THE REVENGEANCE Chapter 9


Nasa La Vida Beach nagbakasyon sina Armina at Daniel.Isang linggo sila magstay doon,kahit paano ma-treasure nila ang moment na silang dalawa lang.
“Ready ka na ba?” tanong sa kanya ni Daniel nang nakasakay sila sa kotse
“Yes babe,nakaka-excite nga eh..” masaya niyang sagot sa boyfriend
Maya-maya’y nagring ang phone ni Armina
“Excuse babe,saglit lang ‘to..sasagutin ko lang muna..”
At sinagot ni Armina ang phone,tumawag ang secretary niyang si Melanie
“Ma’am,may naghahanap po dito sa inyo..Mae Dimasala po,iyong dating secretary niyo..”
“Nandiyan ba siya?pakiabot na lang sa kanya ang phone..” sagot na lang ng dalaga
“Miss Ar,I’m sorry nasa vacation pala kayo..sa pagbalik niyo na lang po makipag-usap ako sa inyo ng personal..” mahinang sabi nito sa kabilang linya
“Mae,are you okay?ang tamlay ng boses mo..”
“Ok lang ako Miss Ar,sorry po ulit sa disturbo..enjoy your vacation Miss Ar..” pinilit nitong pasiglahin ang boses
“Thank you Mae,sige I’ll call you later...


after ng Vacation ko..”
Ibinaba ni Armina ang phone at dama niya ang lungkot sa boses ng dating Secretary.
“May problema ba?”
“Nag-alala lang ako sa dating secretary ko..gusto daw niya makipag-usap sa akin..parang may importante siyang sasabihin..”
“Ar,nandito tayo para magbakasyon..just leave all your worries..huwag mo munang isipin ang mga bagay na magdudulot ng lungkot sa iyo..Dapat happy ka lang,I’m here..I’m always here for you..I love you..”
“Salamat,I love you too Babe..”
Sumandal siya sa dibdib ng binata,kahit paano maibsan ang mga bagay na iniisip niya nang nakaraang araw.
Masaya at enjoy ang bakasyon nilang dalawa na parang sila lang dalawa ang nag-exist sa mundo nang mga sandaling iyon.
“Thank you,.. for making me happy like this Daniel..hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito.Iyong magmamahalan tayo,napakasaya ko..” napaluha siya sa mga katagang isinaad niya sa binata
“I love you Ar,Napakaswerte ko na nakilala kita..mahal na mahal kita.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top