THE REVENGEANCE Chapter 12


Pinagsisihan ni Daniel ang mga binabalak niyang paghihiganti noon.Dama niya ang lungkot sa pag-iyak ng babaeng mahal niya na nasasaktan.Ayaw niyang dumating ang araw na baka malalaman niya ang lahat.Sapat na sana ang mga paalala ng mga Parents niya na huwag na magtanim ng galit laban sa mga Alcantara at hindi lungkatin ang matagal na nakabaon na nakaraan ng mga angkan niya.Masaya at mapayapa na ang buhay nila para maghiganti pa siya.Mahal niya si Armina at hindi niya kayang saktan ang dalaga.Sa kanyang binabalak noon na paghihiganti,nauwi naman sa tunay na pagmamahal niya kay Armina.
*****
Napabalikwas si Armina nang magising siya na napakasama ng pakiramdam niya.Pumasok siya ng CR at ilang ulit ng sumuka pero walang lumalabas.Nasapo niya ang kanyang puson at naalala niya na 2 months na siyang delayed.Kinuha niya ang mga Pregnancy Kits sa cabinet at sinubukan niyang gamitin.Malinaw ang dalawang linya sa tatlong PT na ginamit niya,It’s positive at buntis siya!Naghalo ang kanyang nararamdaman ng sandaling iyon..takot at excitement..
Naisipan niyang tawagan si Daniel upang...


ipaalam na maging Ama na siya,pero naunahan siya ng takot.Bahala na,isurprise ko na lang muna siya.Muntik na niyang mabitiwan ang phone nang magring ito..
Nakipagkita si Mae kay Armina dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanya kaya pinuntahan niya ito sa nasabing private restaurant.Mukhang importante talaga ang sadya nito sa kanya.Kinabahan siyang humakbang papunta sa lugar na kinaroroonan ni Mae.
“Mae,ikaw ba iyan?anong nangyari sa iyo?” gulat niyang tanong kay Mae nang makita ang dating secretary niya.Buto’t balat na ang hitsura nito na parang matindi ang pinagdaanan nito.
“Miss Ar,pasensya na po kayo..May hihilingin lang po sana ako..sana mapatawad niyo ako Miss Ar..”
“Bakit?anong problema?”
”May kinalaman po ako sa muntikang paglugi noon ng Textile Company..at ang pagtanggi noon ni Mr.Tan..”
“Ano?bakit ngayon mo lang sinabi?at paano mo nagawa ito?pinagkakatiwalaan kita!!”
“Miss Ar,patawarin niyo po ako..ito na po ang huli nating pagkikita..stage 4 na po ang sakit ko at may taning na ang buhay ko..bago po ako mawala,gusto ko pong mapatawad niyo ako..” pagmamakaawa ng dati niyang Secretary






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top