THE STORY OF US CHAPTER 7


Nilibot nya ang tingin sa buong paligid ng school.
Today is the first day of Foundation day. 3 days lang ito. Thursday to Saturday. Ang thursday at friday ay nakalaan para sa mga booths at games. At ang saturday naman ay ang battle of the bands sa gabi at may mini concert naman sa hapon.Open ang school nila kahit kanino sa saturday. Kaya siguradong madaming tao sa saturday.
Ang daming tao ang nakakalat sa grounds. May kanya kanya silang kulay ng shirt kada section.Sa kanila ay yellow. Sa section 1 ay light blue. Ang haba ng pila sa dedication booth ng section 3. For sure madaming magpapadedicate sa mga crush nila mamaya. Pwede ka kasi magbigay ng short message para sa crush mo or kung sino man gusto mo masabihan. At pwede samahan ng song. May bayad yun syempre.
Siya wala siyang balak maggastos ng pera para magdedicate kay Louie. Wala syang lakas ng loob. Tama ng pagmasdan na lang ito sa malayo. Ibibili na lang nya ng pagkaen kesa igastos sa ganun. Ang dami pa naman nagkalat na food cart ngayon ng masasarap na pagkaen.
Naisipan na nyang dalawin muna ang horror booth ng mga classmate nya. Nakita nyang madami din ang nakapila sa mga to. Kadalasan grupo grupo ng magbabarkada.
“Kumusta?Madami na tayo kita?” tanong nya kay Gel na nakatoka sa Ticket booth.
“Yap! Ang saya nga eh. Enjoy na enjoy sila Chuck sa mga chicks na tinatakot nila sa loob. Hahaha.” natatawang sagot nito sa kanya.Natawa na din sya. Alam nya kung ganu kaloko yung classmate nila na si Chuck. Pero alam nyang di ito gagawa ng ikakapahamak nilang lahat. Takot lang nito sa kanya.
“Nakita mo ba si Burn?” tanong nya. Nagtaka sya at di pa nya nakikita to.
“Hahaha ayun nagtatago!Ang daming gusto magpakasal sa kanya sa marriage booth.” natawa din sya. Wala eh gwapo talaga yung kaibigan nya na kahit kabago bago lang nito sa school na kilala na agad.Lalo na ng mga kababaihan.
“Sige hanapin ko muna. Kawawa naman hahaha ” tinalikuran na nya ito at dinial ang number ni Burn sa phone nya.
“Hello Burn? Nasan ka?” tanong nya pagsagot pa lang nito.
” Baby! Help me! Im trapped here sa classroom! Alot of girls want to marry me at marriage booth!” naiiyak na sagot nito.
“Hahahha. Fine! Punta ako jan.” at tinapos na nya ang tawag nya.
Naglakad na sya papunta sa room nila. Nasalubong nya si Jax.
“Babs!” tawag nya dito. Nagtaka sya kasi di sya pinansin nito. Napansin nya na madami din naghahabol dito na kababaihan. Natawa na lang sya habang napapailing. Swerte ko naman ata. Napapaligiran ako ng mga gwapong kaibigan na habulin hahahah.
Umakyat na sya sa room at naabutan si Burn na nakapangalumbaba sa mesa nito.
“What took you so long?” nakasimangot na tanong nito sa kanya.
“Hehe wag ka na magreklamo. Im here na. Tara na ikot na tayo sa school.” yaya nya dito. Naawa sya kasi di tuloy nito maenjoy ang Foundation day nila. Ito na nga ang una’t huli nito sa school nila eh.
“Ayaw ko. The girls outside keeps on chasing me!” parang bata na maktol nito. nagkanda haba pa ang nguso.
“Hahaha. Ako bahala. Wala makakalapit satin.”
“Really? What are you gonna do to them?” takang tanong nito. di pa din kumbinsido.
“Im just gonna tell them You’re with me. They’ll stop chasing you. Promise!” kumbinsi nya dito.
“Ok! Thats a promise huh. You need to stay beside me the whole day.!” masigla ng sabi nito at tumayo na at lumapit sa kanya at inakbayan pa sya. Hinayaan na lang nya basta magpapa enjoy sa kaibigan nya.
Bumaba na sila at nakikita nya ang mga palihim na irap sa kanya ng mga babaeng nakakasalubong at nadadaanan nila. Wala syang pakialan kahit ano isipin ng mga to.Basta mapasaya ang kaibigan nya.Nagsimula silang libutin ang mga booths.May mga booths ng games. Paminsan minsan...


ay tumitigil sila sa mga iyon para maglaro.
