THE STORY OF US CHAPTER 11


Kakaalis lang ni Lyna kakatapos lang nila mag review.
Parang nag replay sa utak nya ang nangyaring aksidente dito kanina.
“Ang ganda talaga ng mata nya.” napapangiti sya sa naiisip.
Nagulat sya kanina sa paglabas nito ng banyo. Alam nyang sexy ang bestfriend nya. Pero di nya alam bat sobrang hot nito tignan sa tshirt nya kanina.
“Tsk!Di ka pwedeng makita ng iba na ganyan ang suot Nana. Makakabugbog ako ng ibang lalaki ng wala sa oras.” Oo na. Possessive sya. Lalo na pagdating kay Lyna. Oo na ulit. Aaminin nyang inlove sya sa bestfriend nya. Matagal na. Hindi lang nya maamin.
Natatakot kasi syang lumayo ito sa kanya. Alam nya na purong kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Lyna. Masakit. Pero tanggap na nya. Basta ba manatili sya sa tabi nito kahit bilang kaibigan lang ay kuntento at masaya na sya.
Napalingon sya sa bedside table nya ng marinig na tumunog ang phone nya hudyat na may nagtext. Inabot nya ito at napangiti ng makitang si Lyna ang nagtxt.
“Babs! Nakauwi na po ako! 🙂” text nito.
“Dinner ka na Nana. Hindi ko na sasabihing kumain ka ng madami kasi sure namang kakain ka ng madami hahaha 😛”
pang aasar nya dito sa text.
Isa yun sa nagustuhan nya kay Lyna. Hindi ito katulad ng ibang babae na laging conscious sa katawan at itsura nya. Ang Lyna nya ay walang pakialam kahit gaano kadami ang kainin at kahit walang kaayos ayos sa muka. Napaka simple nitong babae.
‘Tsk. Lyna nya. My Lyna’ napapailing sya sa isip.
“Ewan ko sayo Babs! Kain ka na din. Magpakabusog ka.” para na syang b*liw sa pagngiti mag isa dito. Natural ang pagiging malambing kay Lyna.
Nagdidinner na sila ng parents nya. Ng bigla syang tanungin ng papa nya.
“Anak, share mo naman yang nasa isip mo. Kanina ka pa nangingiti mag isa jan.” nakangising puna ng papa nya sa kanya.
“Wala ‘Pa. Masaya lang ako.” nakangiti nyang sagot dito.
“Ano anak sinagot ka na ba ni Lyna?” tuwang tanong ng mama nya sa kanya. Alam ng pamilya nya ang nararamdaman nya kay Lyna.
“Ma, hindi naman po ako nanliligaw kay Lyna. Kontento na kong bestfriend nya.” sagot nya dito.
“Ang hina mo naman Nak! Eh nung kasing edad mo ko kali kaliwa ang girlfriend ko.” mayabang na kwento ng Papa nya.
“Oo! At wag na wag mo gagayahin yang Papa mo!” masungit na sagot ng mama nya. Inirapan pa yung papa nya. Natawa tuloy sya.
“Mahal naman!Alam mo namang nagbago na ko mula ng makilala ka diba.” maamong sagot ng papa nya. Takot lang nito sa mama nya hahaha
“Hahaha wala ka pala pa eh.” tinawanan nya ang papa nya na patuloy sinusuyo ang mama nya.
“Aakyat na po ako. Maaga pa ang pasok ko bukas. Paalam nya sa mga to.
Umakyat na sya sa kwarto at sinilip ang cp nya kung may nagtext ba. Nakita nyang may text si Lyna sa kanya at binuksan nya agad yun.
” Gudnyt Babs! Sleep tight! Muah!”
Napangiti sya at naalala ang biglang paghalik nito sa pisngi nya. Ilang gabi syang di pinatulog nun. Para syang nakalutang sa alapaap ng oras na yun. That’s the first time na hinalikan sya ni Lyna sa pisngi.
Niloloko lang nya ito at di nya inasahan na gagawin nga ng babae. Todo kantyaw ang inabot nya sa mga kabanda dahil sa tagal nyang natulala at nakangiti mag isa. Hinding hindi nya makakalimutan ang araw na yun.
“Good night Nana. Sweet dreams 🙂” reply nya dito at natulog na din sya.
TAPOS NA LAHAT NG EXAMS NILA. Today is Saturday. Araw ng outing nila kasama ng mga kaklase ni Lyna. Overnight sila sa isang resort sa Batangas. Kamag anak ng kaklase ni Lyna na si Chrys ang may ari.
Andito sya ngayon kina Lyna para sunduin ito. After lunch ang usapan nilang lahat na oras ng sunduan. Dito dadaan ang isang Van nila Jeff na maghahatid sa kanila.
Hinihintay na lang nya si Lyna bumaba galing sa kwarto nito. Nakaupo sya ngayon sa sofa dito sa sala...


