THE MAN WHO GAVE HIS WORDS TO ME


THE MAN WHO GAVE HIS WORDS TO ME
“Wow! ang ganda ng mga balloons babe pati na ang pagka design, san mo nabili ang mga ito? Yeiii nag effort kapa talaga ha ,” yan kaagad ang lumabas sa aking bibig when i open my eyes covered with his smooth hands.
“HeHe. Syempre nag effort talaga ako dahil it’s our 8th monthsarry! at hindi naman magastos tong ginawa kong surpresa para sa iyo ,” he said while putting the flower crown in my head. I feel that i’m the princess in this night and hopefully to be his queen of all time.
“U—hm I love you babe” yan nalang ang nasabi ko sa kaniya dahil to be honest i didn’t expect him to do this kind of ka-dramahan, I mean parang pang girl kasi yong theme at na amaze ako dahil it was all covered by pink and hello kitty faces. Hayst sana-all sa mga katulad niyang mahilig mag effort. Ako kase ay okay lang na may gift lang akong maibigay sa kaniya and nothing more.
“Yeii I love you too my Princess and soon to be my Queen,” wika niya at tila napangiti ako dahil parang may power naman itong si Stephen ,hehe parang nalalaman niya ang iniisip ko.
“Baka langgamin pa tayo nito dahil sa sweetness ,mas mabuting simulan na nating kainin ang mga pagkain na ito. Ang sarap-sarap pa naman nila kaya dapat maubos talaga natin to,” pangbabasag ko sa sweetness naming dalawa dahil itong tiyan ko kanina pa komukulo.
“Hehe sige na nga, by the way ako pala ang nag luto niyang shrimp, tikman mo super yummy niyan ,” ani niya at nagsimula na akong tikman lahat nang putahing nakahain dito sa table.
Pagkatapos naming kumain at mag kuwentuhan ay syempre it’s time to go home na.
“Sydney masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Sa totoo lang nakikita ko ang future ko sa iyo, I mean kahit 8 months palang tayo ay madami na akong pangarap para sa ating dalawa. Mahal na mahal kita Sydney at kapag naka-abot na tayo nang dalawang taon ay pangako papakasalan kita. Ngayon focus mona tayo sa ating works and studies. Mahal na mahal kita Sydney , I’ll mark my words.Papakasalan kita babe kapag umabot na tayo nang dalawang taon kaya please tandaan mo iyan at sana lalaban tayo sa mga pagsubok na posibleng dumating,” sabi niya sa akin habang hinihigpitan na hawakan ang aking mga kamay at in just a moments ay nasa bisig na niya ako.
“Stephen masaya din ako at pangako magiging isang mabuting girlfriend ako sa iyo. Mangarap tayo Stephen at hangga’t kaya pa nating dalawa ay abutin natin ang lahat nang iyon ,” sabi ko din sa kaniya habang mag kayakap kami.
Pagkatapos nang kadramahan naming dalawa ay sa wakas nandito na kami sa tapat nang aming bahay.
“Sydney nandito na tayo hehe I love you. Sige pasok kana,” ani niya at tinulak ako sa papasok sa gate namin.
“I love you too, ba—byee!”
Simula nong nag celebrate kami ng aming 8th monthsarry ay naging busy na talaga kami pareho. Ako kasi engineer ang kinuha while siya naman ay lawyer ,char ang talino niya no? hayst swerte ko talaga sa kaniya. Minsan nalang kami magtawagan and ofcourse almost a month na hindi kami nagkita dahil lang sa ka busyhan naming dalawa. Sometimes i feel strange pero that strange feelings will always be part of a relationship kaya fight-fight lang talaga ako.
Hanngang dumating na ang aming 9th monthsarry naming dalawa, i just hear my phone ringing.
“Hello babe?” wika niya sa kabilang linya.
“Yes,” yan lang ang na-isagot ko sa tawag upang isipin niyang nagtatampo ako sa kaniya. Sa totoo lang ngayon ang 9th monthsarry namin kaya siguro tumawag ito.
“Busy ka?” sagot niya.
“U—hm hindi naman ,ikaw ba?”tanong ko din pabalik sa kaniya.
“Babe, sorry tumawag talaga ako para e-greet ka—”
“para e—greet na happy 9th monthsarry?” pamumutol...


