MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 2


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 2
.
Patuloy sa inuman ang magkakaibigan, si Alvin naman ay labis na nakukulitan sa mga kaibigan, sa isip niya may pagka-siraulo ang mga kaibigan niya, na mukhang mga mga binabalak daw na masama ang mga ito sa kanya! Natatawa na lang sa isip si Alvin sa mga kaibigan.
.
Alvin : sabihin nga ninyo sakin, ano bang kalokohan ang ginagawa natin!
Jessie : pare Alvin katuwaan lang naman ito, mag-enjoy ka na lang pare.!!!
Alvin : pare sinabi ko naman sa iyong sobrang selosa ni Erica, sukat ipinaghanda mo pa ako ng stag party dito sa bahay mo, paano na lang kapag nalaman ito ni Erica, baka mabulilyaso pa yong kasal namin, ayaw niyang magkaroon ako ng stag party na ganito.
Marlon : pare, walang magsasabi kay Erica.
Jessie : pare wag kang mag-alala hindi niya malalaman ito.
Brando : relax lang pare tayo lang ang nakaka-alam ng stag party na ito..
Garry : oo nga pare. Inum na lang tayo, at napakasaya at napakasarap ng inihanda ni pareng Jessie na stag party na ito para sayo, pare Jessie kapag ako kinasal dapat meron din akong ganito ha.
Alvin : anong napaka sarap?
Marlon : pare yong dadalin ka sa langit sa sarap!
Alvin : hoy, mga sira ulo kayo, anong katarantaduhan ang pinagsasabi nio?
Jessie : relax lang Alvin. Masyado ka namang nerbiyoso!
Gary : kaya nga, basta enjoyin mo lang ang gabi na ito.
Brando : hoy ako din Pare Jessie kailangan may regalo din akong bebot ha, kapag ikakasal na ako.
Jessie : kayo talaga nainggit pa kayo!!
Alvin : anong bebot ang pinagsasabi nio?
Marlon : pare, ikaw lang yata ang hindi nakakaalam, kung ano ang bebot?
Brando : pare naman, hindi mo ba alam ang salitang bebot?
Alvin : bebot, palayaw ng tao, hindi ba?
Garry : ay tanga!! Bebot ay isang chicks!
Alvin : you mean babae?
Brando : tumpak pare, kaya i-enjoy mo lang ang gabing ito ha, mamaya dadalhin ka sa langit ng regalo ni pare Jessie sayo, sariwang sariwa yun, at ubod ng ganda!
Alvin : kayo talaga puro kayo kalokohan, ayoko nga!(matigas na tanggi niya)
Garry : ano ka ba pare sasayangin mo ba?
Jessie : okay lang yan pare Alvin, ngayon lang naman ito eh, kaya uminom na tayo, pangako walang makaka-alam nito.
.
Napa-iling nalang si Alvin sa mga barkada niya, may kalokohan din pag minsan..at hanggang sa nakadami na ng inom sina Marlon, brando at garry, at ganun din si Jeasie at si Alvin ay may pagkatipsy na din..
.
Jessie : pare, umakyat ka na sa taas naroon na ang babae sa guestroom gawing kaliwa pag-akyat mo..
Alvin : sabi kong ayaw ko eh!!
Garry : pare, hindi malalaman ni Erica ito.
Alvin : ayoko!!!uuwi na lang ako!!
Jessie : tayo lang mag-babarkada ang nakakaalam nito.!
Brando : pare hinding hindi ka magsisisi kapag nakita mo ang babae, sobrang seksi at ang kinis, ang ganda, talagang gigisingin ang pagkalalake mo.
.
At sobra ng nakukulitan si Alvin sa mga barkada niya, dahil sa pamimilit ng mga ito sa kanya, sa huli ay pinagbigyan na lang niya ang mga kaibigan..kunwari aakyat lang siya sa guestroom pero hindi niya gagalawin ang babae…at umakyat na nga siya sa bahay ni Jessie at pag-akyat niya sa taas ay nakita na niya ang pinto sa gawing kaliwa at tumayo muna siya doon sa labas hindi muna niya binuksan.
