ng demonyo dahil sa sobrang mataas na pader na nakapalibot sa resort, parang hindi alam no Jera na makakatakas siya roon, ngunit kahit papaano ay malakas ang isip ni Jera nakahanda pa di si Jeralene sa mga sandaling iyon, anu man ang mangyari ay lalaban siya mamatay na kung mamatay..
.
Drake : Baba!!!(marahas na hinila pababa ang dalaga)
Jeralene : aray naman, sandali lang (humihikbi na siya, at animoy maamong tupa na sumunod siya kay drake, at bahagya pa siyang kumapit sa braso ni Drake)
.
Nagulat si Drake sa ikinilos ni Jeralene, at kumapit pa ito sa kanya na parang naglalambing, kaya napatingin siya sa dalaga at nakita nitong umiiyak.
.
Drake : oh ano ngayon iiyak iyak ka!! Ikaw itong nakipag-break tapos matatakot ka!!(paninisi pa nito)
Jeralene : hindi ako natatakot sayo, naiinis lang!!(pasigaw niyang sabi)
Drake : at bakit??
Jeralene : ikaw kasi, masyado mo na akong napapabayaan, sasabihin mo mahal mo ako, tapos sa mga usapan nating pagkikita di mo naman ako sisiputin(pangangatwiran niya)
.
Napa-isip si Drake, sa sinasabi ni Jera, at sa isip ni jera ay mukang effective ang drama niya, medyo umaamo ang galit na mukha ni Drake.
.
Drake : mahal naman talaga kita ah, masyado ka lang demanding.(at binuksan ang pinto ng resthouse ng makarating na sila roon)
Jeralene: Demanding???(pa-galit niyang sabi, at nagmartsang pumasok sa loob at naupo sa may kama na naroon) demanding na ba ang tawag mo doon?Mahal kita, natural, gusto ko lagi kitang kasama.(kunwaring sabi niya)
.
Tila bata siyang nagmamaktol kay drake.
.
Jera : kaya naisipan kong makipag break sayo kasi sobra na akong nagtatampo sayo Drake, sobra ka na kasi!!
Drake : Wala naman akong ginagawang masama.
Jera : mas mahal mo yong mga kaibigan mo, kesa sakin, ang mga barkada mong mukhang adik ang mahalaga sayo..
.
Sa tingin ni Jera, mukhang naiba na ang mood ni Drake, dahil napapangiti na ito, gustong kumawala ni Jera kay drake s madaming kadahilanan, moody ito kung minsan ay natatakot na si Jera dito, na anumang oras ay pwede siyang ipahamak nito.
.
May pag asa ba kayang matakasan ni Jera si Drake, at paano niya kaya niya matatakasan gayong hindi niya kabisado ang lugar, dahil ang lugar na pinagdalhan sa kanya ay malayo sa kabihasnan..
.
itutuloy..
Salamat po sa mga nagbabasa, Sana po suportahan nio po ulit itong bago kong kwento, Pahintay na lang po ang next..salamat po.♥️♥️♥️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top