ko sa sasabihin niya.
“Oo babe,” sagot niya.
——
Since our 9th monthsarry happened ay hanggang ngayon di parin kami bumabalik sa dati, I mean yong sweetness parang unti-unti nang naglalaho. Parang ang mhirap nang abutin ang 2 years na sabi niya. I think na ngayong mas maaga pa ay e-hinto nalang namin ito. I decided to call Stephen kaya mabilis kong hinanap ang aking phone.
“Stephen, i have something to tell you ,” wika ko.
“Ahm miss sorry but i think you dialed the wrong number,” wika nang isang tonong babae sa kabilang linya.
“Ah—sorry din , by the way sino pala to?” maarte kong tanong sa kaniya.
“I’m his fiance” tila na bingi ako when i hear what she say kaya ang ginawa ko ay turn off kaagad ang phone.
Kaya pala, I thought that busy siya because of his exams. Ang sakit, I mean fiance? nalilito na talaga ako. Mas mabuting linawin ko ang lahat kaya napag desisyonan kong pumunta sa kanila.
Pagdating ko sa bahay nila ay malalaman mona kaagad na may nagtatawanan at parang ang saya-saya.
“Tao po?” sigaw ko.
Bumukas ang pinto at doon ko nakita ang isang babaeng buntis.
“Hi?” bati niya sa akin.
“H—hii” nauutal kong sagot sa kaniya dahil hindi kasi siya pamilyar at alam kong hindi siya kapatid ni Stephen.
Hahakbang na sana ako papasok nang makita ko si Stephen na may dalang madaming mangga.
“Stephen?” wika ko habang kinukuyom ko ang aking mga kamay.
“Sydney,” wika niya at humakbang siya papalapit sa akin at niyakap niya ako nang sobrang higpit.
“Stephen sino yang babae?” tanong ko habang umiiyak, diko na kasi napigilan.
“Sydney siya ang babaeng nagdadala nang batang magiging anak ko,” wika niya at umiyak na din siya.
“Ano? Stephen naman eh, bakit nagawa mo ito sa akin. Kailan mo pa ito nalaman, Kailan!” sigaw ko at tila namumula na ang aking mukha dahil sa galit.
“Sydney sorry, sorrryy dahil nalaman ko ito matapos e-celebrate natin ang ating 8th monthsarry ,”
“Sorry lang para sa lahat na pangako mo? ganon ganon lang yon? Hala sige magsama kayo at sana hindi ka maging isang ganap na abogado! Sana hindi ka maka pasa sa exam! Akala ko panaman na yang pag-aaral mo ang iyong inatupag, pero hindi pala! Wala na tayo Stephen! wala na! Hindi mo deserved ang isang maging abogado dahil hindi ka marunong lumaban at ipaglaban ang isang tao! hindi mo deserved ang babaeng katulad ko! madumi kana” mga masasakit na salitang sinigaw at iniwan ko sa kaniya.
——
1 year has passed and
Wala na akong koneksyon kay Stephen at ngayon naging ganap na akong engineer. Walang boyfriend pero happy pa din dahil i have my supporting family ang friends naman. I learned about the past that we can’t be so advance dahil in just a blink of an eye ay pwedeng magbago ang lahat. Stephen made his choice at syempre that is his responsiblity na panagutan ang babaeng iyon. Im a girl na mas pipiliing masaktan kesa makasakit. I hope now, he is happy with his family and maybe kasal na siya sa babaeng iyon. Pain will never fade that easily pero okay lang para sa babeng kagaya ko.
Pa-uwi na ako ngayon kaya nagmamadali na talaga ako dahil nakaktakot kase doon sa parkinglot.Papasok na sana ako sa kotse nang may marinig akong yapak.
“Sydney Congrats!” pagkaharap ko ay ang taong napakatagal konang hindi nakita at ito din ang taong kinamumuhian at sinumpa ko sa aking buong buhay. Nakita ko siyang nakahawak nang alak at namumugto ang mata.
I wonder what happened to him,many hours, days and months na wala akong balita sa kaniya including the girl , the mother of their child.
He just gave his words but never happened. Sometimes we can’t be too advance in such things like this dahil we can’t predict what would be the next page of our existence.
Words by Nica Eroc
Photo not mine Cttro.






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. next plss

  2. Erlen ArciagaYour Name

    Next pls

  3. next pls

  4. James AlibYour Name

    nakakakilig

Leave a Reply


top