.
Nagdalawang isip si Alvin kung papasukin niya ang kwarto, nag alala siya na baka mamaya malaman pa ni Erica ang ginawa nilang magbabarkada. Ngunit sa bandang huli ay nagpasya na lang siyang pumasok dahil alam naman niya na hindi siya tatantanan ng mga barkada niya.
.
Alvin : (sa isip..) talagang ito si Jessie puro kalokohan..
.
At hindi nagtagal ay binuksan na din niya ang pinto, at sinalubong si Alvin ng lamig na nanggagaling sa Aircon..at napailing si Alvin dahil bumulaga sa paningin niya ang dimlight sa buong kwarto..at nakita nga ni Alvin ang babae na nakaupo sa gilid ng kama na nakasubsub ang mukha sa kamay na tila umiiyak? Narinig pa niya ang paghikbi ng babae.
.
Alvin : hi miss! (Bati niya)
.
Nagulantang si Kate ng marinig ang boses ni Alvin. Dahil sa isip ni Katelyne ay ayun na ang lalake na sisira sa kanyang dangal.
.
Kate : (napaangat ang mukha) huwag po, maawa po kayo sakin?
.
Pero pagkakita ni Katelyne sa lalake, ay nagtaka siya, dahil ang sa isip niya ay isang lalake malaki ang tiyan at nakakalbo ang inaasahan niyang makikita niya. Pero nagkakamali siya dahil isang matikas at may guwapong mukha ang nasa harap niya ngayon.
.
Kate : huwag kang lalapit!! (Napatayo sa kama si Kate)
Alvin : ha bakit?
.
Nagtataka si Alvin sa ikinilos ng babae na ibinigay ni Jessie sa kanya, ang inaasahan ni Alvin ay ang makikita niyang...


babae ay magpapaligaya sa kanya pero kinutuban siyang hindi ganun talaga ang babaeng kaharap niya, pero tama yong sinabi ng mga kaibigan niya na napakaganda ng babae na nasa harap niya.
.
Kate : please huwag kang lalapit sakin, parang awa mo na, huwag mo akong gagalawin!(umiiyak na sabi ni katelyne)
.
Naawa si Alvin sa babae dahil umiiyak na ito..l
.
Alvin : Miss huwag kang matakot, hindi ako masamang tao.
.
Natigilan si Kate sa pag-iyak niya dahil sa sinabi ni Alvin, tila naalis ang takot sa puso nito, sa malambing na boses ni Alvin, at samantala naman may nabuong hinala sa isipan ni Alvin.
.
Alvin : anong pangalan mo?
Kate : katelyne!! Ikaw sino ka?
Alvin : ako si Alvin, binigyan ako ni Jessie ng stag party, at ikaw ang iniregalo niya sakin.
Kate : hindi ko ito gusto, ibinenta ako ng tatay ko sa bugaw na si Maria (umiiyak niyang sabi)
.
Napakagat labi si Alvin sa mga sinabi ni kate, parang gustong papanagutin ni Alvin ang may kagagawan sa muntik ng pagkapahamak ng babaeng kaharap niya, paano na lang kung ibang lalake ang nakatagpo sa babae, paano kung iba??? di tuluyan ng napahamak ang inosenteng babae, sa isip ng binata kailangang managot ng mga tao na may kagagawan sa maaaring ikapahamak ng babae.
.
Pumunta si Kate sa may kama at naupo, naupo din naman si Alvin sa may dulo ng kama.
.
Alvin : kate, sabihin mo kung ano ang maitutulong ko sayo!
.
Natigilan si katelyne sa sinabi ng binata, sa isip ni katelyne ay sigurado siyang may mabuting kalooban ang lalake.
.
