The One That Got Away – CHAPTER ONE

Hanna’s POV

I am Hanna Dewey, work as programmer of Alliance IT Group, one of the biggest company that provide software. Of course before heading to the office I used to go to the coffee shop. Hindi kumpleto ang araw pag walang kape sa umaga.

“Cafe Americano, please!” Yan ang parati kong order.

“Good morning Han!” Masiglang bati ni Ethan. Ooopps…mali ang iniisip niyo. Not because I always ended up buying coffee everyday eh kilala na ako ng barista dun. Ethan is a good friend of mine and owner ng coffee shop.

“Hi Eth!”

How did we met? Actually, those were the days na sobrang lungkot ko. Siguro destiny na rin na makilala ko siya, we were on the same bar and that was 5 years ago. That day I have all the reason to be wasted…yun feeling mo na eto na yung katapusan ng mundo.

Did you know why? Iniwan lang naman ako ng nag iisang lalaking minahal ko ng buong buhay ko. I know sounds pathetic and yes… I admit napaka pathetic at babaw ko that time. Walang tinitira sa sarili pag nagmahal. Pero dati yun at hindi lang naman talaga siya ang rason, well actually isa sa mga rason.

My dad passed away when he left me of course hindi niya nalaman yun. Kasi bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Basta bigla na lang siyang umalis na hindi man lang nagsabi kung saan bundok or planeta pupunta ang until now wala parin paramdam ang gago!

Si Ethan na isang etranghero pa lang noon, ito ang nag lakas loob na lapitan ako. Ewan ko ba bakit pumasok din sa utak ko na magpunta ng bar mag isa. Iniiyak ko sa kaniya lahat ng sama ng loob ko sa mundo, lasing na ako kaya wala akong pake. Madali ko nakagaanan ng loob si Ethan kaya out of nowhere naikwento ko sa kaniya lahat lahat ng nangyari sa akin. Sabi nga nila diba mas masarap mag share ng problema sa taong hindi mo kakilala. He was a true gentleman naman, kasi hinatid niya ako sa bahay, naglakas loob na daw siyang kalkalin ang bag ko para malaman niya kung saan ako nakatira. And I didn’t expect na the next day ay dadalawin niya ako para kamustahin. Siguro naawa sa akin baka inisip na magpapakamatay ako. Pero pag naaalala namin yung unang araw na nagkakilala kami eh pinagtatawanan na lang namin. Pero ilang months hindi rin siya nagpakita sakin inisip ko na lang baka busy sa family business nila o baka nagsawa na sa drama ng buhay ko.

Nagkita na lang ulit kami nung araw na papasok din ako sa trabaho at napansin ko na may bagong bukas na coffee shop malapit sa workplace ko. Naisip kong dumaan just to try their coffee. Nasa cashier na ako para magbayad when I heard a familiar voice and that was him.

At simula nung magkita ulit kami...


naging madalas na ang paglabas labas namin. At halos araw araw na akong dumadaan sa shop niya para makalibre ng kape at sympre para makipag kwentuhan kung may oras pa.

Five years na rin kaming magkaibigan at five years na rin ang nakalipas ng iwan ako ng hinayupak na lalaki na yun. But until now umaasa pa rin ako na darating yun araw na maisip niyang magpakita para lang mag explain or para may closure na rin kami. ‘yun eh kung darating nga at kung ready na ba ako na harapin siya.

***

Back to the reality tayo. Mukhang may ganap ngayon sa office. Nakita ko kasi lahat ng empleyado tinipon ni Mr. Collins, siya ang may ari ng kumpanya.

“I’ll explain all the details when he arrived, you can all go back to work for now. Ipapatawag ko na lang lahat ng head in each department for the meeting later.” ‘Yun lang ang naabutan kong narinig na sinabi niya.

“Did I miss something?” Tanong ko kay Gwen na ka-department at close friend ko din.
“You’ve missed a lot. Parating ngayon yung isa pang magiging boss natin as per Mr. Collins.” kwento niya.
“Ahh okay then why you look bothered?” Tanong ko sa kanya habang nilalapag ko na ang bag ko sa table at naupo. Mukha kasing hindi maipinta yung mukha niya.
“What if yung papalit kay Mr. Collins eh hindi kasing bait niya?” Kapalit? Hay Gwen malamang exaggerated na naman ito.
“Bakit may choice ba tayo? Mabait o hindi yang panibagong boss natin eh wala akong paki alam. As long as we did our job walang problema. Tutal hindi naman natin makakasama iyon. Wait, aalis ba si Mr. Collins?”
“Wala naman siyang nabanggit. ” Sabi ko na eh at advance na naman mag isip ito.
“Wala naman pala eh. Haay naku Gwen umalis ka na nga para makapag trabaho na ako.” pagtataboy ko sa kaniya.
“Oh sige sabihin mo na lang sa akin kung ano itsura nang Mr. Carlos na yan. Lahat daw kasi ng head department ipapatawag.”
“Teka, bakit ako? Anong kinalaman ko dun, department head ba ako?” Takang tanong ko sa kaniya.
“Wala ang department head natin at may tinatapos akong report at late ka ngayon. Kaya mo na yan at ang alam ko gwapo daw itong Carlos.”
“So…? Kung gwapo ako agad?” Kairita talaga itong si Gwen!
“Single ka o malay mo single din siya eh di destiny kayo.” Yan, ugali niya yan eh ang asarin ako sa halos araw araw na makakasama ko siya. Ang tagal ko na raw kasing walang boyfriend, minsan nga pati sa kapitbahay nila nirereto niya ako kulang na lang pati sa aso niya.
“Haay naku Gwen tigil tigilan mo nga ako sa pagiging kupido mo!” Iritang sagot ko sa kaniya. “So Carlos pala name niya?”
“Oo yata, parang yun ang dinig ko.” Haay Gwen, as always di na naman nakinig.

To be continue…..



2
Share On Whatsapp

Leave a Reply




top