Kasalukuyan silang naglalaro sa isang booth na may mga nakatali na balloons at kelangan matamaan ng darts para makakuha ng prize na stuff toys. Nang bigla may magposas sa kanya.
“You’re under arrest!” maangas na sabi sa kanya ng kunyareng pulis ng section 4. Sa kanila kasi ang jail booth.
“What? Why?” nagugulat at naguguluhan nya na sagot dito.
“Lahat ng may bracelet na red ay under arrest.” nakangisi nitong sagot sabay turo sa bracelet na suot nya.Bigay to sa kanya ni Jax.
“Hey! San nyo siya dadalhin?” apela pa ni Burn.
“Burn punta ka na lang muna sa booth natin. Babalikan kita dun.” pagsuko nya kasi alam naman nyang wala syang magagawa sa mga pulis pulisan na to kaya nagpaubaya na lang sya. Wala syang balak mag aksaya ng pera pampyansa. Tiisin na lang nya ung 1hr na stay sa kulungan. Oo na. Kuripot na kung kuripot hahaha.
Hinila na sya ng mga to papunta sa ginawa nilang jail booth na 3 classroom sa 1st floor. Pagpasok nakita nya agad na iilan lang sila na andun. Pero napansin nya agad ang lalaki na kahit nakatalikod ay kilalang kilala nya.
“Babs!” masayang tawag nya dito. Napalingon naman ito agad.
“Sa lahat ng nakulong. Ikaw lang namumukod tanging masaya.” nakangiting puna nito sa kanya.
“Hahahah.eh bakit pa ko malulungkot andito ka naman!” yeah kahit san sya mapadpad basta andun ang bestfriend nya ay ok lang sa kanya.As long as ito ang kasama nya.
Napangiti naman ito lalo.
“Tara dito ka sa tabi ko.” yaya nito sa kanya.
“Babs im hungry may pagkain ka ba jan?” bungad nya dito.
“Pagkain na naman. Hay muka na ba kong ref at pagkaen na lang lagi hanap mo saken?” kunyare lungkot lungkutan pa nitong tanong sa kanya.
“Hahaha i know may pagkaen ka jan sa bag mo. Labas mo na Babs. Nag rereklamo na mga alaga ko sa tyan.” natatawa at nakahawak sa tyan pa na sabi nya dito. Alam nyang lagi may pagkain sa bag si Jax.
“Tsk. pasalamat ka talaga mahal kita.” reklamo panito habang nilalabas ang sandwich sa bag.
“I know! and I love you too!” mahal nya talaga ang kaibigan at alam nyang mahal din sya nito. Of course bilang kaibigan lang. Di nya binibigyang malisya ang mga iyon.
“Oh eto na mahal na prinsesa!” ngiting ngiti na sabi nito habang inaabot sa kanya ang sandwich at bottled water.
Nagkwentuhan lang sila ni Jax. Natigil sila sa kwentuhan ng marinig ang pangalan nya sa speakers ng school.
“To Lyna Saavedra of 4th yr Section 2.
To my Lyna. This song is for you. Hope you enjoy this day. And be with the person you love.
From Mr.B”
Sabay patugtog ng “Sparks Fly” na kanta ni Taylor Swift. Isa sa mga favorite song nya.Nakarinig pa sya ng hiyawan sa labas at alam nyang sa mga classmate nya yun galing.
“Huh? Sino yun? Bat may ganun?” gulong gulo na tanong nya kay Jax.
“Aba Nana! May suitor ka na hindi sinasabi saken?” tanong nito with matching maintrigang tingin.
“Oy!Di ko alam yun! Di ko kilala yun Babs!” alam nyang magseselos na naman tong bestfriend nya. Kasi iiisipin na naman nito na may hindi sya sinasabi.
“Hahahah. Amin na kasi.” pangungulit nito.
“Wala nga kasi Babs. Baka isa sa mga classmate ko yun napagtripan lang ako.” dahilan ko. Alam ko naman kasi na walang magkakagusto saken.Di naman ako kagandahan. Kaya sure ako na napagtripan ako ng mga classmate ko. Lagot sila saakin paglabas ko maya.
“Eh panu kung may manligaw sayo?Anong gagawin mo?” tanong nito seryoso pa.
“Ayaw! Kaw na bahala kumilatis sa kanya. Alam mo naman kung sino matino sa hindi.” sagot nya dito.
“Good! Bawal ka pa ligawan.Bawal ka ligawan ng iba” nakangiting sagot nito.
Nagtaka naman sya sa sagot nito. Pero hinayaan na lang nya. Si Jax yun. May tiwala sya dito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top