Kate : tulungan mo akong makatakas dito, ayokong bumalik sa tatay ko at sa kinakasama niya baka, ulitin nila uli ito, baka ibenta nila ulit ako.
.
Napabuntong hininga si Alvin, at napagpasyahan niyang itakas ang babae doon, tumayo na si Alvin sa pagkakaupo at inilahad ang kamay niya sa dalaga.
.
Alvin : halika, itatakas kita dito.
.
Napatingin si kate sa kamay ng binata na nakalahad.
.
Kate : saan tayo pupunta?
Alvin : sa mga pulis, irereport natin ang tatay mo, at ang kinakasama niya, pati na ang bugaw na nagbenta sayo kay Jessie..hindi tama yong ginagawa nila, napakasama nila, hindi nila dapat ginawa sayo to.
.
Hindi na nag-alinlangan pa si Kate, tinanggap na niya ang mga kamay ng binata na nakalahad, pakiramdam ni katelyne ay nakatagpo siya ng tao na magtatanggol sa kanya. At nang magdaop ang kanilang mga palad, ay isang mahiwagang damdamin ang dumaloy sa puso ni katelyne, yong pakiramdam na ligtas siya sa mga kamay ng binata, at parang may nagising sa kanyang damdamin na kakaibang pakiramdam, at hanggang sa lumabas sila ng kwarto na mag-kahawak kamay, hanggang sa pagbungad nila ng hagdanan ay nakita ni Alvin na paakyat si Erica.
.
Erica : Sinasabi ko na nga ba, hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!!(galit niyang sabi)
.
Nabigla si Alvin ng makita ang fiance
.
Alvin : Erica!!!
Erica : walang hiya ka, bakit mo nagawa sakin to, sabi ko na nga ba at may kalokohan kang gagawin!
Alvin : Erica mali yong iniisip mo!!
Erica : Mali, eh ano yang nakikita ko??
.
At noon lang napansin ni Alvin na hawak nga pala niya ang kamay ni Kate, agad na bumitaw si Alvin sa kamay ni Kate.
Erica : i hate you Alvin!!(umiiyak na sabi)
.
Tuluyan ng bumaba si Erica sa hagdan kasunod sina Alvin at kate.
.
Alvin : Erica please, let me explain this! (Hinawakan sa braso si Erica)
Erica : No!! Dont touch me, nakakadiri ka! (Hinaltak ang braso)
Alvin : makinig ka naman sakin Erica!!
Erica : ayokong makinig sayo!!
Alvin : please erica!
.
Pero hindi na inintindi ni Erica si Alvin, nagtuloy tuloy na ito sa pag-alis.. at nang akmang hahabulin ni Alvin si Erica para magpaliwanag, ay lumapit si Jessie na susuray suray kay Alvin..
.
Jessie : sige pare sundan mo na siya at magpaliwanag ka, at ako na ang bahala sa chicks na niregalo ko sayo, (ngumisi ng nakakaloko at lumapit kay kate)
,
Napalingon si Alvin kay katelyne, naalala nga pala niya na tutulungan niya ang dalaga, kaya napaatras siya at binalikan si Kate. At napaurong naman si Kate ng papalapit sa kanya si Jessie. At nakita ni kate sa mga mata ni Jessie na may pagnanasa si Jessie sa kanya, dahil hinahagod ng tingin ang kanyang katawan.
.
Kate : huwag kang lalapit!
.
Tuluyan na kaYang mapapahamak si Katelyne, iiwanan at hahayaan na ba siya ni Alvin, naroon na naman ang takot sa dibdib ni Kate, syempre mas mahalaga ang fiance ni Alvin kesa sa kanya, kaya nanginginig na naman sa takot si Kate, pakiramdam niya ay nasa isang pugad siya ng mga mabangis na lion na ano mang oras ay pwede siyang sakmalin..
.
Itutuloy..
Salamat po sa lahat ng nagbabasa..sana po nagugustuhan nio. Salamat❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top