ng maramdaman nyang may pababa sa hagdan. Pagtingala nya nakita nya si Lyna na may dalang isang malaking backpack. Nilapitan nya agad ito para makuha ang bag. Kasunod nito ang mga magulang nito na todo habilin.
“Anak. Mag iingat ka doon hah. Wag kang masyadong malikot. Lampa ka pa naman.” bilin ng papa nito.
“Papa! Di na po ako bata!” nakasimangot na sagot nito. Natawa sya.
“Oh Jax. Ikaw bahala dito sa prinsesa namin. Kampante naman kami kasi kasama ka. Alam kong may magbabantay dito sa batang to.” bilin ng papa nito sa kanya.
“Opo Tito. Makakaasa po kayo. Ako bahala kay Lyna.” paniniguro nya sa mga ito.
“Ma, Pa, alis na po kami. Bye bye.” paalam nito sa mga magulang sabay halik sa pisngi ng mga ito.
Lumabas na sila ng bahay at nakita na ang nag aabang na dalawang van sa labas. Madami din pala sila.
Nagbukas ang pinto ng Van at bumungad si Mira sa kanila.
“Lyna! Jax! Dito kayo dali.” lumapit naman agad si Lyna dito.
“Hi Mira!” masayang bati ni Lyna dito.Nakalapit na din sya at nakita kung sino ang mga kasama sa loob.
Nasa tabi ng driver si Chrys. Nasa second row si Chuck, Rico at Joey. Nasa 3rd row naman si Jeff, Tony na ngiting ngiti kasi katabi nito si Mira.Bali sa pinaka likod na pala sila.
“Hi guys!” masiglang bati ni Lyna sa mga ito. Sya naman ay tinanguan lang ang mga kasama sa loob.
“Hi Lyna! Hi Jax!” bati naman ng mga ito.
Inalalayan nya sa pagpasok si Lyna at umupo na sila sa likod. Ito ang pinapwesto nya sa bintana. Kasi gustong gusto nito nakikita ang mga nadadaanan.
Nagsimula ng umandar ang sinasakyan nila. Akala nya ay diretso na sila sa resort pero may dinaanan pa silang isa. Pagbukas ng pinto ng van bumungad sa kanila ang nakangiting muka ni Burn.
‘Kasama din pala ang asungot na to’ reklamo nya sa isip.
Pumasok na ito matapos makipag batian sa mga kasama at tumabi sa kanya.
‘Buti na lang sa bintana ko pinaupo si Lyna’ sabi nya sa isip.Kasi sya lang ang makakatabi nito.
“Hi Baby!” bati ni asungot kay Lyna sa tabi nya. Napataas sya ng kilay. Di pa din sya sanay na may tumatawag ng Baby sa Lyna nya. Naiinis siya pero wala syang magagawa.
“Hi Burn!” bati naman ni Lyna.
‘Tsk. Pag naging girlfriend nya na si Lyna. Sisiguraduhin kong di mo na matatawag na baby ang Lyna ko’ natawa sya sa naisip. Ang layo na ng narating ng utak nya. Alam naman nyang imposibleng mangyari yun.
“Kamusta brad?” tanong sa kanya ni Burn pagkaupo sa tabi nya.
“Ayos lang brad.” sagot nya dito. Napansin naman nyang may kinakalkal sa bag si Lyna. Malamang naghahanap to ng candy. Di kasi to sanay sa mahabang byahe. Madali itong mahilo. Kaya lagi dapat may candy na baon.
Dumukot sya sa bulsa at nilabas ang baon nyang candy. At inabot dito.
“Wow!Alam mo talaga kelangan ko Babs! Thank you!” masiglang sabi nito matapos tanggapin ang inaabot nya. Nginitian lang nya ito at tinignan si Burn sa tabi nya na nakasimangot.
‘Ganyan pre. Dapat Boyscout Laging handa hahaha’ sabi nya sa isip. Nginisian lang nya ito at tinignan muli si Lyna kung anong ginagawa.
Nakatingin lang ito sa labas at pinapanood ang mga nadadaanan nila.
“Pre. Bawas titig baka matunaw.” rinig nyang bulong ni Tony. Nakalingon na pala ang mga ito sa kanila. Binatukan naman nya ito at sinenyasan na tumahimik.
“Chrys patugtog ka naman soundtrip tayo.” nagsalita si Rico sa unahan.
“Ok wait lang.” nagpatugtog naman si Chrys at nagsimula silang magkantahan habang nasa byahe.
Nasa isang oras na din sila sa byahe ng makitang humihikab na si Lyna sa tabi nya.
“Inaantok ka?” tumango lang ito. “Tulog ka muna mga 2 hours pa siguro ang byahe.” di na ito sumagot at kusa ng sumandal sa balikat nya. Napangiti sya sa ginawa nito.
Mayamaya ay naramdaman nyang mahimbing na ang tulog nito. Nakaramdam na din sya ng antok at nakatulog na ng pinatong nya ang ulo nya sa ulo nito.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. This website has lots of really useful stuff on it. Thanks for informing me.

  2. nxt chapter pls wala pa po

Leave a Reply


top